May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Friday, October 29, 2004
Nga pala:
Mayroon akong kakilalang makata - ka-edad lang halos, naging kaklase pa sa isa sa mga klaseng sinit-in-an ko dati - na sinasabi nilang patay na raw. Hindi ako makapaniwala.
Hindi ako makapaniwala dahil sinasabing pinatay raw siya. Sinasabing siya raw ang naging ikalawang biktima ng serial killer ng mga bading. Huwag sana kayong magalit sa gagawin ko: ahahahahahahahahahahaha. Ahahaha. Kakaiba 'yun, mehn. Tama nga kaya 'yun? May serial killer sa 'Pinas? Aba, a la Smaller and Smaller Circles, a - 'kala ko, WASP phenomenon lang 'to, white anglo-saxon protestant. Ahahaha. At mga bading pa ang tinitira, ahem, este, pinupuntirya. Ahahaha. Aha-aha.
Pero bago ako kabagin, totoo nga ba? Patay na nga ba 'yung kakilala kong bading na makata? Kung narinig n'yo na rin ang balita, tiyak akong kilala n'yo siya. Pakibalitaan naman ako.
kurimaw: ay, putcha, totoo 'yun? kaya ko nabalitaan kasi nakita ko si rustum kanina sa project 4, nang nagpasa kami para sa gawad ka amado-- ikaw rin nga raw ang nagbalita sa kanya. anak ng tokwa-- bakit hindi pa sumisikat ang balita? alam ko kasing hindi masyadong marami ang kaibigan nitong tinutukoy natin. kaya medyo alangan akong maniwala, baka tinatarantado lang siya ng mga tao.
teka, tama na. baka multohin pa niya tayo sa mga blog natin, mwahaha.
pepper: oo, so arkaye kierulf ang nag-first place noon. genius 'yun, p're. nag-aaral pa rin siya ngayon sa 'teneo.
hindi ikaw ang dahilan ng pagtanggal ko ng tagboard ko, 'no. may mga tarantadong nang-iistalk sa akin, o di kaya, ginagawang singles chatroom ang tagboard ko. at least, dito puwede kong burahin kapag medyo mapakla na sa panlasa ang mga sinasabi.
'yung blog mo, sa tingin ko, mas simple, as okey. hayaan mo nang 'yung teksto ang magdala sa kanya.
at, ehehehe, mag-iisa't kalahating taon na rin kaming nagbreak ni carmeli.
haha.wala akong masabi.wala talagang magawa ang mga taong to.ang hinihiling ko lang sa mga naninira sa kaniya, manahimik na lang kayo at kumbinsihin ang sarili niyo na tanggapin na lamang ang lahat, magpakaproduktibo at iwasang pagtsismisan at sirain ang ibang tao dahil sariling dugo niyo rin lamang ang pinapakulo niyo.