abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Wednesday, October 06, 2004
Anak namputa. Sabi ko na nga ba't may makaka-angasan ako dahil sa huli kong post, e. Ewan. Ahahaha, sabi ni Tito Bugoy, na isa sa mga nagpaaral sa akin nu'ng college: "Ba't hindi ka mag-abugado?"

Ang sabi ko, "Wala akong hilig makipag-argumento. Suntukan na lang."

Pero seryoso, wala akong hilig makipag-angasan sa mga tao, makipagpasiklaban ng mga nalalaman sa teorya, ipagpangalandakan kung saang kampo ng pag-iisip ako nabibilang. Anak namputa, sabi ko nga, kung kailangang tawagin 'tong panatisismo, o kristiyanismo, o bayani-agbayanismo, o satanismo, e ano? Pangalan lang ang lahat ng iyan. Tapos may aangil at ayaw niyang pangalanan ang sanaysay niyang "propaganda," e putang-ina, hindi naman sanaysay ang tinutukoy ko, kundi TULA, TULA, TULA. Alam ko naman ang ikinaiba ng sanaysay sa tula, 'no, buwakanangina.

Kung sa bagay, malay ko ba kung itnituring ng mga taong "tula," ang mga blog entry nila. Hay susmaryosep. Labels na naman, pangalan na naman.

Ang hindi ko maintindihan, e kung bakit hindi na lang natin tanggapin na may pagkakaiba ang mga construct na ginagalawan natin, na ang depinisyon natin ng isang bagay e hindi palaging magkakatulad? Taragis, ituturing ko ba ang sarili ko nang "may malasakit sa kapwa kong nagdurusa," kung ayan nga't isinasalalay nila ang laman ng tiyan nila sa mga piraso ng papel na ipinamimigay ng gobyerno, pero ako, ang "may malasakit na ako," e walang ginawa kundi pangalanan ang buong sansinaklaw?

Hindi, hindi, okey lang 'yun, e; ang nakakaalibadbad, nakakapanggalaiti, e 'yun bang pag may isang tao na hindi mo nakatugma ng "depinisyon," e 'yun bang susulat nang para bang pinagkakatuwaan ka, na isa ka lang palang "tanga" sa pananaw niya. Anak ng puta. Anak ng puta naman talaga, oo.

Ang mas malala pa nga doon, e wala namang lugar sa diskurso ang gayong pagpapasikat. Anak ng puta ulit.

Siguro, ang akala ng mga humihirit ng ganu'n, e anak namputa, nagpapanggap lang ako; wala akong alam; hindi ako nagbabasa; isa lang akong ligaw na estudyanteng pilit umeeksena sa mga ganitong usapan para makilala, para mabasa ng mga magiging judge ng contest, para sumikat at manalo ng mga contest. Mahiya naman tayo sa mga balat natin kung ganu'n, brad.

O, ayan. Propaganda nga ba? Tula? Magsulat ka na lang, tumula ka na lang? Sa kabila ng lahat ng intelektuwalismo't kaburgisan ng pag-aangil na 'to, anak namputa, may nagugutom pa rin. Oo, sige na, tama ka, astig na ang ipinaglalaban mo. Ngayon, nagkaangasan tayo, nagkabanggaan, ano ang ginagawa mo? Nakapagpakain ka ba niyan? Gumawa ka lang ng kaaway.

Sabi ni Padre Ferriols, "Ang pilosopiya ay ginagawa." Pati ideyolohiya, mehn.

P're, hindi uubra sa akin ang mga patama at parinig sa blog entry. Hindi ako 'yung "yor tipikal arenean," mehn. Kung gusto mo, mag-usap na lang tayo, sa Xavierville Avenue, may alam akong lugar, 16 pesos lang ang erbi (pale pilsen), 18 ang sml, 25 ang red horse at strong ice. Hindi na natin ikagi-guilty iyon, mura lang naman, e. Bawat lunes, naroon ako. Doon tayo magkuwentuhan. I-email mo ako kung gusto mo ng diskurso, at hindi 'yung ganito.

***

Anak namputa. Dapat ang susunod na blog entry ko e tungkol sa isang kaibigan na may mabangis na mabangis na problema. Bukas na lang 'yun, a? Na-high blood ako, e. Sumasakit ang batok ko. Dapat yata, bawasan na ang pagkain ng matangbaka sa tuwing nagpapahimasmas ng pagkalasing. Siyet.


posted by mdlc @ 3:57 PM  
2 Comments:
  • At 10:34 PM, Blogger jeanie de la rama said…

    gwapo!
    tama na yang hayblad,baka mabawasan ang kapogian natin. ;)salimpusa naman ako sa inuman kahit isang bote (o kalahati) lang nauubos ko.ngayon ko lang naa-appreciate ang bir.

     
  • At 8:02 PM, Blogger mdlc said…

    sori din. medyo nagulat nga ako nang maisulat ko 'to, at tinangka ko rin namang burahin. kaya lang, ayan na, nasabi na, e. last na rin yan - kung hindi pa last yan, e di wasak-wasak na tayo pareho nu'n. magpopost na ako tungkol sa kaibigan kong nakipag-break sa boypren niyang nasa call center dahil nakabuntis ng katrabaho 'yung boypren.

    sori din talaga; siguro nga, naangasan lang ako. di bale. ayus yan, inom, inom, mamamamamamamyamyamyam.

    at may ifoforward ako sa iyong interesante; email din ng isang kaibigan, sa egroup, tungkol sa usaping sinimulan ko rito.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto