abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Friday, May 06, 2005
Kababasa ko lang nu'ng labing-anim na message du'n sa site ng bagong Yahoogroup namin sa Iyas workshop. Kababasa ko lang, dahil nga tatanga-tanga ako't akala ko kasali na ako kahit hindi ko pa inaprub 'yung invite.

Wala lang. Gusto ko lang i-share. Mga kuwentong madrama o panggago o kahit-ano muna.

***
Una: may touching na kuwento akong naaalala, at gusto ko na yatang umiyak nu'ng umagang 'yun, 'yung nag-alisan na lahat ng co-fellows ko at ako na lang ang nakasakay sa van para ihatid sa terminal ng bus. Malungkot 'yung ganu'ng walang kausap, baka 'kala n'yo.

Ang kuwento: nu'ng umaga, habang nag-aalmusal, inabutan ako ni Ava ng isang plastic cup na puno ng barya. Para raw makatulong sa budget ko dito sa Dumaguete (oo na, oo na, mukha na akong mahirap). Na okey talaga, kasi naipangtraysikel ko 'yun, naipangyosi, naipanglimos sa bata du'n sa tabi ng dagat, naipambili ng nilagang mani nu'ng tumitira na ako ng daily dose of beer ko.

Ang mas kuwento: sabi ni Ava, nu'ng papasok na siya sa airport: sigurado ka okey ka na? If you need anything...

At naintindihan ko na 'yun, at tumingin na lang ako sa malayo at ngumiti. At naalala ko 'yun nu'ng nagpeplay na sa utak ko 'yung ikalawang track sa soundtrack ng araw ko noong nag-uwian na lahat, 'yung Waiting for the Bus ng E-heads, dahil waiting for the bus naman talaga aka noon, at dahil nga malungkot bumiyahe nang mag-isa, pero mas malungkot mag-abang ng biyahe nang mag-isa.

***

Pangalawa: 'yung unang dalawang araw ko rito sa Dumaguete e panay bakla ang kasama ko. Na hindi naman masama, pero after the first several hours, it starts to get to your nerves. Parang pag-iisa 'yun, e. Okey lang sa simula. Pero pag buong araw ka nang umiikot-ikot sa mga kalyeng di mo naman kilala, nagsisimula ka nang mag-text ng mga luma at bagong kaibigan, ng mga taong matagal-tagal mo nang di nakakausap, o kakakausap lang pero nami-miss kaagad.

So ang naalala ko e 'yung mga bading (ilan ba? Dennis, kailan ka ba maglaladlad?hehe,) sa Iyas at kung paano hindi nila ako ginawang conscious sa seksuwalidad ko o nila. Ang ibig kong sabihin, hindi nakakaalibadbad kahit isang buong linggo mong kasama, kahit isang linggong katabi ang kama. Ang ibig kong sabihin, astig.

***

Pangatlo: kagabi, naghapunan ako at nagtumba ng ilang bote ng beer kasama ang ilang bagong kakilala. Hindi ko alam kung paano, pero in passing, nabanggit kong hindi ako naniniwala sa diyos. Tapos, ito namang kainuman kong mga 30+ yrs old na babaeng mestizang mukhang nagnanaknak na talampakan e kinulit ako nang kinulit. E puta, hindi naman niya gustong makipag-usap, sa totoo lang. Ang basa ko, gusto lang niyang ilitanya sa isang estranghero ang pseudo-personal religion niya, na napakagasgas na naman, 'yung tipong, "I don't go to church but I have my personal relationship with god" bullshit. Na madaling pakinggan at tanggapin kung manggagaling siguro sa ibang tao, pero nu'ng siya ang nagsasalita, parang gusto ko na lang siyang ibalibag sa dagat dahil putangina, pu-tang-i-na, wala siyang pakialam at pitagan sa paniniwala ng kapwa niya tao. Andami talagang nabubuhay sa isang malaking kaulolan, 'yun bang binary opposition ng meron-ba-o-walang diyos. Motherfucker.

***

Pang-apat: the other night naman, isinet-up ako ni Naya sa isang kaibigan ng kaibigan, dahil nga ngawa ako nang ngawa sa text nu'ng buong araw akong naglalagalag nang mag-isa. Kaya nga dinner, ayun.

Kailangan ko yatang aminin: for a while there, I was thinking of getting laid. Isipin n'yo-- unattached ako, in a charming, foreign place; tapos, the prospect of going home to an empty room wasn't too appealing.

Ewan. Hindi ko pa rin alam kung, sa puntong ito ng buhay ko, madaling kayaning umistayl ng ganu'n; sabi ko nga sa isang kaibigan, para akong kakantot ng katol o ng bumbilya. After the second bottle of beer, bago ako umuwi para maligo at magbihis dahil amoy araw at dagat at usok na 'ko, naisip ko, Puta, ano 'yun? Labo, e. I imagined myself feeling really guilty and dirty after a quick orgasm. Mas appealing pang magjakol na lang, at least constant companion ko 'yung palad ko.

Anyway, nakatulong din na mukhang panis na tutong 'yung nakadate ko. Hehe, hindi naman siya ganu'ng kapangit, pero alam n'yo 'yun, sapat na ang pagka-di-maganda niya para maenjoy ko lang 'yung kuwentuhan, 'yun lang company matapos ang isang buong araw ng pagpapaligaw, 'yung hapunan lang na walang tensyon mula sa physical attraction.

***

Sana magsabado na. O at least, sana mag-alas-singko na, para hindi na mainit, at hindi na ako masyadong magmumukhang tanga kapag umupo ako sa Coco Amigos para tumira ng dalawang boteng beer.

***

Nu'ng isang araw, sabi ko sa waiter: "P're, isang pale."

Tapos pagdating niya, dala na niya 'yung bill ko. Sabi ko, "P're, pale, pale pilsen. Hindi bill."

Sabi niya, "Ay! Pilsin pala."

Ang malungkot nu'n, ako ang abnormal, at hindi siya.

***
From The Long Sad Party
Mark Strand

Someone was saying
something about shadows covering the field, about
how things pass, how one sleeps towards morning
and the morning goes.

Someone was saying
how the wind dies down but comes back,
how shells are the coffins of wind
but the weather continues.

It was a long night
and someone said something about the moon shedding its white
on the cold field, that there was nothing ahead
but more of the same.

Someone mentioned
a city she had been in before the war, a room with two candles
against a wall, someone dancing, someone watching.
We begin to believe

the night would not end.
Someone was saying the music was over and no one had noticed.
Then someone said something about the planets, about the stars,
how small they were, how far away.
posted by mdlc @ 12:11 PM  
2 Comments:
  • At 4:32 PM, Blogger the city reader said…

    ahaha, sorry, di ko naman alam na mukhang tutong. =) ito na lang, favor, bago dumating ang mga co-fellows mo. sa likod ng alumni hall, pakitingin kung meron pang 2 wooden swing, yung tipong magkaharap-na-bench swing sa ilalim ng puno ng santol. mag swing-swing ka lang dun ng ilang minuto. be my proxy "swinger." wala lang. =)

     
  • At 1:57 PM, Blogger mdlc said…

    mamaya, mismo, gagawin ko 'yun. hahanapin ko 'yun, at magsi-swing du'n, at iisiping nandito lahat ng kaibigan kong taga-maynila. malakas ka sa akin, e.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto