abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Saturday, June 04, 2005
Tangina. Nakalabintatlong bote/can ng beer ako kagabi kina Anina. Sa awa ng Diyos, nakauwi naman ako nang buo pa rin. Sinusubok ko pa ring mag-adjust dito-- 'yung hindi nalalakad ang lahat, hindi five minutes away, 'yung wala kang sinisilip-silip na dagat.

Tsaka balik na naman sa mga problema. Ang saya, saya, saya. May kapakshetan sa bahay na kanina ko lang nalaman. Mga kapakshetan, na ayaw sana nilang sabihin sa akin para di ko na problemahin. Putcha, mehn, di na naman ako bata na dapat iliban sa problema. Lalo na kung kaya kong tumulong sa solusyon.

Ewan. Malas nga siguro ang labintatlo. Dapat bumira pa ako ng isang bote, para naligaw na ako nang husto kagabi.

***

Natutunan ko na: kapag may hawak akong breds, dapat hindi ako nagpipigil bumili ng mga bagay na mahahawakan, 'yung hindi mauubos. Kasi, kung hindi, unti-unti lang ding malalagas 'yung pera ko, maipapang-inom, naipapangkain sa kung saan-saan (na otherwise e hindi ko kakainan,) basta't nawawala lang nang di napapansin, sing-natural lang ng pag-ikot ng mundo, di-namamalayan, pero nangyayari pa rin. Sinisimplehan ako ng panahon.

Kaya nga bukas e bibili na ako ng mga bookshelf, dito sa may Abad Santos. Mura ang furniture du'n, e. Naaawa na ako sa mga libro ko, baka anayin 'yung mga hindi na magkasya sa bookself. Nag-splurge pa ako sa libro nitong mga nakaraang araw. Bumili ako ng tatlo kay Joel, o sa kaibigan niya; dalawang Coupland at 'yung Palahniuk na di ko pa nababasa at sabi ni Gelo e, para sa kanya, da best. Tingnan nga natin, kasi para sa akin, ang da best 'yung Choke, e.

At kahapon, matapos manood ng Revenge of the Sith, na ang daming korning linya, pero maganda, at pagbibigyan mo na ang mga korning linya, kasi aasahan mo bang kolokyal ang wika nila kung alam mo na ngang nangyari 'yun long ago in a galaxy far, far away... ampota, nasa'n na nga pala ako? Ayun, kahapon, matapos manood ng sine kasama si Erpats, pumasok ako sa Fully Booked du'n sa Gateway at nakakita ng isa pang Palahniuk. Na, dahil nga may breds naman ako, e hindi ko na masyadong pinanghinayangan. Tutal, 'ka ko sa sarili ko, nakatipid naman ako du'n sa mga librong galing kay Joel.

Ayun nga, 'yung Palahniuk na nabili ko e 'yung koleksyon ng mga non-fiction niya, na ang pamagat e, tentenenen-- Non-Fiction (True Stories). Gagu, ang galing talagang magsulat at mag-isip nitong si Palahniuk. Bilang pansara nitong entry na 'to, sasampolan ko kayo, mula du'n sa Introduction:

"...In so many ways, these places-- support groups, twelve-step recovery groups, demolition derbies-- they've come to serve the role that organized religion used to. We used to go to church to reveal the worst aspects of ourselves, our sins. To tell our stories. To be recognized. To be forgiven. And to be redeemed, accepted back into our community. This ritual was our way to stay connected to people, and to resolve our anxiety before it could take us so far from humanity that we would be lost.

"In these places I found the truest stories. In support groups. In hospitals. Anywhere people had nothing left to lose, that's where they told the most truth."
posted by mdlc @ 3:14 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto