abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Friday, June 03, 2005
Kung gusto ninyo ng mga astig na bagong-tayong blahg, mehn, recommended 'yung kay Gelo at kay Ken. Nakalink diyan sa kanan (na, sa di-mawaring kadahilanan, e nasa babang-babang-baba, sa ilalim pa ng mga entry.)

Kung gusto ninyo ng astig na parang-blog, pero hindi, basta, at kung mahilig kayong magbasa ng astig na Tagalog lab poems, silipin n'yo 'yang r.i.p. kulas talon, nasa kanan (baba) ulit, sa ilalim ng "madaling maligaw."

Kung gusto ninyong uminom ng beer at may pera kayong panlibre, text n'yo lang ako.

Kung gusto n'yong magbasa ng mga lumang blahg na may astig na update, punta kayo kina Carl Bayaw at kay Yol.

Kung gusto ninyo ng world peace, matulog na lang kayo, o kaya umutot.

Kung gusto ninyong manood ng astig na tugtugan at makinig ng astig na mga tulang binabasa ng mga astig na makata; kung ka-batch kayo ni Carl sa katatapos lang na UP workshop sa Baguio, punta kayo sa Conspiracy sa darating na Martes.

Kung gusto n'yo kaming mapakinggan nang full-set, punta kayo sa June 23 sa Purple Haze, sa Marikina, dahil may dalawang linggo kaming pahinga, para, hopefully, sa wakas e makapag-record.

Kung gusto ninyo ng masarap na manok, punta kayo sa Dumaguete.

Kung may sweet tooth kayo at mahilig sa masarap na mga cakes at pastries, punta kayo sa Bacolod, hanapin ninyo 'yung Caleya.

Kung gusto n'yong huwag makaring ng mga malungkot na kuwento, huwag n'yo kong aayain mag-inuman sa mga susunod na araw.

Kung gusto n'yong matulog, sige lang.

Kung gusto n'yong sabihin sa aking, Hoy, tama na, we get your point-- hindi na kailangan, hehe. Titigil na ako.
posted by mdlc @ 8:05 PM  
3 Comments:
  • At 12:37 AM, Blogger sundial girl said…

    o bilis. inuman. (hindi naman ako umiinom.)

    pero seryoso, kung kelangan mo ng kausap, text mo ako. usap tayo. libre kitang beer. haha.

     
  • At 10:39 AM, Blogger carl said…

    bayaw, manlilibre pala si gabby ng beer sa mga malungkot. gabs, malungkot din ako!

     
  • At 12:02 PM, Blogger sundial girl said…

    carl: pare, sabi ko si kael lang. tapos na yung phase mo na malungkot. jedi master ka na, di ba?

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto