May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Tuesday, June 28, 2005
Naglalakad ako noong isang gabi, pauwi, galing sa friendly neighborhood Internet shop, dito sa kanto ng Batangas, malapit sa Avenida. Umaambon noon.
Tapos nakakita ako ng manok. Puti siya, puting-puti dapat, pero merong mga itim na marka sa balahibo niya, galing sa grasa at langis at alikabok ng maawaing lungsod na ito. Sa maikling stretch 'to ng kalye Misericordia, sa may iskinita nina Oloy. Kung mahalaga ang detalyeng awa o malasakit o simpatiya ang salin ng salitang Misericordia, kung mahalaga ang detalyeng naawa ako sa manok, hindi ko alam.
Tapos tinitigan niya ako. Tinitigan ko rin siya. Nagmamakmakmakurk siya.
Dahan-dahan nang lumalakas ang ulan nito.
Tapos tumawid siya ng kalsada.
Sa puntong ito, may ilang bagay na pumasok sa isipan ko:
1. Alam ninyo 'yung email na kumalat dati, 'yung mga sagot kuno ng kung sinu-sino sa tanong na "Why did the chicken cross the road?"
Naaalala ninyo 'yung sagot kuno ni Hemingway? Ako, naaalala ko; 'yun nga lang ang naaalala ko, e. Sabi niya:
"To die. In the rain."
2. Tangina, may manok pa palang gumagala sa Maynila.
3. Tangina, sinisipon kaya ang mga manok?
4. Tangina, ang lakas ng ulan, papaano kaya akong uuwi?
5. Tangina, putangina, bahala na.
6. Makmakmakurk, makmakurk, makurk, makurk.
***
May pinabasang tula si Naya, na sa kasawiang-palad e hindi ko dala ang kopya ngayon at wala akong makitang kopya sa web. Matapos ding basahin ni Marie ang tula, sabi niya, Naisip mo bang kahit buong buhay kang magsulat e hindi ka makakasulat ng ganyang tula? 'Yung ganyang kaganda?
Dalawa ang sagot ko rito: 1. Sabi nga ni Gamalinda, "and this is the source/ of all my grief." 2. Kailangan nating umasa na hindi magiging maigsi ang mga buhay natin, para malaman kung makakasulat nga tayo ng ganu'n o hindi.
***
1. Mayroon ba sa inyong hindi nagbura nu'ng forwarded email dati, 'yun ngang tungkol sa "Why did the chicken cross the road?" Paki-email naman sa akin.
2. Ipo-post ko bukas o mamaya 'yung tulang ipinabasa sa akin ni Naya.