May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Friday, June 10, 2005
Ang kuwento, sinilip ko 'yung blog ni Spin, andyan sa kanan 'yung link, kung gusto ninyong silipin. Tapos ang ganda nu'ng tulang nakapaskil du'n, ang ganda talaga, ang pamagat "Credo," isinulat ni Andrew Zawacki. Dahil nga nagandahan ako naghanap pa ako ng iba pang tula nitong si Zawacki; wala akong makita. Naisip kong pumunta du'n sa blog ni Naya, dahil du'n may link sa plagiarist.com, na maganda-ganda ring database ng mga tula. Hinanap ko si Zawacki doon, sa ilalim ng letrang "Z." Wala pa rin si Zawacki, pero may isa pang pangalan du'n. Hindi ko kilala, pero ano ba naman ang mawawala, di ba, isang click lang naman, malay ko ba kung magugustuhan ko 'yung tula. Kaya ikinlick ko nga 'yung isa du'n sa mga tula sa ilalim nu'ng pangalang nagsisimula sa letrang Z, na hindi Zawacki, a hindi Zawacki.
At nagustuhan ko 'yung tula.
Try to Praise the Mutilated World Adam Zagajewski
Try to praise the mutilated world. Remember June's long days, and wild strawberries, drops of wine, the dew. The nettles that methodically overgrow the abandoned homesteads of exiles. You must praise the mutilated world. You watched the stylish yachts and ships; one of them had a long trip ahead of it, while salty oblivion awaited others. You've seen the refugees heading nowhere, you've heard the executioners sing joyfully. You should praise the mutilated world. Remember the moments when we were together in a white room and the curtain fluttered. Return in thought to the concert where music flared. You gathered acorns in the park in autumn and leaves eddied over the earth's scars. Praise the mutilated world and the grey feather a thrush lost, and the gentle light that strays and vanishes and returns.