abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Sunday, June 12, 2005
Magsimula Lamang
Joel Toledo

Only begin, and the rest will follow.
--- David Wagoner, “The Source”

Ninanais kong sabihin sa iyo, matagal-tagal na rin,
Kung gaano akong katakot sa panahong ito, sa mga natutulog niyang katawan.
Sa kung-saan, binubuksan ang isang lumang bintana at ang kargadong hangin
Ay sinisimulan ang kanyang palagi, muling pag-angkin sa mga lupalop,
Ibinubulong ang kanyang maraming pangalan sa mga kasangkapan,
Sinasagi ang mga ito sa mumunting pagkilos. Sa buong kapaligiran,
Ang mga agiw ay sumasaliw sa himig ng hangin.
Isang gagambang nakaramdam ng biglang pagbabago
Ang kumaripas muli tungo sa mga anino.

Mayroong dumating. Hinubad niya ang kanyang sumbrero.
Tumingin sa paligid, tinimbang ang arkitektura.
Pinatakbo niya ang mga daliri sa bawat bagay, pinangalanan ang mga ito.
Naglalakad siya tungo sa bintana, at ang kanyang mga hakbang ay nag-iiwan ng malalalim,
Malilinaw na bakas sa sahig, gumagawa ng malalalim, malilinaw na tunog.

Maaaring nakikita mo na ito. Pansinin kung paanong ang mga oras
Ay ang tanging di lumilisan, kung paanong ang mga ibon sa labas
Ay kakaibang tunog lamang ang ginagawa. Ang dating pamilyar,
binibigyang-daan ang pansariling kadiliman. Bumangon ka.
Dumudulas ang pangkaraniwang mga araw.
Lumapit ka sa bintana. Upang isang araw

Maaaring magising ako sa tunog ng mga hakbang, parang pag-uwi.
“Papasukin mo ako,” sasabihin ko. “Hayaan mo aking makisalo sa mahaba mong kalungkutan.”

(salin ni Mikael de Lara Co)
posted by mdlc @ 1:43 PM  
2 Comments:
  • At 2:57 AM, Blogger free migrant said…

    ang galing galing! makes me love the poem in a totally different way. by the way, wala akong pinapatamaan nung posting na yon, i was just inspired by something funny and pathetic posted by an old friend of ours from journ. ewan ko lang kung na-gets nya. ;o)

     
  • At 4:02 PM, Blogger mdlc said…

    a, ganu'n ba. hehe. talagang pag guilty, madaling tamaan.

    galing nu'ng tula ni joel, kaya masarap isalin. nga lang, hindi sobrang dali. pero okey lang.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto