abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Ang Nakikita
Friday, July 15, 2005
Ang Nakikita

Una sa lahat: kailangan mong maniwala: wala akong kayang sabihin

kundi ang mga nakikita. Nagsanib ang tubig-ulan at dura at grasa sa pitak-pitak na mukha ng kalsada; namumuo ang liwanag at pinabibigat ang namamagang alangaang; ito ang madaling-araw; ito ang Maynila;

ito ang Maynila sa tuwing madaling-araw. Kanina lamang ay tinitigan mo ang buwang nakalambitin sa madawag na kalangitan.

Mamaya, kung sa pagtingala ay walang buwang nag-aabang sa iyo, tititigan mo ang espasyo kung saan, sa mga sukal ng iyong paghaharaya, ay iisipin mong may buwang tumititig pabalik sa iyo. Alam mo ito:

ang pagdilat ay isa lamang sa maraming anyo ng pag-asa. Nakikita mo rin ang nakikita ko: ito, ang akong nagwiwika; ito, ikaw na pilit humihinuha ng sariling kahulugan sa piling ng lahat ng nakikita; ito, ang lungsod na di makayang punan ang mga uka sa nababakbak mong puso. Kanina lamang

ay nakita ko kung paano, sa kabila ng sala-salabid na busina at huntahan ng pasahero, may isang marungis na aleng naglabas ng rosaryo, pumikit, at bumulong

nang para bang may nakaririnig. Ito, panalangin. Sabay tayong magtaka kung paanong nagkakasya ang gayong kalawak na pag-asa

sa pagitan ng dadalawang palad.
posted by mdlc @ 8:16 PM  
4 Comments:
  • At 1:03 PM, Anonymous Anonymous said…

    Ang ganda talaga. Gandang realization, tsong. Hintayin mo, kapag matanda-tanda ka na, lilipat rin iyan sa iyo. Ikaw naman ang tanong ng kabataan, hindi ba?

    byebye

     
  • At 6:34 PM, Blogger mdlc said…

    mehn, salamat talaga sa pagbasa ng tula.

    pero alam mo, pakiramdam ko, kahit pa tumanda ako e 'yan pa rin ang magiging tanong ko.

     
  • At 1:37 PM, Blogger bullet said…

    orayt!

     
  • At 1:36 PM, Anonymous Anonymous said…

    galeng.

    abo sa dila

    matagal ko nang gustong magkaroon ng abo sa dila. :)

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto