May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
progressive in more ways than one
Tuesday, November 08, 2005
Oo, kumakanta rin ako:
GINAPOS NG KASAYSAYAN ang kamalayan ng ating bayan: itinali nang patiwarik sa puno ng bayabas at ipinadildil sa mga hantik sa loob ng mahigit apat na siglo.
Tinatangka ng GAPOS na ipasariwa sa mga tagapakinig ang masalimuot na karanasan ng mga mamamayan ng abang Pilipinas sa pamamagitan ng mga talinhaga't kabalintunaang sinabayan ng nakababaliw na timpla ng progressive rock, jazz, samba at samu't saring uri pa ng musika. Sa pamamagitan ng mga awit, sinusubok ipadama ng apat na musikerong ito ang iba-ibang pinagmulan ng pighati ng mga nakakasalamuha nila sa pang-araw-araw.
Sa ilalim ng dating ngalang AWARE, anim na taon ang iginugol ng mga musikerong ito sa paghubog ng kanilang sining at karanasan. Matapos ang anim na taon at lumipas ang ilang kasapi, binigyan ng mga musikero ng bagong buhay ang kanilang grupo bilang GAPOS.
Ang GAPOS ngayon ay binubuo nina Mikael Co (boses) , Kapi Capistrano (gitara), Perp Puertullano (baho) at Osh Gonzales (tambol) . Ngayon, lima sa arsenal nila ng mga awit ang inihahandog sa publiko sa isang Extended Play na CD: BAWAL ISILANG DITO. Sa CD na ito, makikita ang mga simpleng suliranin ng karaniwang manggagawa bilang mikrokosmo ng lipunan sa single na "Bawal Isilang Dito"; ang maindak na pagsuri sa mga pinuno ng bansa sa " Status Quo "; ang makulit na pambabalahura sa mga institusyon sa "Samba Tutungo?"; ang balagtasang metal na "Globalization"; at ang paghalaw at pagsasamusika nila sa isang klasiko ni Ka Amado V. Hernandez sa "Langaw sa Isang Basong Gatas".
Ilulunsad ng GAPOS ang kanilang CD sa ika-18 ng Nobyembre bandang ikawalo ng gabi sa Purple Haze Bar and Cafe sa J.P. Rizal St. (Unang kanan sa may ibaba ng tulay magmula sa Riverbanks, sa kanto ng 7-Eleven,) Concepcion, Marikina . Inaanyayahan kayong manood sa kanila at bumili ng kanilang CD sa halagang P50 lamang (Barya lang po 'pag maaga). Kasama nilang tutugtog ang mga kabatak na banda tulad ng maparikalang Los Chupacabras , ang kagimbal-gimbal na Balete Drive, ang sawing Marf Creature, at ang industriyal na Saiphra. Ka-jam din nila sa gabing iyon ang Kilometer64, mga kabataang makatang pudpod ang mga paa sa pagbagtas sa mga kalsada tungo sa paglaya.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-text lamang si Mic (ang manager ng banda) sa 09178253697.
***
May gig din nga pala ang Los Chupacabras sa Mayrics sa November 12, Sabado. Sa tapat 'yun ng UST, malapit sa Shakey's. May entrans na 100, may kasamang beer. May kasama ring ibang banda na ayuz ang bagsakan.
At mayroon ulit sa 26, sa Purple Haze naman ulit. 'Yun libre.
***
Sa mga masugid na patron ng Purple Haze: Ayokong maging tsismoso, pero: nasisante si JP, 'yung kalbong head waiter. Hindi raw pumasok nu'ng undas, hindi nagpasabi-- e siya lang ang may hawak ng susi nu'ng bar. Wasak siya king Sir Dax.
Tangina, parang panay press release na lang ang laman nitong blahg ko, a.
sikat!