abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

sige na, please
Monday, January 30, 2006
Dahil kung binabasa mo 'to e malamang kaibigan kita (at kung hindi, e di hindi,) may irerekwes sana ako.

Kasi, nakaluwag-luwag nang onti dito sa bahay at nakaiskor ako ng matino-tinong computer. E hindi ko na naman mahagilap kung nasaan/nakanino ang lumang hard drive nu'ng yumao kong computer noong undergrad, kaya walang kalaman-laman ang hard drive ko ngayon.

Ang gusto ko lang namang tumbukin (medyo nahihiya ako, pero): Baka naman puwede mo akong ipag-burn sa cd ng mga kanta na naka-mp3 format. Sige na. Tutal magkaibigan naman tayo, di ba? Kumbaga, kung biglang magkikita pala tayo ta's nakalimutan kitang sabihan na pahingi ng sounds, o kaya kung lilitaw ka sa lugar kung saan alam mong nandu'n din ako (sa trabaho o sa inuman o sa gig,) , o kaya kung matagal na tayong dehins nagkikita at naisip mong mangumusta (dahil nga kung kaibigan kita e alam mong hindi ako masyadong ma-teks,) at mag-ayang magsabay tayong maghapunan, di ba, kung ganu'n, padala naman ng sounds. Tapos pag me breads ako e iiispot kita ng isang erbi. Kung walang pang-erbi e bibigyan kita ng isang stik ng yosi, at kung isang stik na lang ang dala kong yosi e paghahatian natin 'yun. At kung wala akong breads kahit pang-yosi man lang e magtetenkyu ako nang taos-puso sa iyo. Ngayon pa nga lang, megtetenkyu na ako sa iyo, sa pgsilip dito. Tenkyu.
posted by mdlc @ 12:44 AM  
10 Comments:
  • At 10:51 AM, Blogger ms.chelle said…

    what kind of songs do you want? kahit ano? i can give the cds to sigh

     
  • At 1:43 PM, Blogger mdlc said…

    o ba! 'yun sanang hindi ko masyadong naririnig sa radyo. sorpresahin mo na lang ako.

    tama, ayuz. at kailan naman kita paiinumin? labas naman tayo, para naman hindi ka lang 'yung "girlfriend ni thad" para sa akin.

    tsaka ili-link kita, a.

    salamat.

     
  • At 2:28 PM, Blogger isea said…

    hehehe! ako pa naman si download-songs-like-crazy ngayon kasi naka-internet lang ako buong araw. pero di ko talaga alam kung ano trip mo kaya di ko rin alam kung paano kita gagawan ng notebook.

     
  • At 7:10 PM, Blogger ms.chelle said…

    so you wouldnt mind an entire cd of chinese pop songs? just kidding

    hahaha "girlfriend ni thad"- at least tama yung designation diba :) friday?

    np, salamat sa link

     
  • At 8:35 PM, Blogger katoons said…

    Ano ba trip mo, pre?:)

     
  • At 12:00 AM, Blogger mdlc said…

    katcon: gaya nang sabi ko kay richelle, bahala ka na. tantsahin mo na lang kung ano'ng sa tingin mong magugustuhan ko. hindi naman ako mahirap basahin, e, hehe. so malamang matitripan ko rin 'yang sa tingin mong matitripan ko. salamat, a, talaga.

    magkita-kita naman tayo, para hindi mo na kailangang ipaabot.

     
  • At 11:27 PM, Blogger Unknown said…

    pag wala ka na yosi, bibigyan na lang kita. hehe pero ipapag-pray ko na lang na makuha mo yung cd na may mp3s. =p

     
  • At 10:13 AM, Anonymous Anonymous said…

    meron akong chillout, bossa nova, jazz, classical, alternative, electronica and dance. ano type mo? :)


    -twinkle

     
  • At 11:43 PM, Anonymous Anonymous said…

    ok sige. i-save ko na siya as data cd para marami malagay ko ha? kasi kapag audio, baka up to 18 tracks lang, e sa pagkakaintindi ko para naman sa computer mo. :) sabihin mo lang kung ayos na yung ganun.

    -twinkle

     
  • At 5:51 PM, Blogger mdlc said…

    twinkle: mismo. uy, tenkyu, a.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto