abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

eputanginakapalatalaga, e.
Tuesday, November 15, 2005
Inom tayo.

***

Mayroon ka bang DVDs nu'ng Season 4 ng 24? Mga dalawang linggo na'ng nakalipas mula nu'ng upuan ko 'yung Season 3. Ewan ko kung bakit ngayon lang ako nangangating makita ang kasunod. Tangina, idol ko si Jack Bauer. Pahiram naman.

***

Magpopost lang talaga ako para ipaalala ang launch ng Gapos EP: Bawal Isilang Dito. Sana makarating ka ng alas-otso. Hindi ko pakana 'to, pero may 100 na entrans, consumable 'yun. Para lang masaya ang inuman. Tapwe lang ang CD. Sa salitang kalye (intsik nga yata 'yun,) 50 ang ibig sabihin ng tapwe.

***

Ang sarap lang sabihin, 'no? Eputanginakapalatalaga, e. Parang, Tanginamo, world! Kahit hindi ka galit, nakakalamig ng ulo.

***

Sa Biyernes, aalis na si Jedd papuntang New York. Hindi na yata babalik. Tapos, sa Sabado, ikakasal na si Tomas. Hindi ko alam kung kanino; hindi ko alam kung bakit ganitong ka-short notice. Matagal ko nang iniisip 'to, e: unti-unti na akong napapag-iwanan ng mga tropa ko nu'ng hayskul. O siguro, hindi naman ako naiiwan-- sadyang nagsasangandaan na ang mga buhay namin.

Dati, ang simple lang. Basketbol. Hiraman ng porno. Ngayon... ngayon, ewan.

Inom tayo.

***

Mag-apply kaya ako sa NICA? Idol ko si Jack Bauer, e.
posted by mdlc @ 6:59 PM  
5 Comments:
  • At 10:48 PM, Blogger anjeline said…

    uy chong, sorry talaga di natuloy kanina. medyo matamlay pa talaga ako ngayon e. :( next week, kelan ka libre?

     
  • At 12:51 AM, Blogger merchant of menace said…

    masarap nga sabihin ang "epuntanginakapalatalaga, e." at idol ko rin si jack bauer, pero wala akong season four, nahiram ko rin lang. inom na, kita tayo sa launch niyo. congrats so gapos bayaw.

     
  • At 1:13 AM, Blogger kuwabatake said…

    Ganyan talaga. Kapag tumatanda lalong nagkakagrabidad ang mga bagay-bagay. Para ka ngang satellite na bigla na lang iinit pagdating sa point of entry tapos di ka na makakabalik sa kalawakan. Powta. Bitter ba ako? Alak lang to.

     
  • At 9:24 AM, Blogger xxx said…

    good luck sa album launch!eputanginanamantalagaano, sikat ka na pala. peram naman ako ng season 3. kelan ka ba dadaan ng admu?

     
  • At 3:06 PM, Blogger The Game said…

    eputanginapalatalagaidolkitamagsulatanglupitmoeh!

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto