abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

anawnsmens
Monday, February 06, 2006
1.

Heto, mehn, highly recommended. Nanggaling ako rito last year; iba ang format nila, ang style ng pagpapalihan. Hindi kasingrami ng panahon para maglasing at maggala at magpakabakasyunista, kaya nga noong isang taon e nag-iwan pa kami ng kung ilang simot-sarap na bote ng ginebra blue long neck sa kuwarto (ng retreat house! tangina, kung binabasa mo ito at organizer ka ng workshop, siyet, sorisorisori.) Pero sa matututunan, sa pagkasulit ng biyahe, sa totoo lang, ito ang pinakawazzzak na workshop na napuntahan ko. Oo, maraming nag-aabang ng press release nito-- heto na, katatanggap ko lang sa email.

From the Bienvenido N. Santos Creative Writing Center
(Have replies sent to abee@dlsu.edu.ph)>

BE ONE OF THE 15 FELLOWS IN THE IYAS CREATIVE WRITING WORKSHOP WITH MULTI-AWARDED WRITERS!

The Iyas Creative Writing Workshop is now accepting fellowship applicants for this year’s workshop, to be held April 25 to May 1, 2006, at Balay Kalinungan, University of St. La Salle in Bacolod City, Negros Occidental.

Fifteen fellowships will be awarded by genre and language. Grants will cover board and lodging and a partial transportation subsidy. Deadline for applications is on March 31, 2006.

Interested parties may send two (2) short stories, six (6) poems, or two (2) short plays for consideration, signed with a pseudonym, along with a sealed business envelope containing the author’s real name and pseudonym, a 2x2” ID photo, and a short resumè. Works must be submitted in five hard copies, manuscript format (12 pt Times New Roman, letter-size paper), accompanied by a soft copy (MS Word format) on a diskette. Works may be in English, Filipino, Tagalog, Hiligaynon, or Cebuano.

Send applications to: Dr. Gloria Fuentes, College of Arts and Sciences, University of St. La Salle, La Salle Avenue, Bacolod City, Negros Occidental 6100. Inquiries may be sent to glofuentes2003@yahoo.com.

This year’s panelists include Cirilo Bautista, Marjorie Evasco, Elsie Coscolluela, Rayboy Pandan, Genevieve Asenjo, and Malou Jacob.

The Iyas Creative Writing Workshop is sponsored by the University of St. La Salle, the Bienvenido N. Santos Creative Writing Center of De La Salle University, and the National Commission for Culture and the Arts.

2.

Tutugtog ang Los Chupacabras sa:

Sabado, 11 Pebrero, sa Purple Haze Marikina; at sa
Huwebes, 16 Pebrero, sa U.P. Fair.

Tutugtog ang Gapos sa:

Biyernes, 10 ng Pebrero, sa kung-saan sa loob ng Ateneo, para sa Rubdob, ang annual Valentine's poetry reading na ino-organize ng Matanglawin; at sa
Sabado rin, 11 Pebrero, sa Purple Haze din (tangina lagari, 'no?).

Oisssst, kung manonood ka, padala ng mga piniratang sounds, a. Hehe.

3.

May mga poetry reading na mangyayari sa Powerbooks Live, sa Greenbelt 'ata 'yun. Lingguhan 'to. Pero magbabasa ako, kasama ang marami pang astig na tropa sa 24 Pebrero, Biyernes 'yun. Gabi 'to, mga alas siete siguro. Sa pagkakaalala ko e babasa rin si Gelo Suarez, Joseph Saguid, Cholo Goitia, Waps San Diego, Arkaye Kierulf, Lourd de Veyra, Teo Antonio (tangina da big bayaw!) at marami pang iba. Astig 'to, p're. Kasali dapat si Joel Toledo, kaya lang nag-back-out siya dahil (wazzzak, wazzzak,) kasabay ng awarding ng NCCA Writers Prize nila.

4.

Nagugutom ako. Oo, hindi na bagong balita 'yun, at hindi na dapat kasali sa mga anawnsmen dito. Wala lang, gusto ko lang i-share.
posted by mdlc @ 1:32 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto