abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

tangina mali at iba pang anawnsmens
Thursday, February 09, 2006
1.

Mali. Sa Biyernes pala ang gig ng Gapos sa Purple Haze. So, muli: Gapos sa Biyernes, Los Chupacabras sa Sabado, sa Purple Haze.

2.

At hindi na makakatugtog ang Gapos sa Rubdob sa Biyernes, hindi dahil may gig sa Purple Haze, pero dahil 4.30 pala ang Rubdob, sa Faura AVR ng Ateneo. May trabaho si Kapi. Susubuking makahabol nina Oshti at Perp. Ako, manonood ako. Punta ka na rin.

3.

May gig din pala ang Gapos sa February 24, sa Henry Lee Irwin Theater. Mag-iintermission kami sa concert ng Company of Ateneo Dancers. Hindi pala kami-- sila. Dahil nga kasabay nito ang poetry reading sa Powerbooks (7, habang 7.30 naman ang CADs concert,) at matagal na akong nakapagpangako doon, hindi muna ako ang kakanta sa acoustic set na ito. Sorry. Pero sana manood ka pa rin, kung hindi ka makakapunta sa Powerbooks Live sa Greenbelt at nasa Ateneo area ka lang naman.

4.

Puwede 'to. Mukhang napaganda pa 'yung matagal ko nang pagpapabukas na pagpunta sa UP Press para bumili ng mga titulong wala pa ako.

Bye Bye, Love
The UP Press Clearance Sale


The University of the Philippines Press (UPP) is holding a clearance sale this Valentine season from February 13 to 17, 2003. Books published in 2000 and earlier are on sale with discounts up to 80 per cent. Majority of the titles are available at half price. The week-long book sale called Bye Bye, Love is held at the UPP store at Balay Kalinaw and the UPP printery in UP Diliman.

Bye Bye, Love is UPP’s way of saying goodbye to some of its stock of well-loved and well-written literary and scholarly titles. The sale is held in preparation for the arrival of 15 new UPP titles to be launched on February 23.

In keeping with the Valentine season, UPP is offering two of its best-selling titles One Hundred Love Poems: Philippine Love Poetry Since 1905 edited by Gemino Abad and Alfred Yuson and Fourteen Love Stories edited by Jose Dalisay Jr. and Angelo Lacuesta at a special prize. Only a limited number of these titles are available, so buyers are encouraged to come early.

The sale is part of UPP’s series of special events leading to its anniversary celebration in March.

5.

Ito, pare, pinakaimportanteng anawnsem ko ngayon.

Kasi, tinimbrehan ako para mag-edit ng Literary Apprentice, 'yung folio na inilalabas ng UP Writers Club. Ako raw ang mamimili ng mga ipa-publish para sa Filipino poetry.

So, ito ang kailangan.

5.1. Kailangang below 35 years old ka. Malinaw?
5.2. Hindi kailangang nag-aaral ka sa UP para mapublish. Tangina, ako nga hindi du'n nag-aaral o nag-aral, mag-eedit, e.
5.3. Hindi rin pala kailangang nakapag-Dumaguete o UP Writers Workshop ka. Hindi kailangang nakapag-workshop ka.
5.4. Kailangang alam mo ang pagkakaiba ng stapler sa puncher.
5.5. Kailangan mong magpasa ng tatlo hanggang limang tula sa litapp.tula@gmail.com bago mag-Pebrero 27, 2006.
5.6. Pakilagay na lang sa iisang document ang mga tula, a.
5.7. At nga pala, sa body mismo ng email, 'yung short bio.
5.8. Kailangang marunong maggupit ng sariling kuko. O sige na nga, kahit hindi.
5.9. Hindi garantisadong hihigit sa isa sa mga tula mo ang mapa-publish, sakali mang may mapili ako. Basta galingan mo na lang.
5.10. Nga pala, medyo tentative pa 'to, a.

'Yun. Titirahin ko nang mas matino ang press release na 'to pag hindi na ako nagmamadali. Itatanong ko king Reg, Anna, at Arvin kung paano ang mechanics nila, at kung paano naming maiaakma ang kani-kaniya naming mga trip. Pero dahil astig ka at binabasa mo ang blog na 'to, puwede ka nang magsimulang maggayak ng ipapasa mo para sa Litapp. Wazzzak!
posted by mdlc @ 4:40 PM  
2 Comments:
  • At 11:53 PM, Blogger Segundo Persona said…

    kael, tanong lang mula sa Pinoypoets:

    1. bakit daw 35?

    2. may theme daw ba?

    :P

     
  • At 1:05 AM, Blogger mdlc said…

    hindi ko alam at di ko desisyon kung ba't 35. siguro dahil gusto nilang bigyang tsansa 'yung "young and emerging" writers? ewan talaga, mehn. sa tema, basta galingan ninyo.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto