abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

balita?
Friday, July 07, 2006
1.

Ito ang pinag-uubusan ko ng panahon ngayon. Astig siya. Halughugin mo lang 'yang site; nandiyan ang buong kuwento, ang buong serye. Nakakatuwa.

2.

At sa maniwala kayo o sa hindi, nagmamandarin nga pala ako. Ni Hao. Wo shi Mikael. Jintian wanshang wo xi wang wo xie shi. O, walastik di ba?

3.

Sa mga nagtataka kung nasaan na ang pinakapogi, pinakaastig, pinakabastos na banda sa balat ng lupa, (at sa mga hindi rin nagtataka,) may gig kami bukas, (mamaya,) Biyernes, sa mas maluwag at mas rakenrol na Purple Haze.

Nasa Tomas Morato 'yun, sa kanto mismo ng Morato at E. Rodriguez. Siguradong makikita mo. Tayo ka lang du'n sa gasulinahan, tingin ka across Morato, ilang building lang ang layo. Nood kayo, a. Ha? Ha? Ayuuun. Astig. Rakstar.

4.

Tsaka na ako magkukuwento, mga parekoy, a. Kayo, kayo ang magkuwento. Hehe. Oo nga. Oo nga naman.

Kumusta?
posted by mdlc @ 12:06 AM   3 comments
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto