abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Sunday, December 31, 2006
for Sigh

Because sleep is a ghost sleep is a hummingbird
sleep is the tip of a cat’s nose when it closes its eyes
and makes a rumbling sound only it can hear or you
if you hold it close to your chest because sleep
is a moving shadow let me touch you. Let me
hold you in the dark domes of my imaginings.
Let me believe that once I was an ant once I died
of sweetness once in the deep blue memory of a song
I sat on a leaf and told you will you be an ocean
can I float can I cup a piece of you in my hands
and will you not slip through? Will you wait
for the horizon to move towards you and all
the dolphins can I tell them to close both eyes
and rest on your belly. Listen. I am a submarine
and I move in the dark and the dolphins hear me
the dolphins talk back and when they arch
their silky bodies when they leap when they feel
the wind the sun the reflection of a lone albatross
on the water on their luminous foreheads when they
keep silent I am filled with awe and longing. You
are an ocean. The world is full of things that breathe
that sing the world wants me to move beneath
your surface wants me to tell you this is a song
and the rhythm goes breathe and feel your heart fill
with water feel the water wane and you are an ocean
and your edges touch sand and once I was a child
once I waded knee-deep into you and the stars
that shone on your back scattered the stars
became holes pulled light into them pulled me
wading knee-deep into you pulled the stars
on your shimmering back the stars dissolved
into circles became water went on and on and on...
posted by mdlc @ 2:23 AM   3 comments
Drunken Conversation with Nobel Laureate
Saturday, December 30, 2006
"If art teaches anything (to the artist, in the first place),
it is the privateness of the human condition.
- Joseph Brodsky, Nobel Lecture 1987

Here I am, Joseph. What a sad thing to say!
All this talk about art has me shouting
at the bathroom wall, “Oh, World,
you son of a bitch,” has me talking to a Russian

when all I know of Russia is its whores.
Earlier I was with some friends,
looking at the scars on the moon’s surface,
figuring out just how much cheap gin it would take

to drive a man blind. Joseph, it struck me then,
what you said about the human condition. Just
as I was about to puke, I caught myself
staring at the bathroom mirror,

imagining myself asleep, dreaming
of all the poems I could have written
had I not been a drunkard. “What woman
would want to leave a poet?” one would say,

and another, “I’ve learned not to say anything
about things I can’t understand,” and another,
“Here I am.” Well, here I am, Joseph,
and each day my friends buy a bottle of gin

and each day I find it more and more difficult
to get to a poem’s last line. Each day
I come home wanting to touch
the girl next door’s breasts, wanting to write

a poem about touching the girl next door’s breasts,
and each day I write a few words about it,
or things like it: sticking a pen
up a Russian whore’s cunt,

gouging out a man’s eyes with a spoon,
hacking away at your corpse
to get to your shiny gold dentures,
as if you were already dead,

as if you weren’t somewhere in America,
snoring, keeping your dreams to yourself,
the shingles on your roof listening in,
straining, wanting to be told.
posted by mdlc @ 5:36 PM   0 comments
Thursday, December 28, 2006
They say all things aspire to it,
and even they, aware of the chasms
their voices draw upon ether, know that that,
once uttered, becomes a lie. Many lies:
An almost, a not quite, a maybe, a fissure
gurgling floodwater. Yesterday’s newspaper
tearing at the wind. A child’s fist, swollen
from hitting the same spot on a wall,
over and over again. Even seen things,
held things, skip lunch to save up for it,
write it on their yearbook questionnaires.
I want to be silence when I grow up. I took
a course on The Approximation of Silence
, where
each student has a blackboard all to himself
and once a week everyone acts out a scene
from a dream. Here, the rain. Here, a house,
inside it a child, muffling sobs, whispering,
“One day... one day...” And a wall,
hurting, saying thud, thud, thud.
posted by mdlc @ 2:55 AM   0 comments
dear diary ulit
Tuesday, December 26, 2006

Bayaw. Oo, ikaw, mehn, ikaw na bumabasa nito. Nakita ko 'yung pangalan mo, dito sa may amin, may poster. Maraming mga poster, sa poste ng Meralco, sa pader ni Aling Anding, mga flyer, ipinamimigay ng mga batang nangangaroling.

Nandu'n ang pangalan mo, may litrato pa. May hawak kang bote ng beer.

Ang sabi, magpapainom ka raw.

Nga pala, kumusta naman ang pasko mo?


Sige na nga:


Okey naman dito. Nakakatuwa pa rin naman ang mga bata-- mga pamangkin ko. Bigayan ng regalo, kina ermats, erpats, sa ate ko, ayun.

Nang dumaan nga ako grocery para bumili ng tupperware na paglalagyan ng ipamimigay na putahe sa kapitbahay, napansin kong may extra pang kaunti sa wallet. Alak o ice cream? Alak o ice cream? Sabi ko sa sarili ko, minsan lang naman, e. Ngayon lang sa buong taon. Ice cream.


Siguro langgam ako sa isang nakaraang buhay. Sa isang tasa ng kape: limang sachet ng asukal. Tapos muntik ko nang maubos 'yung isang liyanera ng leche flan, kung di lang ako pinigilan ng ate ko. Ngayon masakit ang kanang bagang ko. Pakdatsiyet, naubos na ang breds ko. Mahal pa namang magpadentista.


O, isa pa, galing sa isa sa mga paborito kong makata:

Lawrence Raab

I can't remember how old I was,
but I used to stand in front
of the bathroom mirror, trying to imagine
what it would be like to be dead.
I thought I'd have some sense of it
if I looked far enough into my own eyes,
as if my gaze, meeting itself, would make
an absence, and exclude me.

It was an experiment, like the time
Michael Smith and I set a fire in his basement
to prove something about chemistry.
It was an idea: who I would
or wouldn't be at the end of everything,
what kind of permanence I could imagine.

In seventh grade, Michael and I
were just horsing around
when I pushed him up against that window
and we both fell through—
astonished, then afraid. Years later

his father's heart attack
could have hit at any time,
but the day it did they'd quarreled,
and before Michael walked out
to keep his fury alive, or feel sorry for himself,
he turned and yelled, I wish you were dead!

We weren't in touch. They'd moved away.
And I've forgotten who told me
the story, how ironic it was meant
to sound, or how terrible.

We could have burned down the house.
We could have been killed going through
that window. But each of us
deserves, in a reasonable life,
at least a dozen times when death
doesn't take us. At the last minute

the driver of the car coming toward us
fights off sleep and stays in his lane.
He makes it home, we make it home.
Most days are like this. You yell
at your father and later you say
you didn't mean it. And he says, I know.

You look into your own eyes in a mirror
and that's all you can see.
Until you notice the window
behind you, sunlight on the leaves
of the oak, and then the sky,
and then the clouds passing through it.


Sablay ba para sa okasyon? 'Yang tula ni Raab, sablay ba? Okey lang yan. Ganda, e.


Tangina, p're, naiyak ako sa Cars. Wasaaak. Mas malala pa sa iyak ko sa Magnifico. Wasaaak talaga.


Ubos na ang budget. Ngayon, mag-aabang na naman ako ng a-kinse para sa suweldo. Kaya kung naka-boundary ka sa pamamamasko, huy, painom ka namehn.
posted by mdlc @ 4:49 PM   1 comments
dear diary
Sunday, December 10, 2006

Nakabili ako kanina sa Booksale ng The Best American Poetry 1994, 160 pesos lang, sa maniwala kayo o sa hindi. Bilang patunay:

John Ashbery

How funny your name would be
if you could follow it back to where
the first person thought of saying it,
naming himself that, or maybe
some other persons thought of it
and named that person. It would
be like following a river to its source,
which would be impossible. Rivers have no source.
They just automatically appear at a place
where they get wider, and soon a real
river comes along, with fish and debris,
regal as you please, and someone
has already given it a name: St. Benno
(saints are popular for this purpose) or, or
some other name, the name of his
long-lost girlfriend, who comes
at long last to impersonate that river,
on a stage, her voice clanking
like its bed, her clothing of sand
and pasted paper, a piece of real technology,
while all along she is thinking, I can
do what I want to do. But I want to stay here.

Gusto ko sanang ipaskil 'yung mas paborito kong sina Brigit Pegeen Kelly at Dean Young, pero mahaba masyado ang mga tula nila, at medyo pagod na rin ako, kaya sa susunod na lang siguro.


Mayroon na rin akong kopya, sa wakas, ng "The Phenomenon of Man" ni Teilhard de Chardin. Bungi-bunging photocopy lang kasi ang mayroon ako dati. Nabili ko siya nang murang-mura sa isang kaibigang magma-migrate na sa Enero kaya't nagdi-dispose na ng mga libro. Bilang patunay:

"Thenceforward, it may be added, it is easy to decide where to look in all the biosphere to see signs of what is to be expected. We already knew that everywhere the active phyletic lines grow warm with consciousness towards the summit. But in one well-marked region at the heart of the mammals, where the most powerful brains ever made by nature are to be found, they become red hot. And right at the heart of that glow burns a point of incandescence.

"We must not lose sight of that line crimsoned by the dawn. After thousands of years rising below the horizon, a flame burns forth at a strictly localised point.

"Thought is born."


Napanood ko na pala kanina 'yung Casino Royale. Nga lang, wala akong puwedeng patunay na napanood ko nga.

Nagustuhan ko siya, sa totoo lang. Pero sana tinodo-wasak na lang 'yung character nu'ng babae. Sana hindi na lang siya may boypren na kinidnap, sana hindi na lang siya nagkaroon ng sariling dilemma. Sana masama na lang siya, para mas nabuo (nawasak?) ang mito ni James Bond. Ewan lang, a, sa akin lang.


Ang sarap mag-aral ulit, sa totoo lang. Hardcore.


Sa gitna ng pagbabasa ng mga readings at pagsusulat ng mga paper at paggagayak ng report at pagtula at pagtugtog sa mga gig at pagjajakol at panonood ng Sopranos at pagpapakain sa mga pusa ko, may naisingit akong isang mini-proyekto.

Ipinagawa lang sa akin ni kumander 'yun: mayroon kasi siyang kaklase nu'ng high school na hindi na nakakapagbasa ng mga kontemporanyong makata. Sayang 'yung interes nu'ng tao kung hindi siya makakapagbasa nu'ng mga bagu-bagong makata.'Yung buhay pa, kumbaga.

Kaya pinag-assemble ako ni kumander ng mga kontemporanyong tula na siya niyang ipinrint (sa opisina, para libre,) at ipinabind (sa U.P. Shopping Center, para mura). Ibinigay niya ito sa kaibigan niyang nag-birthday noong December 4.

Siyempre hindi naman karamihan 'yung nandu'n sa koleksiyon, pero mayroon din sigurong mahigit apatnapung tula doon, 'yung madaling sakyan kung ang habol mo e 'yung kislot sa dibdib matapos magbasa ng tula. Malamang kilala mo na 'yung mga makatang nandu'n, at malamang may kopya ka na ng mga tula, dahil pawang sa internet ko lang din napulot ang halos lahat nang iyon. Pero kung gusto mo ng soft copy ng "The Happy Birthday Shelley Anthology of Contemporary Poetry," mag-iwan ka lang ng email address sa comments, sa ibaba. Sabi nga ng Keso, di ba, "If you've got the ganja, then pass it, my friend."


Ingat, pards.
posted by mdlc @ 12:01 AM   13 comments
dahil nafufrustrate na ako
Tuesday, December 05, 2006

The Prediction
Mark Strand

That night the moon drifted over the pond,
turning the water to milk, and under
the boughs of the trees, the blue trees,
a young woman walked, and for and instant

the future came to her:
rain falling on her husband’s grave, rain falling
on the lawns of her children, her own mouth
filling with cold air, strangers moving into her house,

a man in her room writing a poem, the moon drifting into it,
a woman strolling under its trees, thinking of death,
thinking of him thinking of her, and the wind rising
and taking the moon and leaving the paper dark.


Ang Hula
salin ng “The Prediction” ni Mark Strand

Noong gabing iyon lumutang ang buwan sa ibabaw ng sapa,
ginawang gatas ang tubig, at sa ilalim
ng mga sanga ng puno, mga bughaw na puno,
isang dalaga ang naglakad, at saglit

na dumating sa kanya ang hinaharap:
pagpatak ng ulan sa puntod ng kanyang asawa, pagpatak ng ulan
sa bakuran ng kanyang mga anak, ang bibig niyang
pinupuno ng hanging malamig, mga estrangherong naglilipat sa kanyang bahay,

isang lalaki sa kanyang silid, nagsusulat ng tula, ang buwang lumulutang papasok rito,
isang babaeng nagliliwaliw sa ilalim ng mga puno nito, iniisip ang kamatayan,
iniisip ang lalaking iniisip siya, at ang hanging umaangat,
tinatangay ang buwan, iniiwang madilim ang papel.


Siguro ilang buwan na rin ang nakakaraan, dumating ako sa Mauban, isang umaga, at nginitian ako ng isang miyembro ng admin ng eskuwelahang pinagtuturuan ko doon. “Nakita ko ‘yung tula mo sa Sunday Inquirer Magazine, a.” Nginitian ko rin siya, siyempre, pa-humble pa nang kaunti. Pero bago ko pa masabing, “Oo nga, e, pero siguro na-publish lang ako du’n dahil kilala ko ‘yung namimili ng mga ipapublish,” o “Bad trip nga, e, hindi naka-italicize ‘yung mga dapat i-italicize,” sinundan na niya kaagad ako ng “Ang galing mo naman. Kaya lang hindi ko maintindihan, e.”

Maganda lang siguro ang gising ko nu’ng araw na ‘yun, pero ngayong naaalala ko, gusto kong bumalik du’n at hawakan ang magkabila niyang balikat at alugin siya (di bale nang matandang babae ‘to na inabot ‘yata ng radiation nu’ng nagpasabog ng bomba sa Hiroshima ang mga ‘Kano,) gusto ko siyang alugin at itanong, Putangina, ano ba ang hindi ninyo maintindihan?

Putcha. Nagtagalog naman ako sa tula na 'yun. Tangina, taga-Mauban naman siya, pare, malalim pa sa galit ko kay Kobe Bryant kung managalog ang mga tao du’n. Siguradong wala akong salitang ginamit na hindi niya naintindihan. Ano ba ang di niya ma-gets? O siguro, ngayong pinag-isipan ko na nang kaunti, mas tamang itanong na Paano ka bang magbasa ng tula at di mo ma-gets?

Ewan. Unang-una, siguro, kailangang tibagin ‘yung ideya na kailangan niyang ma-gets. Bakit ba itinuro dati sa atin na kapag nagbabasa ka ng tula e ang una mong gagawin, hanapin kung ano ang ibig sabihin ng bawat imahen du’n? Bakit ba parang mathematical equation kung minsan ang mga margin ng mga readings natin sa mga klase sa poetry: bituin = pag-asa, puso = pag-ibig, pusa = kumakatawan sa persona na mapusok at mailap?

Nasanay na tayo sa paghahanap ng one-to-one correspondence sa tula, na para bang ang talinghaga e nabubuo sa gayong paraan. Naalala ko tuloy nu’ng nagsit-in ako sa isang klase kung saan inireport ng mga estudyante ang tula ng isa kong kaibigan. Napurga sa mga equal sign ang mata ko nang i-project nila ang powerpoint presentation nila.

Tangina, bakit ba kasi ganu’n ang approach natin sa tula? Masyado nang na-sanitize, masyado na tayong na-anesthecize ng akademiya. Putangina, pare, hindi ‘yan foreign language, hindi cryptic message na kailangan mong i-translate para maintindihan. Hindi ‘yan intellectual exercise. Kapag sinabing may puntod, tapos may bulaklak, tapos umuulan (mga imahen sa tula ng kaibigan ko,) bakit mo kailangan hanapan (kaagad) ng ibig sabihin ‘yun, ng kung-anong symbolic meaning? Ang sabi ko pa nu’n, nang hilingin akong magsalita nang kaunti, (Puta,) kasi, pumikit muna kayo, tapos imagine-in ninyo ‘yung puntod at bulaklak, tapos umuulan. Kaya nga image ang tawag diyan, kasi kailangan mong imagine-in.

Hindi chess ang pagtula, pare. Alam naman natin ‘yun. (Sa tingin ko,) hindi poetic experience ang tawag sa nararanasan natin kapag may na-solb tayong rubix (tama ba ang spelling) cube. At hindi rin poetic experience ang nararanasan nating “A-ha!” kapag pagkatapos ng dalawang oras e nagpagdugtong-dugtong na natin ang lahat ng equal sign sa mga margin ng reading natin sa Fil 11 o Hum 1, kapag sa wakas e nabunuan na natin ang 10 pages na kailangan nating matapos para sa paper natin sa “Lumbay” ni Tinio o sa “The Privilege of Being” ni Hass. “Tenkyu Lord, sa wakas, pagod na ako, e,” ang nararamdaman natin du’n, hindi “Wow. Puta. Sana walang nakatingin, kasi naiiyak yata ako.”

Biseral (visceral) ang hinihingi sa ating reaksyon ng tula. Gusto nitong mapamura tayo, mapakuyom ng palad, mapapikit, mapatingin sa bintana. At paano pang makukuha ang ganu’ng reaksyon kung ilalapat natin ang mga equal sign natin sa kanya? Kapag nabasa mong “Take down the love letters from the bookshelf,” (sabi ni Walcott ‘yan,) hindi hinihiling sa iyo ng personang pumunta ka sa dictionary ng archetypes at hanapin ang ibig sabihin ng love letter o bookshelf. Hinihiling niya sa iyo na pumikit ka nga, at sa isip mo, lumapit ka sa bookshelf, sa pinakamataas na hilera, ilabas ang kahon ng sapatos du’n, at buklatin isa-isa ang mga luma mong love letter. Hinihiling niya sa iyong maramdaman kung ano ang mararamdaman mo kapag ginawa mo ‘yun sa totoong buhay.

Noon ding hapong iyon, sa Mauban, ipinabasa ko sa mga estudyante ko ang “The Prediction” ni Mark Strand. Siyempre, dahil Filipino ang itinuro ko doon, (at dahil hindi rin masyadong maganda ang pundasyon ng wikang Ingles sa bayan ng Mauban,) itinabi ko sa tula ni Strand ang sarili kong salin. Nakahanda ang lecture ko tungkol sa texture sa tula, pero gaya ng lagi, nagsimula ako sa tanong na Ano ang naramdaman ninyo matapos basahin ang tula? Oo, pare, mali ang itinuro sa iyo sa Filipino 11, sa Humanidades 1 o ng kung sino pa mang akademiko, noong freshman ka sa kolehiyo. Ano nga ba ang una mong nararamdaman matapos mong mabasa ang tula? At ang kasunod na tanong: Paano kayang naiparamdam ng tula sa iyo iyon?

Natutuwa lang ako, kasi nang ipaliwanag ko ang konsepto ng texture, binigyan ko ng maikli at mabilis na ehersisyo/recitation ang mga estudyante ko. Diyan, sa mundong binuo ni Strand sa “The Prediction,” ano pa kayang mga imahen ang puwede mong ilagay diyan? ‘Yung mga imahen na alam mong suwak na suwak diyan, ‘yung hindi out-of-place sa tula?

At nagtaasan ang mga kamay nila. “Sir, sa ilalim ng puno may nakasabit na duyan.” “Sir, ‘yung duyan iniuugoy ng isang batang babaeng humihikbi-hikbi.” Ano ang laman ng duyan? “Sir, wala.” “Hindi, hindi wala. ‘Yung duyan may laman na isang kulubot na sanga.” “Oo, tama, Sir—tapos may isang mamang lalapit du’n sa batang humihikbi, umiika siya, kasi nakatapak siya ng pako.”

At bakit ‘yun ang naisip nila? Ano ang ibig sabihin ng mga ito? Ewan. ‘Yun din ang sagot nila: “Ewan, Sir, basta, basta ‘yun ang bagay, e.” ‘Yun ang nakapagpapakislot sa dibdib nila, nakapagpapatingin sa kanila sa malayo.

Siguro mahirap isipin, para sa karamihan sa atin, na itong mga batang ito e hindi naman kilala si Strand, hindi pa nababasa si Eliot o kung sino pang patay na kritiko, di pa man lang kabisado ang spelling ng objective-correlative. Pero nararamdaman nila ang tula, na nagpapatunay lang sa punto ko: Natural sa atin ang makaramdam, ang makaranas ng poetic experience. Hindi bobo ang mambabasa ng tula. Ang problema nga yata, masyado na siyang tumalino, nakalimutan na niyang hindi nanggagaling sa pagalingang mag-solb ng Sudoku o Triple Integral Functions ang tula. Ang tula, nanggagaling sa dibdib, sa lalamunan, sa likod ng mga mata, du’n sa kung anong kalawanging liyabe du’n, sa kung ano mang aparatong pumipiga, nagpapakatas ng alat.


Nga pala: may gig kami sa Lunes, December 11, sa Mag:Net Katipunan. Nu'ng isang linggo, galing din kami du'n para tumugtog. Kakaunti lang ang pumunta, pero one of the better gigs 'yun sa tanang-buhay ng Chupacabras. Nakikinig ang mga tao sa mga reader, sakto lang ang sounds, masaya. Intimate.

Sana sa Lunes, makapunta kayo. Mga 8:30 ng gabi siguro 'to. May tiket, 150 yata, may isang beer na. Sulit 'yun, pare, kasi kahit masaya 'yung kaunti lang at intimate ang poetry reading at tugtugan, mas masaya kung marami tayo, pero intimate pa rin.


Sige na nga: Working draft ng bagong tula, nasulat ko kanina habang pinipilit na hindi makatulog sa klase:


Dalawang talukap, kalahating kabang langib,
isang tabong dugo. Lahat ng kaya mong sabihin

o ihagis sa ilog. Maghanap ka pa ng sasabihin. Ako,
ayaw ko, dahil kung tanungin kita kung may naiwan ka ba,

litrato o iskapular na gusto mo sanang ilakip ko sa sobre
bago sunugin, may maisasagot ka ba? Hindi ko alam,

baka. Basta. Ang alam ko: Mamaya, mananaog ang tubig
mula sa mga ulap, luluhod sa harap ko, hahandugan ako

ng tinig. Iyan ang sinabi mo kagabi, sa akin,
sa isang panaginip. Ang sabi mo pa, huwag kong tatanggapin.

At kung magpumilit sila, isauli ko, dagdagan ko pa:
Dalawang talukap, kalahating kabang langib, isang tabong dugo.

Lahat ng kaya kong sukatin o ibaon sa lupa. Marami pa,
pero di ko na maalala. Nalulungkot ka na yata. Ako?

Ewan, bahala na. Kung may panahon ka, dumalaw ka
sa sementeryo. Sa tabi ng estero, sa ilalim ng kalansay

ng puno ng akasya, may makikita kang payong, gutay-gutay,
nakasandal sa puntod. Payong, dalawang talukap,

kalahating kabang langib, isang tabong dugo. Pasensiya ka na.
Wala akong mahanap na bulaklak.
posted by mdlc @ 1:52 AM   4 comments
Nito-nito lang
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates


Salamat sa pagrereto