abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

diyahe, hindi biyahe
Monday, March 24, 2008
1.

Hello, world. I need a roadtrip.

2.

Obvious bang hindi ako makasulat? Haha. Ha.

3.

Dapat bibiyahe ako ngayong Holy Week, e. Tungo saan, ewan. Mag-isa lang. Kaya lang nagkasakit ako. Gastritis, mehn. Diyahe. Aba okey 'yun, a-- diyahe, hindi biyahe.


4.

Okey ba 'yun? Walang biyahe, at dahil nga sira ang tiyan, walang alak, walang maaanghang na pagkain, walang tsokolate, walang sopdrinks, walang juice, walang kahit na anong inuming may lasa nitong nakaraang linggo. Wala ngang gatas, e. Hindi naman sa mahilig ako sa gatas, pero ang punto... ewan. Ang punto walang gatas.


5.

Ang punto sa totoo lang marami naman akong kuwento pero hindi ko alam kung paanong ikuwento 'yung mga kuwentong 'yun. Siguro unang hakbang ito-- sabihin ko sa iyong may kuwento pero di ko na alam kung paanong ikuwento, kung paanong magkuwento dito. Tapos baka maawa ka sa akin tapos ibili mo ako ng ice cream. Baka pag may ice cream ako maalala ko na kung paanong magkuwento.

6.

Ayun, panahon na para mag-- ano'ng tawag du'n? Mag-recharge. Road trip nga siguro. Mag-eermitanyo muna ulit ako (as if naman hindi ako naglaho at nag-ermitanyo mode sa blog na ito, di ba.) Pagbalik ko, sana, mas masigla na ako.

At panahon na para sa bagong blog skin. Patulong naman, bok, o.

7.

Ayun. Dumaan lang naman ako dito para testingin kung naaalala ko pa 'yung password ng blog ko, na pareho lang naman pala ng password ng gmail, na nagpapatunay lang na kita ninyo nakalimutan ko na nga, ehehehe, anlabo pards. At hindi ako lasing, a, di nga makainom dahil sira ang tiyan di ba.

At ayun, gusto ko lang ding sumigaw ng isang matinding "Tangina mo, world!" at sabihin sa iyong okey lang na sumigaw ka rin niyan paminsan-minsan, kahit papaano.

Rakenrol, bok. Dahil mahal kita, iiwan ko sa iyo ang litrato ng isang dambuhalang donat:

posted by mdlc @ 2:18 AM   6 comments
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto