abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

sige na, please
Monday, January 30, 2006
Dahil kung binabasa mo 'to e malamang kaibigan kita (at kung hindi, e di hindi,) may irerekwes sana ako.

Kasi, nakaluwag-luwag nang onti dito sa bahay at nakaiskor ako ng matino-tinong computer. E hindi ko na naman mahagilap kung nasaan/nakanino ang lumang hard drive nu'ng yumao kong computer noong undergrad, kaya walang kalaman-laman ang hard drive ko ngayon.

Ang gusto ko lang namang tumbukin (medyo nahihiya ako, pero): Baka naman puwede mo akong ipag-burn sa cd ng mga kanta na naka-mp3 format. Sige na. Tutal magkaibigan naman tayo, di ba? Kumbaga, kung biglang magkikita pala tayo ta's nakalimutan kitang sabihan na pahingi ng sounds, o kaya kung lilitaw ka sa lugar kung saan alam mong nandu'n din ako (sa trabaho o sa inuman o sa gig,) , o kaya kung matagal na tayong dehins nagkikita at naisip mong mangumusta (dahil nga kung kaibigan kita e alam mong hindi ako masyadong ma-teks,) at mag-ayang magsabay tayong maghapunan, di ba, kung ganu'n, padala naman ng sounds. Tapos pag me breads ako e iiispot kita ng isang erbi. Kung walang pang-erbi e bibigyan kita ng isang stik ng yosi, at kung isang stik na lang ang dala kong yosi e paghahatian natin 'yun. At kung wala akong breads kahit pang-yosi man lang e magtetenkyu ako nang taos-puso sa iyo. Ngayon pa nga lang, megtetenkyu na ako sa iyo, sa pgsilip dito. Tenkyu.
posted by mdlc @ 12:44 AM   10 comments
isa na namang madaling-araw
Saturday, January 28, 2006
Q: Ano ang gagawin mo kapag may sangbatalyong deadline na tumutugis sa 'yo?

A: Uupo at tititig sa monitor. Maninigarilyo. Uupo at tititig sa monitor. Magsusulat ng isang linya. Maninigarilyo. Iihi. Kakausapin ang aso. Uupo at tititig sa monitor. Buburahin ang isinulat na linya. At tititig sa monitor. At tititig sa monitor. At tititig sa monitor...

Q: At ano ang gagawin mo kapag nagsawa ka nang tumitig sa monitor?

A: Magkokonek sa internet. Magbabasa ng mga blog ng mga kaibigan, mga kakilala, mga hindi kakilala. Maiiisipang mag-update ng sariling blog.

Q: Pagkatapos?

A: Tititig at tititig at tititig pa ulit sa monitor dahil wala ka namang maisip na makabuluhang sabihin. Maninigarilyo. Maninigarilyo. Maaalala ang sinasabi ng mga matatatanda: kapag wala ka namang sasabihing mahalaga, mabuti nang manahimik ka na lang. O hayaan ang iba na magsalita para sa iyo.

Q: Sino naman ang magsasalita para sa iyo ngayon?

A: Si Lawrence Raab.

Q: At ano ang sinasabi niya?

A:

The Invisible Hand
Lawrence Raab

No, I just can't write today, I said
to myself, sprawling on the couch, my mind
an open invitation to sleep, when there it was:
The Invisible Hand. A title. Having arrived
unbidden, it felt like inspiration,

but like a movie as well, which troubled me.
Hadn't I written that poem already? I recognized
the brilliant scientist, whose inattention
to the world causes the accident that kills
his pretty fiancée, pushing him over the edge

and fixing all his genius on a single idea:
the reanimation of matter. Until finally
she is yanked out of the dark nether-regions
where the dead live. And from which, he discovers,
they have no desire to return. Yes,

but how does the invisible hand come in?
It had to be literal. No hand of fate,
no impalpable guiding force, but actual flesh,
chopped off, then bandaged, and sometimes
(but not always) transparent. Once it might

have been attached to a famous musician,
so this hand knew beauty, but had learned
how to kill, and thus was torn
between those great forces that make war
in a man's soul. This wasn't a poem I had written,

but could a murderous, disembodied hand
really be the best approach? Then I was struck.
Had it been The Invisible Man? It was time
for lunch, and as I ate I thought. Soon
I'd take my dog, Molly, for a walk,

after which we'd drive to the Stop & Shop,
and so on through the rest of the afternoon
until the whole idea of an invisible hand
might begin to seem—- as in fact
it already had—- just a little silly.

And walking outside with Molly, the fields
around us lavishly green, the lilacs almost
unbearably rich, puffy white clouds
scooting through the sky, even the idea
of writing a poem felt like a project

better left to another day, a morning
with fewer distractions, quieter, when the wind
would not be bending the small trees so fiercely,
making them creak and shudder, as if touched,
and touched again, by everything I could not see.

Q: At kung tumingin ka sa bintana at makita ang nakaambang madaling-araw, dala ang papalapit at papalit nang mga deadline mo, ano ang gagawin mo?

A: Ikaw, ano ang gagawin mo?

Q: Ewan. Tititig din kaya sa monitor?

A: Maaari. O susubok humalukay ng ligaw na linya mula sa gusgusing notebook, ng maanghang na dalumat mula sa bukbuking sentido?

Q: Papansinin ba kung nagbabago ang tono ng pananalita ko, kung may tinutungo itong...

A: Itong ano?

Q: Hindi ka pa ba nagsasawa?

A: At bakit mo iniiba ang usapan?

Q: Dahil naliligaw ka na naman.

A: Sino ka para tumukoy ng landas?

Q: Hindi ako nagmamalaki, o umaangkin ng katungkulang hindi naman sa akin. Ano ba talaga ang gustong mangyari?

A: Iniiba mo na naman ang usapan.

Q: (katahimikan)

A: Ano?

Q: Hindi mo sinagot ang tanong ko.

A: Hindi ko alam.

Q: At sa tingin mo, alam ko?

A: Magtrabaho na tayo. Hindi puwede ang ganito. Marami pang bayarin.

Q: Hindi, hindi. Mag-usap muna tayo. Lagi kang ganyan-- ibinabalandra mo na wala kang pera. Ano ba'ng gusto mo, simpatiya? Hind ka pauutangin ng mga nagbabasa ng blog na 'to, 'no.

A: Ang sakit mo namang magsalita. Alam ko naman'yun, e. Ano ba ang gusto mong pag-usapan?

Q: Ikaw. Diyos? Pag-asa? Gutom? O mas simple-- basketbol? Artest para kay Stojakovic-- sino'ng nalugi? Nag-rerebuild na naman ang Minnesota. Hindi ka ba naaawa kay Garnett?

A: Wala akong ganang makipag-small talk sa iyo.

Q: Ha. Hahaha. At mas gugustuhin mong kausapin ang sarili mo? Mahiya ka naman. May ibang nagbabasa nito. Salsal na naman?

A: Putangina mo. Putang ina mo talaga.

Q: O, napipikon ka yata. Ba't ang init ng ulo mo? Natatakot ka ba sa mga deadline mo? Alam mong hindi mo na sila aabutin. O, baliktad: aabutin ka na nila. Kailangan mong matulog, kundi lupaypay ka mamaya. May game kayo, di ba? Sa ABL? Haha. Mas importante sa iyo 'yun, ano? Kaysa deadline?

A: Dalawang oras lang ng laro 'yun. Apat, kasama ang paggagayak at pahinga. Tapos trabaho na ulit.

Q: Apat na oras? Kahit may mga deadline ka? Hindi ka na nahiya. Putangina, putangina mo talaga. Ang kapal. At sa tingin mo, iindahin ng team mo kapag wala ka?

A: Walang magkukuwatro, kulang sa malaki, may pilay si James. Bakit mo ako minumura?

Q: Nauna ka.

A: Ano ngayon? Ano'ng gusto mong mangyari?

Q: Kung alam ko ba, magtatanong pa ako?

A: Ha?

Q: Ha?

A: Nangangapa ka, ano, naghahanap ng paraan para tapusin ang usapang ito.

Q: At ikaw, hindi?

A: (katahimikan)

Q: (katahimikan)

A: Magiging pangit ba ang ending kung bigla na lang tayong aalis?

Q: Medyo. Pero ngayong naging self-reflexive ka na, baka makalusot.

A: Pero matatalino ang nagbabasa ng blog na 'to. Hindi puwede 'yang po-mo effect na ganyan.

Q: E di hindi rin gagana kung bobolahin mo sila. Ayain mo na lang akong bumili ng yosi, bilis.

A: Bakit?

Q: 'Yun na ang exit natin. Para kunwari nakalambitin. May pag-asa ng pagbalik, at 'yun na mismo ang closure.

A: Nagiging self-reflexive ka na naman.

Q: May iba ka bang naisip na solusyon?

A: Wala, pero puwede pa akong mag-isip. Kaya lang wala na tayong yosi. Bili muna tayo du'n sa bakery?

Q: Tara.

A: Tara.
posted by mdlc @ 4:34 AM   1 comments
senti-naryo
Monday, January 23, 2006
1.

Ito ang ikasandaang entry ko. Oo, isang daan.

Gusto ko sanang ayusin ang template nito, ibahin, i-update ang mga link, pero ewan kung bakit. Miski sa akin hindi sasapat ang dahilang "tinatamad ako," pero ayan, e. Tinatamad nga akong magbago ng template. Siguro sa ikasandaan-at-isang entry na lang 'yun.


2.

Mayroon pa bang kulang? Mayroon bang naiwan? Sapagkat kailangan nating sunugin ang lahat nang natira...

3.

Hindi ko ugaling maglagay ng mga pamagat noong sinimulan ko 'tong blog. Heto ang kauna-unahang entry:

Madalas mangyari sa akin 'to. Maghahanap ng papel at ililista ang mga takdang dapat gawin.

Tenkyu note kay Ninong.

Mag-analyze ng dividendazo.

Mag-check ng papel.

Ayusin na, sa wakas, 'yung buwakananginang blog na 'yun.

Magsulat nang magsulat nang magsulat.

At maiiwan lang siyang papel, walang ekis sa maliliit na kahong idinodrowing sa gilid ng bawat dapat gawin. Walang takdang nagawa.

Ginagawa ko rin ito kung may ideyang pumapasok sa isip ko. Magsusulat ng maikling intro o ilang linyang ligaw, at ipapangako, pangako, pangako, isusulat ko ito kapag nagkapanahon. Isusulat ko, uupuan ko ito. Uupuan ko ito.

At naroon pa rin ang mga intro at linyang ligaw na iyon, santambak na pirasong papel, parang mga tuyong dahon sa bakuran. Parang dumaraing: "Kung hindi mo na rin kami gagamitin, mabuti pang sunugin mo na kami. Mas pakikinabangan pa kami ng alangaang." Kung naging itlog ang mga akdang pinagpangakuan kong uupuan, malamang nabagok na'ng mga 'yun.

O baka napisa na nang kusa, sa sobrang pagkainip. Naging dambuhalang mga ibong tutukain ako-- sa mata, sa dulo ng mga daliri, sa dila hanggang sa hindi na ako makapagsalita, di na makapagpangako. Magpakailanman.

Tama nga siguro si Naya du'n sa itinext niya sa akin kamakailan lang, 'yung isinulat ng aleng Marge ang pangalan.

Walang ibang paraan para makasulat kundi ang magsulat.

You have to like it better than being loved.

I have to like it better than being loved.

4.

Tangina, ang romantiko dati, 'no? Ang daming ginustong gawin, ang daming ginustong ihirit. Akala kung sino, akala kung anong dakilang gawain 'tong paglalapat ng dalumat. Pebrero 4, 2004 nang simulan ko itong blog. Enero 23, 2006 ngayon. Sa loob ng halos dalawang taon, heto ang isa sa mga pinakamahalagang natutunan ko tungkol at dahil sa pagsusulat:

Trabaho lang ang lahat.

5.

Heto ang litrato ng isang pintuan:



6.

Sa isandaang entry na mayroon, marami-rami ang walang kuwenta. Update sa buhay, ego trip, kahit alam ko namang mas marami kayong dapat pagkaabalahan kaysa sumubaybay sa buhay nang may buhay. Gig sked ng banda, na sa di malamang dahilan e palagi namang nabubulilyaso. Tula ng kung sino. Tula ko.

Mayroong mga ikinahihiya ko-- 'yung mga entry na nagpaparada ng kalungkutan, mga entry na feel na feel ang sarili. Mga entry na may nasagasaan, o mga entry ng pagmamarunong tungkol sa kung-anong teorya. Mga entry ng pagka-posseur, kunwari kung sinong bayaning magagawa ang lahat, ginagawa ang lahat. Nakakahiya, pero nariyan na, e. Hindi ko ugaling magbura.

7.

Kumusta?

8.

Mayroong mga entry na binabalik-balikan ko pa rin hanggang ngayon para mapaalalahan ng-- ano? Ewan. Para mapaalalahan, at 'yun na 'yun.

9.

Heto ang litrato ng isang asong kalye:



10.

Palagi akong sigurado sa nararamdaman ko. Madalas, hindi ko alam kung paano gagawing salita ang mga damdaming iyon. Madalas nabibigo ako. Sa totoo lang, hindi ko pa rin matukoy kung bakit ako paulit-ulit na sumusubok, sa kabila ng paulit-ulit na pagkabigo.

11.

May kakaibang epekto sa akin, palagi, ang mga madaling-araw.

12.

Doon sa isandaang entry na 'yun, marami akong napaskil na sarili kong tula. Ugali ng mga taong hindi napapublish sa mga journal at diyaryo. Sa dinami-rami ng mga tulang iyon, iisa lang ang nasa Ingles. Iisa lang ang tulang Ingles ko na ipinaskil dito, at 'yung tulang iyon ang pinaka... pinakatae sa lahat ng tulang nasulat ko sa Ingles sa tanang-buhay ko. Pero 'yun nga, hindi ko ugaling magbura.

Heto, isa pang tula sa Ingles:

Poem That Had Some Difficulty With The First Line

I’ve always wanted to begin a poem
with the line, “I’ve always wanted
to begin.” Now I have. Best to end here,

but then the universe is expanding
back into its black beginnings,
and space, aware of its own looming demise,

is singing of possibilities. I’m almost over, it sings,
it’s almost over and sooner or later we’d be left
with nothing but time. If we live that long.

Sometime before then all our dialects
will have moored on the gray sands of forgetting,
all our sad words will have started

to repeat themselves, as if not everything
has been said before. And we won’t even notice.
Here, let me tell you a joke: I am a man of faith.

Or a child, a tree, some living thing
that will someday be a dead thing.
What does faith have to do with it? I know;

it isn’t funny. Nothing funny about mortality,
how movement bleeds into clockwork,
how clockwork succumbs to its own igneous finitude.

How we aid entropy by being born.
See? I only wanted to begin, now I’m humming
the ghost-heavy refrain of imminent endings.

In that song about possibilities, someone
is hurling an empty bottle skyward. I see you:
You’re imagining it slowing towards its peak,

anticipating gravity, its ruthless duty. Stop.
Don’t. Let’s go. Let’s not be around when it shatters.
Let’s not wait for an ending.

13.

E ano kung tae na naman?

14.

Ang sabi ng bintana: Huwag mo akong ipinid. Malapit nang dumating ang paborito mong bisita.

15.

May mga kalungkutan pala akong hindi ipinaskil dito. 'Yung mga kalungkutang 'yun, nangyari du'n sa mga mahahabang panahon na hindi ako nag-post. Ganu'n pala ang ugali ko, pag nalulungkot: either ibalandra ko, iparada, i-romanticize, itiwangwang sa alinsangan at langaw at mambabasa, o manahimik na lang ako.

Alin kaya ang mas totoong kalungkutan? Alin ang mas mabigat? At anong kulay iyon?

16.

Nasabi ko na ba? Minsan ko nang nabilang ang mga bituin. Hindi ko maalala kung ilan sila.

17.

Sa lahat nang dumamay noong ibinabalandra ko ang mga kalungkutan ko dati, salamat. Sa lahat nang dumamay noong hindi ako nagbabalandra ng kalungkutan, salamat din.

18.

Sinimulan ko ito sa opisina, sa una kong trabaho. Nagbablog ang mga tropa ko mula noong college, at ewan kung bakit-- nainggit yata ako-- kaya ako nakiuso. Ayan. Dalawang taon na. Isandaang entry. Walang palitan ng address, walang burahan. Ayan.


19.

Tumingala ka. Tingnan kung paanong ang kalawakan ay nag-uumapaw sa kapalaran.

20.

Sa lahat nang hindi dumamay, salamat na rin. Napapaalalahan ako, palagi, na hindi sa akin umiikot ang mundo.

21.

Hindi ako malungkot, a. Nagsesenti lang.

22.

Heto ang isang litrato ng madaling-araw:



Maaari rin nating sabihing takipsilim 'to, pero hindi natin karapatan, sa pagkakataong ito, ang magpangalan.

23.

Ang totoo niyan, masaya ako.
posted by mdlc @ 4:12 AM   3 comments
mayroon din palang sang-ayon sa akin, 'no?
Tuesday, January 10, 2006
Buddha Seeks to Distance Himself from Phil Jackson
(galing sa SportsPickle.com)

Buddha Seeks to Distance Himself from Phil Jackson

At a press conference held this morning, the Buddha declared that he has never met, and has no relationship with, Los Angeles Lakers coach Phil Jackson. “I have nothing to do with Mr. Jackson,” Buddha said.



Buddha, the enlightened figurehead of the Buddhist religion, said he decided to come public with his feelings on Jackson after seeing the coach in a new Courtyard by Marriott commercial.
“I’ve never really liked the guy – I mean, what kind of person plays himself off as a genius after coaching Jordan, Pippen, Shaq and Kobe to championships? Anybody could do that!” Buddha said.

While Buddha said he has never respected Jackson as a coach, he became disgusted with the man when he began presenting himself as some sort of sage of Eastern thought.

“The guy reads a couple of books on Eastern philosophy, wins a few titles, and all of a sudden he thinks he’s my equal,” Buddha continued. “Then he writes a book [“Sacred Hoops”] and stars in a commercial, exploiting the beliefs I have championed. The dude is such a sell-out.”
posted by mdlc @ 4:54 PM   0 comments
putukan atbp.
Monday, January 02, 2006
1.

Nagdasal akong umulan noong bagong taon. Para hindi masyadong maingay sa amin.

(Nagdasal?)

Umasa. Umasa akong uulan noong bagong taon. Inisip kong sana umulan noong bagong taon.

2.

Kaya daw nagpapaputok ang mga tao e para itaboy ang mga masasamang ispirito at ang malas. Takot daw sa putukan ang mga 'yun.

(Bigla akong napaisip: oo nga, ano: wala yatang motel o apartment ng college student na may multo.)

(Ikaw naman, Mikael, o. Unang post mo sa bagong taon e kabastusan na kaagad ang nasa isip mo.)

Hindi; naalala ko 'yung apartment ko dati sa Abada. May multo du'n.

Isang gabi, naalimpungatan akong bukas ang ilaw sa banyo. Ang unang pumasok sa isip ko e 'yung kaibigang inimbita kong tumambay sa apartment-- hindi naman siya natuloy umistambay, pero siyempre nga't naalimpungatan lang, wala pa ako sa matinong ulirat, kaya't inisip kong siya 'yun. E di tinawag ko nga ang pangalan niya. Patuloy kong narinig ang ugong ng gripo, ang pagpatak ng tubig sa balde. Hindi siya sumagot.

Hindi ko ugaling magkandado ng pinto, kaya naisip ko na baka may pumasok na sanggano. Bumangon ako para kuhanin ang baston ko ('yung pang-arnis,) saka ako tumayo sa may pinto para hindi makalabas ang inaakala kong sanggano.

Noon bumukas ang banyo. Lumabas nga ang (inakala kong) kaibigan ko, at sinabing, "O, ano'ng ginagawa mo diyan? Tara, tulog na tayo." Hindi ko naaninag ang mukha niya sa kalahating-liwanag ng buwan, pero naka-high school uniform siya. Ha? Kinky, 'no?

Pero 'yun nga, magkatabi kaming natulog noon. Tulog lang, a. Kinabukasan inisip ko ang ka-weirdohan ng lahat ng nangyari. Ituturing ko sanang panaginip 'yun. Ang labo naman kasi, e. Pero pagbangon ko, nakita ko ang baston na nakasandal sa pinto, nag-aabang, parang patunay na totoo ang nakita ko.

3.

Okey, take two.

Kaya daw nagpapaputok ang mga tao e para itaboy ang mga masasamang ispirito at ang malas. Takot daw sa putukan ang mga 'yun.

Dati, sa amin, alas dose pa lang ng tanghali e ang lakas na ng mga paputok, walang tigil, parang may nagsindi na ng sawa na sing-haba ng EDSA, titigil lang sa pagputok nang mga bandang alas-tres ng madaling-araw. Siguro nga maraming masasamang ispirito na dapat itaboy. Siguro nga. Noon.

Pero mukhang hindi yata gumana ang mga paputok noong araw. Nagsibagsakan ang mga negosyo, kakaunti na lang ang may matinong trabaho. Nagsisimula ang putukan ngayon nang mga bandang alas-diyes, natatapos mga alas-dose y media. At kumpara sa mga paputok dati, ngayon parang ihi ng matandang may sakit sa bato ang putukan. Wala na.

Sana nga ang ibig na lang sabihin nito, kumakaunti na ang masasamang ispirito na itataboy.

Sana hindi na lang totoo ang pamahiin.

4.

Other Obit
Dean Young

Night, what more do you want? Why this second per second
scream? My friend Nick used to sit all night in the same
booth all night with a pile of quarters for pinball and
jukebox. He loved the one where the balls disappeared
up the bonus-lit chute. He loved the song where the wife
smelled shirts, all tilt and jilt and sometimes he'd
bring back a waitress who'd play the records we never
played. You know the ones, everyone has those records. It
was the age of Aquarius and once we wanted to remember
the comedy, movies, the primitive flutes. I'd come down
and there they'd be, nearly glamorous with smoke and wine,
all the shades pulled. Night, even then you couldn't give
up, there was your lariat in the corner, your ashes
everywhere. It might have been the drugs we kept zip-
locked in the cranial cavity of, a pig, a skull Nick
found where a pig had died or at least a pig's head had
died. Aren't I cute? Don't you like my legs? Night, what
pleases you? From the beginning, the body's full of
holes. Night, these are the facts and the philosophy of
facts. See how they grin back fast faces like the 23
windows he fell past. Jumped past. When does a jump
become a fall? There were a few more floors but 23 was
enough, enough climbing he must have thought then opened
the window by the stairs. I thought at least there'd be
a note. Help or a simple declarative sentence. They
seemed to take forever with the organ, the hot-house
arrangements and how his parents hated me that open-holed
day. Adios, au revoir, good night. You want me on my
knees? I'm on my knees. When I was a child I'd listen to
the owls rouse their fiefdoms. Say the little prayer.
When I was a child. When I was a cantaloupe. When I was
an enemy spacecraft hovering over the Pentagon. Tick
tock and such a puddle. Tick tock my soul to keep. Tick
tock and such deep wagons on so many panged wheels.

5.

Tulog ako nang magbagong taon. Maliwanag at maingay ang mga panaginip ko.

6.

Hindi ko alam kung bakit 'yang "Other Obit" ang tulang naisip kong ipaskil ngayon. Medyo malungkot siya, at galit. Hindi yata bagay sa pag-asang dala ng isang bagong taon.

Ewan. Siguro, gaya nga ng sabi ng isa sa mga bumati sa akin sa text, wala naman talagang bago sa bagong taon, walang nagbabago.

Ang ibig sabihin, construct lang 'yan.

Ang ibig sabihin: sa isip nagmumula ang pagbabago. Hindi sa kalendaryo.
posted by mdlc @ 2:04 PM   2 comments
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto