May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
satan rulez!
Thursday, September 14, 2006
1.
"The chupacabras is generally treated as a product of mass hysteria, though the animal mutilations are sometimes real. Like many cases of such mutilations, however, it's been argued that they are often not as mysterious as they might first appear."
Naikuwento ko na ba sa iyo? Nabagsak ang gitara ko. Bumigay ang strap ng soft case, sa Recto Station ng LRT2.
Nakalabas na ako ng bahay, e. Karga ko na ang hard case. Kaya lang mainit noon. Masyadong mabigat. Naisip ko, "Tangina, magkokomyut lang ako. Sobrang hassle." Awa ng Diyos, ayun, defective pala, o simpleng low-quality lang, ang soft case na ibinato sa akin nu’ng nagbenta ng gitara ko. Awa ng Diyos, mga tatlong hakbang matapos kong hugutin sa makina ‘yung stored value card ko sa LRT, nabagsak siya.
Hindi naman nabasag ang body. Pero nasira ang kabitan ng Bigsby bar, 'yung trem bar, 'yung bisagra diyan sa may puwitan. Pinahinang ko na. Ikakabit na lang ulit. Sana lang walang ibang nasira sa loob. Sana buhay pa siya.
Heto pala ang litrato niya, bago mabagsak:
Teka. Ayaw mag-upload sa blogger. Buwakanangina.
3.
"...Go, go, go, go go go, go, I said that I’d let go but never did Now I’m just a solitary branch left to the wind My tired hands are hanging from a cliff Where I said that I’d let go but never did..."
- Fran, Los Chupacabraz
4.
Heto ang isang video ng kaibigan kong inhinyero sa New York, tinutugtog ang “For the Love of God” ni Steve Vai gamit ang kanyang Ibanez UV777BK.
Huwag ninyong pansinin ‘yung man-boobs niyang nakasampay sa gitara. Medyo sagana yata ang pagkain sa New York, e.
5.
Mayroong palaging nagteteks sa akin, hindi ko kilala. Panay mga "hi" at "muzta" at "gnyt" at "gmorning." Hindi ko naman siya pinapansin. Sabi niya nu’ng isang araw, "hmp. d n nga kta txt, d k nman sagot e. burahin ko na # mo sa fonbuk ko. suplado!"
Kanina, nagteks siya ng isang forwarded message. Kaya daw ang puso e may uka, kaya raw may cleavage, e dahil hindi raw ito bilog. Hindi raw ito perpekto. Wala raw "perfect relationship."
Balak ko sanang sagutin. Sasabihin ko, sa teks, "huwaw. galing. profound." Kaya lang nanghinayang ako 90 centavos, e. Natigil na kasi ang Globe Unlimitxt ko.
6.
"...Live in a supermarket; don’t want to make plans. You built a fortress out of some tin cans. Can my hand make you feel wanted? Can my hand make it better? Can my hand... Can my hand...?"
Rockets, Los Chupacabraz
7.
Heto ang isang video ng paborito kong kanta sa ngayon. Siguro dalawampung beses sa isang araw kung pakinggan ko ‘to. Naisip ko kasi—kung gagaling kang magsulat sa kababasa, baka naman gagaling ka ring maggitara sa kakapakinig, di ba?
Si Stevie Ray Vaughan nga pala 'yan, binibira 'yung "Little Wing" ni Jimi Hendrix.
8.
Mayroong isang taong sinasabing boypren ko raw siya, at nagpost ng mga litrato ko sa Flick account niya. Mayroon pang "A Wild Night With My Boyfriend," tapos may tsinutsupa siyang lalaki, na blurred ang mukha. Halatang di ako ‘yun, kasi may abs ‘yung lalaki.
Dahil nakakaasiwa rin nang onti, inireklamo ko siya sa Flickr. Hindi ko na mahanap ni maalala ang sinabi ko sa reklamo ko; basta’t ang alam ko, nagdugo ang ilong ko pagkatapos at sumirit ang tutuli sa mga tainga ko dahil naubusan ako ng Ingles.
Heto ang reply ng Flickr:
Thanks for contacting Flickr Customer Care.
Given that the photo in question does not not violate our Terms of Service or Community Guidelines, we ask that you contact the Flickr member for removal.
When you're logged into your account*, mouse over their buddy icon and "Send FlickrMail" will pop up in the person menu.
Thanks,
Heather
* You will need to be a Flickr member to contact them.
Heather, kapag nalaman ko kung sino ka, magpopost ako sa Flickr ng mukha mong nakasuperimpose sa katawan ng nakikipagkantutang Jenna Jameson. Bawi-bawi lang, kung baga.
9.
"Di ako gentleman, di ka rin lady. Kung gusto mong subukan, halika dito baby!"