May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
nga pala
Wednesday, October 10, 2007
Nga pala, nagko-contribute akong madalas sa isang libreng magasin/broadsheet. Baka narinig na ninyo ang Transit. Makikita siya sa mga kapihan-- Figaro yata, madalas, sa mga 7-Eleven, sa mga Fitness First. Kuha lang kayo ng kopya kasi nga libre.