May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Wednesday, November 17, 2004
Bago ang lahat: noong weekend e nanggaling ako sa Quiapo. Mayroong mga bagong title ng DVD, du'n sa building sa may kanto ng Hidalgo. Kaya kung madalas kayo du'n, dalaw na ulit.
Napanood ko kasama ang tatlong babae sa buhay ko (ermats, ate, at gelpren,) ang Angels in America. Nahusayan ako, pero di naman ako kritiko, kaya di kayang ipaliwanag nang mainam kung bakit mismo ako nahusayan. Basta na lang. Vitug, hoy, Nikko Vitug, kung nababasa mo 'to diyan sa Dumaguete, panoorin mo, mehn.
***
Kung kailan naman balak kong mag-update, nawala bigla ang blog ko. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari-- may nakabalandrang div-class-post ek-ek, at wala nang iba, sa itim na background ng abo sa dila. Siyet. Kapag nakita n'yo 'to, ibig sabihin, malamang lang, 'no, malamang lang, e naayos ko na.
At nawalan na nga ako ng ganang magsulat nang maayos-ayos na entry. Kaya kung ikaw 'yung tipong ayaw nakakakita ng diary entry sa mga blog, okey, buti na lang, kasi ako rin ayaw ko 'yun. Pero kung sinusubaybayan mo naman 'to at ang hilig mo e 'yung mga paastig epeks tungkol sa napakagara kong kabataan o 'yung tungkol sa writing-writing eklat na 'yun o 'yung sa pambawat-taong mga kuwento ko, nakupo, sori muna.
Huwag n'yo akong tatanungin tungkol sa panitikan o teorya o kay Angelo Nayan. Walang aangal: basketbol ang pag-uusapan ko ngayon.
***
Isipin ninyo, ayon kay Bills Simmons ng espn.com, ang top contenders para sa MVP ng NBA e sina Andrei Kirilienko ng Utah Jazz, si Dirk Nowitzki ng Dallas, at-- ihanda ang sarili-- sina Dwight Howard, na rookie ng Orlando Magic, at si Grant Hill, na siya ring taga-Orlando.
Putangina. Si Grant Hill. Si Grant Hill! Nandiyan na siya. Siyet.
Dati, noong pareho lang nilang kapapasok sa liga, sina Grant Hill at Penny Hardaway ang madalas taguriang "Air Apparent" ni Jordan. Si Penny, dala ng walang-humpay na injury, e ayun-- second-stringer na sa New York. At si Grant Hill, dala ng ACL injury niya (na siya ring nakuha ni Larry Fonacier noong isang taon, pero mahaba, mas mahabang kuwento 'yun,) e tatlong taong napahinga at na-tsismis na magreretiro.
Pero ngayon, putsa, parang may isang All-Star na sumingaw mula sa lupa para sa Orlando. At kaunti na lang siguro ang magdududa na lehitimong playoff contender na sila. At oo, buwakaw si Steve Francis, noong nasa Houston pa siya, pero sabi nga du'n espn. com: "I mean, this (Hill) is a guy who can bring out the best in Steve Francis. "
Hindi ko napanood 'yung laban nila sa Dallas, pero sisipi na lang ako:
"There was one classic moment against Dallas after a Magic basket, when Hill started running back upcourt and noticed Nowitzki ready to inbound the ball behind him, then whirled around and stole the pass. When they showed the replay, you could see Hill catch Nowitzki out of the corner of his eye and play possum for another step as his eyes widened. Then he made his move -- just a great basketball play, the kind you rarely see anymore. And when it was over, the smile came seeping out. Just for a second."
Para sa akin, Orlando laban sa Detroit sa Eastern Conference Finals. Mahirap pang tingnan ang magiging lagay, dahil ang dami pang puwedeng ma-trade, at durog sa injury ang Detroit ngayon-- isipin n'yo, pati coach nila, injured!
Tingnan ang kalibre ng mga beterano ng Magic: si Hill; si Stevie Franchise; si Cuttino Mobley na hindi nga All-Star calibre pero epitome ng isang tunay na two-guard: matulin, magaling tumapos ng fast break, at maaasahan sa perimeter; sina Tonie Battie at Kelvin Cato, na machong-macho at hindi umaatras; si Hedo Turkoglu na nakapagpatunay na ng kakayahan nu'ng nasa Sacramento at San Antonio pa siya.
At ang mga bata? Sina Dwight Howard lang naman, na no. 1 pick sa draft, at si Jameer Nelson, na "Consensus National Player of the Year as a senior, earning The Associated Press, Wooden, Naismith, Rupp, Robertson and Chevrolet Player of the Year awards. Chosen Player of the Year by The Sporting News, ESPN.com, SI.com and FoxSports.com. Unanimous Associated Press First Team All-America selection. Named Atlantic 10 Player of the Year."
***
Hindi ko alam kung paano ko pangangatuwiranan ang pagpayag kong mahugot ng isang kaibigan para sa Ateneo Basketball League, kung ilang gabi akong magbebenta ng aliw para makakuha ng pang-quota, kung bakit excited na akong lumaro kahit sa Marso pa ang simula ng liga.
Siguro dahil kasama sa pinakamasasaya kong karanasan noong kabataan ko e ang paglalaro sa isang organisadong liga ng basketbol. Kasama ang buong tropa, sabay-sabay pa kaming magpapasukat para sa uniporme, sabay-sabay bibili ng ice tubig, sabay-sabay maglalakad papunta sa gusgusing court sa Ipil o sa dulo ng Laguna, sa may Almeda.
Iba ang pakiramdam kapag may referee na, o kapag tinitingnan mo na sa scoresheet kung ilang puntos ang ikinamada mo para sa larong iyon. Iba pag may oras na alam mong mauubos, kapag alam mong kung magkalat ka e siguradong ibabangko ka. Laging bigay-todo ang laro.
Iba 'yung pakiramdam pagkatapos ng laro, 'yung maglalakad ka papunta sa officials' table, kasabay ng team captain n'yo, na pipirmahan naman ang scoresheet-- at ngayong inaaalala ko na lang, para bang noon, kahit sino ang lamang matapos tumunog ang huling buzzer, pareho lang, pareho ang pakiramdam, 'yun lang ang pareho.
Una: buhay pa pala siya. Totoo nga sigurong may mga nagkalat lang ng balita tungkol sa kaniya. 'Yung bading na tinutukoy ko sa huling post - 'yung sinasabi kong binira ng isang serial gay killer, e buhay pa. Nakita raw ni Gelo noong isang linggo lang, kaya't imposibleng patay na siya.
Teka, teka: paano kung multo pala 'yung nakita't nakausap ni Gelo?
Kagabi: "Tangna magiging ama na ko kamote! Me Ishikawa na namang susubok pumunit sa hibla ng mundo!"
Matagal-tagal na rin iyon, dito rin sa blog na 'to, nang batiin ko ang dalawang kaibigan sa kasal nila. Ngayon, muli, binabati ko sina Ken at Anna Ishikawa sa pagsilang ng anak nila.