May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Anawnsmens, part 3
Friday, February 17, 2006
1.
Okey, boys en girls.
Bukas na naman ang inbox ng rakstar na rakstar na Literary Apprentice para sa mga tula ninyo. Hindi ko na pahahabain 'to, para naman magkaroon kayo ng mas mahabang panahong uminom at magyosi at magrebisa ng mga tula ninyo. Heto ang mga kailangan ninyong malaman:
- Magpasa ng tatlo hanggang limang tula sa litapp.tula@gmail.com. Tula lang, a, Poetry in Filipino. Susubukin kong hagilapin ang mechanics para sa poetry, fiction, at maikling kuwento, at ikakalat ko rin, sakali ngang mahanap ko.
- Hindi kailangang estudyante ka ng UP para makapagpasa. Hindi nga kailangang estudyante ka, e. Kahit nakatapos ka lang ng grade 4, kahit sampung beses ka pang nag-repeat nu'n sa Mababang Paaralan ng Mataas na Punongkahoy, okey lang.
- Hindi rin kailangang nakasali ka na sa kahit anong National Writers Workshop, sa kahit anong Acting Workshop, sa kahit anong Welding and Carpentry Workshop para makapagpasa. Basta kung sa tingin mo e kaya nang ma-publish ng mga tula mo, magpasa ka.
- Kailangang mahilig ka sa gulay.
- Kailangang hindi ka pa lumalagpas ng 35 years old. Seryoso.
- Kailangang may tema ang mga tula mo, siyempre. Pero kung anong tema 'yun, bahala ka na.
- Dapat din e alam mo ang pagkakaiba ng stapler at ng puncher, at kaya mong magdrowing ng stick figure ni Shaina Magdayao. Seryoso.
- Hindeeeeeeee, biro lang.
- Hindi titingnan bilang koleksyon ang mga tula. Ibig sabihin, kahit walang unifying theme eklat, oks lang. Ibig ring sabihin, maaaring isa lang ang mapili sa limang ipapasa mo, kung mayroon man. Maaari ring lahat. Basta galingan mo.
- Kailangang marunong kang maggupit ng sariling kuko.
- O sige na nga, kahit hindi. Kahit nga hindi ka rin mahilig sa gulay puwede na. At kung sa tingin mong masyadong kang wazzzak para magpakulong sa kahit anong tema, sige na rin, magpasa ka na. Basta galingan mo.
- Ilagay sa iisang .rtf file ang lahat ng tula, at maglagay ng maikling write-up o bio sa katawan ng email.
- Mag-aabang ako hanggang sa Lunes, ika-6 ng Marso, 2006. Seryoso rin talaga ako rito.
2.
Huy. Kung may sobra kang treinta pesos, bili ka naman ng latest issue ng Philippines Free Press, o. May mga tula ako du'n. Sige na.
3.
Okey nga lang pala ang tugtog namin kanina sa U.P. Fair. Kahit sa unang riff ng unang kanta e naputulan na ako ng kuwerdas, putangina, okey na. Sabi nga, kung ano ang mayroon ka, 'yun ang ipang rak-awt mo. Malas lang talaga.
4.
Pasensya na, mehn, kung panay plugging at anawnsmens ang laman ng blog ko nitong mga huling entry. Medyo lagari sa mga raket, e.