abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

sawa ka na bang manahimik?
Sunday, February 26, 2006
1.

Putangina, pare, nakikita mo? Stand-off. Parehong de-uniporme, pare-parehong may hawak na baril.

Hindi sila makausap. Gusto nilang magmukhang tahimik, matapang, walang emosyon, handang sumunod sa utos. At ano kaya ang damdaming nagliliyab sa mga lalamunan nila? Anong mga salita ang ibinubulong nila sa ganitong mga panahon? Dalangin kaya?

(Madaling kalabitin ang gatilyo, magaan ang armas. Hindi hagulgol ang maririnig kong pupunit sa alangaang. Hindi dugo ang makikitang sasambulat sa lansangan. Madaling kalabitin ang gatilyo, magaan ang armas...)

Kilala mo ba sila? Hindi? Ako rin, hindi ko sila kilala. At malamang ako, tayo, hindi rin nila kilala. Pero handa silang mamatay. Handa silang mamatay at pumatay para sa iyo.

O, nasaan ka? Ano na'ng ginagawa mo? Natutuwa ka pa rin bang manood? Manood lang? Hindi ka pa ba nahihiya?

Ikaw, ano ang handa kang gawin?

Ako?

2.

Putangina, tao 'yan, e! Hindi naman lumang lata ng sardinas 'yan, hindi piraso ng barya na puwede ninyong ipang-tantsing, ipananggalang sa bala. Tao 'yan!

Hahayaan mo lang ba silang magpatayan?

E ikaw? Nasaan ka?

3.

(Huwag na. Dito ka na lang. Gawin ang makakaya. Gawin mo 'yung kung saan ka magaling. Gawin mo nang mahusay, 'yung walang masasabi ang kahit sino. Manahimik at gumawa. Pumikit. Lilipas din ang lahat at mananahimik din ang lahat nang nasa paligid mo.)

Ikaw ang bahala.

Saan na?
posted by mdlc @ 8:48 PM  
1 Comments:
  • At 6:47 PM, Anonymous Anonymous said…

    oy mikael. i quoted you in my recent entry. pasensiya na ngayon ko lang nasabi. :)

    (yung mga CD nga pala dapat bibigay ko nung poetry reading last friday kaso di natuloy)

    -twinkle

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto