May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
huli sa uso
Monday, March 13, 2006
1.
Sige na nga, makikiuso na ako, kahit sobrang laos na nito. Sagutin mo, a? Prens naman tayo, di ba?
2.
Nagbabasa/comment/editnarinkahitpapaano ako ng paper ng isa sa mga alaga kong atleta ngayon. Tungkol 'to sa mga skin-whitening products, at kung paano raw 'yun nagsasalamin ng colonial mentality.
Ang dami kong gustong isingit. Medyo nakaka-- ewan. Nakakafrustrate siguro. Hindi dahil pangit ang paper (in fairness, not bad siya para sa isang junior na undergrad,) pero dahil alam naman nating mas komplikado ang dynamics ng "colonial mentality" at neocolonialism kaysa gaya-gaya, puto-maya lang, at mas mapapaganda ang paper nitong alaga ko kung may kakayahan siyang maglublob sa mga inihihirit ng mga post-colonial theorists.
Paano kong ipapaliwanag ang sabi ni rakstar Homi Bhaba:
"...colonial mimicry is the desire for a reformed, recognizable Other, as a subject of a difference that is almost the same, but not quite." Paano? Paanong idaragdag na bayolenteng proseso ng pang-aapi ito dahil para tayong asong pinaaamoy ng mamantikang tapa, tapos hinuhugot nang hinuhugot, papulga-pulgada, kapag lumalapit na ang mga nguso natin? 'Yung "slippage" na sinasabi ni What's-up-my-Homi-Bhaba, paanong ipapaliwanag 'yun?
O, paano kong ipapaliwanag na kahit papaano e naeempower tayo dahil sa panggagaya? Na sa kabila ng panggagaya e may kubling pag-aaklas? Na kapag nakita tayo ng colonizer na gumagaya e naiinsulto siya, at isa 'yun sa paraan natin ng pagbawi?
At bakit ang nagpapasirku-sirko sa isip ko ngayon e 'yung dambuhalang mga billboard sa Katipunan?
Ewan. Tangina, ewan.
3.
Kamakailan ko lang napakinggan 'yung "Chandeliers" ng The Care. Pootangina, p're, oo nga. Totoo ang bali-balita. Halos walang pinagkaiba sa tema ng Pinoy Big Brother.
Hahahaha. Postcolonial mimicry ba? O simpleng katamaran lang? Sobra 'to, a. Ginaya na, pinagkakitaan pa, at ang pinakamasahol du'n, inisip nila na sa buong Pilipinas e wala pang nakakarinig ng Chandeliers, kaya makakalusot sila. Siyet. Hindi na 'yung artistic integrity, e. 'Yung common sense na lang. Grabe.
4.
Oo, nagtututor ako ng atleta. "Academic coach" ang tawag sa akin. Suwabe, di ba?
Sa totoo lang, medyo hindi ako natutuwa kapag sa tuwing binabanggit ko 'tong raket na 'to e napapatingin sa sahig ang kausap ko at napapatawa at nagsasabing, "Bobo, 'no?" Kasi hindi naman, e, hindi naman sila bobo.
Nagkataon lang na ang tutok nila (dahil na rin sa mga pinasukan nilang hayskul at elementary) e nasa pagiging atleta. Pero mayroon naman sila nu'ng natural na pagiging palatanong, at tumutugon naman sila sa mga ideya, marunong ding umalma sa mga sinasabi ko, marunong sumang-ayon kung naiintindihan nila. Tang'na, p're, dehins sila bobo. Gutom din silang matuto. Nagkataon lang na hindi kasing-solido ng sa atin ang pundasyon nila, pagdating sa larangang akademiko.
At saka e ano kung mas marami tayong nababasa kaysa kanila, ano kung mas maalam tayo sa kasaysayan o sa math o sa pagtula? 'Yun na 'yun, 'yun na ba 'yun, mas astig na tayo? Sukatan na ang nabasa? Ang dami ng naisulat? Sino ang nagsabi? Papaano kung pagdating mo pala sa langit e sinusukat din ang assist-to-turnover ratio, ang field goal percentage?
Ang punto ko, putcha, please, pag nagkasalubong tayo, huwag mo naman akong hihiritan nang sablay tungkol dito.
Saka, isa pa, kani-kaniyang raket lang 'yan, mehn.
5.
Tula pala. Astig 'to, p're:
To Help The Monkey Cross the River Thomas Lux
which he must cross, by swimming, for fruit and nuts, to help him I sit, with my rifle, on a platform high in a tree, same side of the river as the hungry monkey. How does this assist him? When he swims for it I look first up river: predators move faster with the current than against it. If a crocodile is aimed from up river to eat the monkey and an anaconda from down river burns with the same ambition, I do the math, algebra, angles, rate-of-monkey, croc and snake-speed, and if, if it looks like the anaconda or the croc will reach the monkey before he attains the river's far bank, I raise my rifle and fire one, two, three, even four times, into the river just behind the monkey to hurry him up a little. Shoot the snake, the crocodile? They're just doing their jobs, but the monkey, the monkey has little hands, like a child's and the smart ones, in a cage, can be taught to smile.
Hahaha! Tignan mo yung mga sagot ko sa johari window mo, swak na swak sa pinili mo para sa sarili mo. So ang ibig sabihin nun, either kilala talaga kita, o tsambahan lang talaga yun. Ibig bang sabihin nun ay kilala kita sa extent na kilala mo ang sarili mo? Pero magkakilala naman talaga tayo kaya hindi naman talaga nakapagtataka na pareho tayo ng tingin sa sarili mo. Labo ba? Hahaha! Sensya na, medyo sabog. Hindi ako nagpakasabog, ha! Sabog lang talaga ako ngayon for some weird reason.
astig yung tula, a. naalala ko bigla yung sinabi ni marcos: "don't get mad when somebody outsmarts you, because it is only his duty to be smart. rather, find ways to outsmart him the next time around." wala lang, gusto ko lang i-share.
Hahaha! Tignan mo yung mga sagot ko sa johari window mo, swak na swak sa pinili mo para sa sarili mo. So ang ibig sabihin nun, either kilala talaga kita, o tsambahan lang talaga yun. Ibig bang sabihin nun ay kilala kita sa extent na kilala mo ang sarili mo? Pero magkakilala naman talaga tayo kaya hindi naman talaga nakapagtataka na pareho tayo ng tingin sa sarili mo. Labo ba? Hahaha! Sensya na, medyo sabog. Hindi ako nagpakasabog, ha! Sabog lang talaga ako ngayon for some weird reason.