abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

putcha naha-highblood ako sa ilang mga blog entry na nabasa ko
Wednesday, March 01, 2006
Ano pa nga ba ang masasabi ko? Kung kuntento na silang nag-aabang ng araw ng sahod, kinakatikot ang bago nilang i-pod nano, nagjajakol o nagpipingger habang unti-unti nang nagugunaw sa gutom at disilusyon at galaiti ang mga taong minsan e ikinahihiya naman nilang tawaging "kababayan," ano pa ang magagawa ko? Gaya ng pagtulog o pagtae, o pag-ibig, wala namang sapilitang malasakit. Kung sadyang manhid sila, hindi ko sila pipilitin. Walang makapipilit sa kanila.

Ang galing ng dinamiko ng pakikipagkapwa, ng sakripisyo: hindi mo puwedeng hilingin ito mula sa kapwa mo; kaya mo lang gawin ang makakaya mo, at umasa sa kabutihang-loob ng ibang mga katulad mo.

(Kanina, habang nakasakay ako sa LRT, may naisip ako. Hindi ko na ito maalala ngayon.)

Heto, idedeklara ko: hindi ako naniniwala sa Diyos. O, ayaw kong tawaging Diyos ang pinaniniwalaan ko. Pero ang sabi ng isang rakstar na Talmudic scholar na itago natin sa pangalang Levinas: nag-iiwan ng bakas ang Diyos (o ang Absoluto, ang walang-hanggang entidad na di maikulong sa konsepto o wika) sa Mukha ng kapwa, at maaari lang makipagtagpo sa Diyos sa pamamagitan ng walang-hanggan ding pananagutan sa kapwa, maaari lang Siyang matanganan du'n sa espasyong namamagitan sa Akin at sa Iyo. (Illeity yata ang tawag sa "walang-hanggang pakikipagtagpo" na iyon.)

Heto, para sa lahat ng mga taong hindi maintindihan "what the fuss is all about:" Kaya kumikilos ang mga tao, kaya nagbibilad sa init ng araw at binabarhan ang mga kalsada, kaya di kayo makauwi nang maayos dahil sa trapik, kaya nangyayari iyon, e dahil nakakaramdam sila ng malasakit. Dahil nakikita nila ang Mukha ng kapwa nilang nadudurog sa hinagpis, at para bang ikinukuyom ang sarili nilang mga puso sa harap ng Mukhang iyon. Dahil nagtatangka sila, sa sarili nilang paraan, na makipagtagpo sa Banal. Dahil gusto nilang kumilos tungo sa mabuti.

Ngayon, tama nga naman, hindi naman natin puwedeng pilitin ang kapwa natin na kumilos tungo sa mabuti. Di ba? Ewan ko sa inyo, a, pero ako, heto ako, sumasakit ang batok, nagsisisi dahil ang hilig ko sa pagkaing ma-cholesterol, wala nang pakialam kung ma-high-blood din sila (bawi-bawi lang 'yan, 'no,) nagbabakasakaling mababasa naman nila ito habang nag-aabang sila ng araw ng sahod, nag-a-upload ng mga bagong kanta sa kyut na kyut nilang mga i-pod nano, habang nilalaro nila ang mga titi o puke nilang manas na manas na, wala nang ilalabas, manhid na manhid na, manhid na manhid pa rin.
posted by mdlc @ 12:41 AM  
4 Comments:
  • At 11:18 AM, Anonymous Anonymous said…

    me tula ako tungkol sa mga rakitero.. eto:



    Amuse sa Ignoramus

    Nahagip ng radar ko ang tit-for-tat
    ng mga kabataan ng aking henerasyon.
    Nagsisintir ang isa dahil inuna ng kanyang
    boyfriend ang kanyang barkada.
    Pinandirihan ng isa pa ang kanyang kasama
    habang binabalatan ang na-sunburn niyang
    balikat. Nag-swimming siya sa Puerto Galera.
    Hinoldap ang high-end na cellphone ng payat
    na lalaking may goatie. Kakabili lang niya
    ng unit sa Greenhills. Kumpleto accessories.
    Sumusulpot ang pangalan ng mga bars, bilyaran,
    kapihan, sinehan, botiques, Windows installers,
    laptops, iPods, digicams, ukay-ukay, novels,
    kabuntot ng mga CGIs, EBs, GEBs, SEBs, FuBu's.
    Pero wala. Walang bumanggit sa babaeng
    ginang-rape ng anim na mga GIs. Marami
    akong narinig na puta, putangina, buwakanangina,
    pero wala. Walang nagpalayas sa mga sundalong
    Kano na dumaong sa bisa ng Balikatan. Walang
    nagbitiw ng Putangina mo, Reyes, Putangina mo,
    Ramos, Putangina mo, De Venecia, Putangina mo,
    Gloria Macapagal Arroyo, lamunin ka sana nang buo
    ng nunal mo, putang ina mo! At ako ay napaputang-
    ina dahil nagpuputangina ang mga kabataang ito
    ng aking henerasyon sa mga numerong naka-print
    sa kanilang mga payslips habang itinutulak sila
    ng rehimeng ito para maging second-rate na Amerikano
    habang humihigop ng frapuccino, nag-eeksperimento
    sa mga coffee beans, tea leaves, syrups, cakes, pastries,
    dumadalo sa mga street parties, concerts, at F shows,
    habang ang aking mga kababayan ay lubog sa utang.

     
  • At 3:24 PM, Blogger isea said…

    ayan ang komentaryong gusto kong basahin. hindi yung nanunuro ng daliri sa kung sino ang may sala o kaya yung nagpipilit na 'ganito dapat mag-isip, ganito dapat ang maramdaman'.

    salamat, kael, at hindi ka gumagaya sa mga namumulitiko o nagkukunwaring pulitiko na wala nang ginawa kundi manggulo.

     
  • At 4:42 PM, Anonymous Anonymous said…

    oo nga mahilig ka nga sa mga pagkaing macholesterol.. minsang nakainuman kita e balot ang pinulutan mo kasabay ang ilang bote ng pilsen.. death by cholesterol man. astig ka.

     
  • At 3:54 AM, Anonymous Anonymous said…

    oy, grabe. papabasa ko sa iyo yung mga natanggap ko sa email ever since lumabas sa diyaryo.

    di ko alam kung maiinis ba ako o tatanggapin ko na lang na ganun talaga yung iba.

    -twinkle

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto