abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

reading the papers
Thursday, November 06, 2008
From Manolo's commentary piece in the Inquirer:

"...There is great trepidation in the Philippine BPO industry. But if a spokesperson from the Democratic Party is to be believed, Obama's vow to bring jobs back to America refers more to blue-collar manufacturing jobs than the essentially white-collar BPO jobs increasingly crucial to our economy."

Labels:

posted by mdlc @ 3:45 PM   0 comments
okay, so obama won
Wednesday, November 05, 2008
If I were American I guess I'd be happy. I mean, happy without qualification.

But I'm not, e. At bilang Pilipino, natatakot ako. Sa mga pangako ni Obama na: 1. Tax credit for companies that hire new employees in the U.S. ; at 2. Elimination ng tax breaks for companies who shift jobs off-shore.

Naiintindihan ko ang mga posisyon niya, at nakikita ko kung kung gaano ka-sound ito. Bilang desisyon ng Pangulo ng bansa niya. Kung gaano katama. Keep the jobs in America. Lalo na sa panahon ng krisis.

Pero. Bilang Pilipino. Natatakot ako sa mangyayari sa BPO Industry natin. Natatakot ako para sa di-mabilang na mga kaibigan ko, mga kaibigan na nasa call center, mga web-content writer, mga programmer at accountant at kung anu-ano sa mga offshore na firm. Nangangamba ako para sa mga pamilya nila na siguradong pilay kapag nakaltasan ng extra 15-25k, o higit pa, sa isang buwan. Para na rin sa ibang mga bagong graduate na mawawalan ng pagkakataong kumita nang maayos, kaagad, para makatulong sa mga pamilya nila. O para makaipon, para balang araw magawa nila ang totoo nilang gustong gawin sa buhay nila. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon, alam mo naman, lalo na 'yung kayang magpasuweldo nang matino.

Alam mo 'yun, 'yung conflictedness na ganu'n? Na alam mong may tamang nangyari nang iboto ng Amerika si Obama. Pero. Ambot, 'ika nga nila. Kasi, di ba. Bilang Pilipino.

Oh well. Siguro nga kailangan na ring tumindig ng ekonomiya natin sa sarili nitong mga binti, 'no? Hmm.

Labels:

posted by mdlc @ 2:47 PM   4 comments
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto