May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Thursday, May 13, 2004
Isa pa, isa pa, isa pang Chickenjoy.
***
Icarus
Sa dalampasigan ng Manila Bay
inanod ang kanyang bangkay.
Ay, anong himala!
Isang anghel!
Binuhat siya ng mga tao.
Lumuwa ang laman
mula sa kanyang mga sugat.
Kumawala ang sangsang
mula sa kanyang manas na katawan.
Nahulog sa buhangin ang mga butil
ng nabakbak na isperma.
Nalagas ang balahibo
ng lusak na pakpak.
Pinag-agawan nila ang bawat piraso.
Kakulay ng langit!
Kulay pilak!
Kakulay ng langit. Kulay abo,
nagpatingkad sa puti ng isang eroplanong
lumilipad papalayo,
lulan ang kanilang mga bayani.
Nang marinig ang ugong, tumingala sila
at kumaway.