abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Wednesday, May 12, 2004
Kung bakit ba sa tuwing marami akong ibang dapat pag-ubusan ng panahon e tsaka nangyayari ang ganito. Kagabi, nakatunganga lang ako, nagtotong-its kasama sina Erpats at Utol, umiinom kahit bawal. May report ako para sa dula mamaya, inaantok na ako, at tangina, sangkaterba pa ang reading ko.

Ang problema, hindi naman ako mapigil sa isang free-write session lang. On the spot revision pagkatapos. Kung sa dalawampung pahina lang sa notebook kong gusgusin, siguro e nakaubos ako.

Pero sino ba ako para magtampo? Tutal, bihira lang naman akong dalawin nang ganito.

O, siya, siya. Bagong tula.

***

Maynila

Kung ituturing kong ama
ang Maynila, marahil ay ituring niya akong
suwail na anak. Siya na rin ang nagturo:
ang hindi lumingon sa pinanggalingan
ay hindi magiging haligi ng asin.
Kaya nga't tumungo ako sa malalayong pook,
batid na sa bawat talampakang binagtas
ay may isang butil ng sarili kong nalagas
at lumason sa lupa.

Ngunit para bang may pako sa aking mga paa;
pakiramdam ko'y kinakaladkad ko
ang isang buong lungsod sa tuwing hahakbang.
Nalaman kong hindi arkipelago ang Pilipinas,
kundi mga pitak ng lupang
nakasambulat sa karagatan: Cebuano ang wika
sa Davao, palaging may bagyo
sa Batanes, ang Bayan ay totoo
sa isip lamang.

Ilang pusa na ba ang tumawid sa aking harapan,
na kagyat ko lamang malampasan
ay nagiging aswang?
Nakagat na ako sa alak-alakan, sa likod
ng tainga, sa mga bahaging malambot at masarap
ang laman. Saka ako tinitigan
nang para bang nagulat
sapagkat hindi ako nakiliti.

Sa paulit-ulit kong pagkadehado
ay naaalala kong pinagtatalunan pa rin
nina Santa Ana at San Lazaro ang pagkapatron
ng kabayo, at si San Miguel ang sasagot
sa lahat ng dalangin ko.
Sa bawat barong pagbihisan,
bawat kamang tulugan,
bawat digmaang masaksihan
ay tumatambad sa akin ang maalat na katotohanan:
mga pintong nakakandado,
ngiting iniukit sa yelo, nagpapaalalang
bisita lang ako dito.

Mahapdi ang bukambibig
ng mukhang nakahaharap ko
sa bawat paghilamusang palanggana:
ilan mang tao ang makainuman,
ilan mang lupalop ang madapuan
ay naliligaw lang naman akong talaga.

Matibay ang pako sa aking mga paa.
Ngunit bago maglakbay ay tinuklap ko na ito
gamit ang sariling mga daliri-- upang sa pag-uwi
ay may landas akong susundan:
isang kumpol ng namuong dugo sa bawat hakbang
at isang butil ng asin
sa bawat nalakbay na talampakan.

***

Dehins pa ako nakakapunta sa Davao o Batanes; kuwento-kuwento lang. Madali akong madala sa kuwento.

Teka, teka. Maggagayak na ako ng report. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas. Ayan na nga't
posted by mdlc @ 1:37 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto