abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

mga simpleng bagay
Thursday, June 29, 2006
1.

Ganito 'yung mga simpleng bagay na ikinatutuwa mo: Kagabi, papunta ka sa Kittens para makipag-inuman sa mga taga-TWG. Bumaba ka sa Tayuman para sumakay ng dyip na pa-UST. Wala na pala, wala nang bumibiyahe kapag ganu'ng oras.

Kaya ang sinakyan mo na lang e 'yung pa-Lardizabal na dyip; napag-isipan mong lakarin mulang Vicente Cruz hanggang Geliños. Hindi pa umuusad ang dyip, nagpupuno pa. Sa harap ka umupo; may isa pang taong sumakay, pero sabi, "Manong, pa-save lang, a. Bibili lang po ako ng yosi."

Tapos 'yung driver, tinanong ka, "Ikaw, meron ka bang yosi?" E wala. Inabutan ka niya ng isang stick, ayaw magpabayad. Ngumiti ka naman, at tinanggap ang alok niyang sigarilyo.

Habang hinihitit at ibinubugang papalabas ang usok, naisip mo: Ganu'n siguro talaga. May mga ganitong bagay, na nagpapaalala sa iyong kahit papaano, kahit minsan, o madalas, may problema, kahit kupal ang mundo, may ganitong mga bagay na ipinapaalala pa rin sa iyong masarap, masarap mabuhay.

2.

Isa pa: noong minsan kayong nagkita ng isang kaibigan, sa isang poetry reading, binigyan mo siya ng isang libro, libro ng isang surrealist na hindi naman masyadong sikat, pero astig, at mas astig dahil nabili mo 'yung libro nang kinse pesos. Naisip mong ibigay na lang sa tropa mong 'yun dahil, una, medyo nahihirapan ka nang maghanap ng paglalagyan ng libro sa bahay, at pangalawa, siya talaga ang nagsusubsob sa mga surrealista noong mga panahong iyon.

Kagabi, sa Kittens nga, inabutan ka niya ng isang libro. "Di ba ipinangako ko sa iyo?" sabi niya. Extrang kopya, e. Malamang nga ipinangako niya sa iyo, pero siguro lasing na kayong pareho nang ipangako niya, kaya hindi mo maalala-- bihira naman kung nag-iinuman kayo na una kang nalalasing sa kanya. Siguro siya 'yung tipo ng taong kahit lasing e nakakaalala ng mga pangako sa kaibigan.

"Morning Poems" nga pala ang pamagat ng libro. Si Robert Bly ang nagsulat.

3.

Puwede rin ito:

The Playful Deeds of the Wind
Robert Bly

Sometimes there's the wind. Sometimes the wind
Takes a certain scrap of paper, and blows
It back into the Bible. Then your family line
Is whole, and your great-great-grandparents
Stretch out in the coffin, and rest. That's something
Wind can do. Sometimes wind blows
A skirt up an inch or two, and the body
Signs a contract for its novel; then babies
Come, and people sit at breakfast, and the old
Words get spoken. Or the wind blows an ash
Into the anarchist's eye, and he pulls
the trigger too soon, and kills the King instead of
The fat factory owner, and then
A lot of men get on motorcycles. They
Dig trenches, and the wind blows the gas
Here and there, and you and I get nothing
Out of that wind except blind uncles
And a boy at the table who can't say "Please."

4.

Pero mas gusto mo yata ito:

When Threshing Time Ends
Robert Bly

There is a time. Things end.
The fields are clean.
Belts are put away.
And the horses go home.

What is left endures
In the minds of boys
Who wanted this joy
Never to end.

The splashing of hands,
Jokes and oats:
It was a music
Touching and fervent.

The Bible was right.
Presences come and go.
Wash in cold water.
The fire has moved.

5.

O kaya babangon ka nang may sinaing na, may ulam na, luto na ang lahat, at ang hinihintay na lang ay ikaw na yuyuko sandali at magpapasalamat bago sumubo.

At uupo ka nga, magpapasalamat, at susubo habang tumitingin sa maliwanag, sa maliwanag na maliwanag na mundo.
posted by mdlc @ 2:07 PM   6 comments
oo, sa totoo lang, masakit.
Thursday, June 22, 2006
Kung bakit ayaw ko sanang manalo ang Miami (galing kay Bill Simmons para sa Page2):

One word: Karma.

Not to go all Earl Hickey on you, but Miami has flagrantly defied the Karma Gods as much as any NBA team over the past 15 years. Just glance around at this year's team ...

Pat Riley: Took the Knicks to Game 7 of the Finals in '94 and the conference semis in '95, then stabbed their entire fan base in the back by jumping ship to their archrival (in especially sleazy, underhanded fashion). Bring up Riley's name to any diehard Knicks fan -- they react like Jennifer Aniston finding out that the Pitt-Jolie kid was born two days before "The Break-Up" came out. They can't handle him.
(BAD KARMA RATING: 9 out of 10)

Alonzo Mourning: Traded to Toronto in the Vince Carter deal, Zo pulled a complete hissy-fit and demanded his release -- but with the catch that they still had to pay him -- then held them hostage for his money before getting his release and signing with the Heat so he could piggy-back Wade and Shaq for an elusive title. And if he didn't have the whole kidney transplant thing going on, he would have looked like a total scumbag. I know I say this all the time, but just ONCE, I want to see one of these teams say, "Screw you, we're paying you, we want you to play for us, and if you're not here tomorrow, we're suspending you without pay until you show up." Just once.
(BAD KARMA RATING: 7 out of 10)

Jason Williams: Along with Bonzi Wells and Stro Swift, Williams caused enough problems in Memphis that Hubie Brown ultimately had to walk away because the stress of the job was affecting his health.
(BAD KARMA RATING: 3 out of 10)

Shaquille O'Neal: Everyone thinks that Kobe demanded his own team, which was why Shaq ended up getting traded. Actually, this is only half-true. Shaq was woefully out of shape for the 2002-03 season -- although he had just won three straight titles and was probably Kobe'd out, so I can't totally blame him -- then pushed for a lucrative extension that summer even though he had two more years remaining on his contract. Faced with a power struggle between their two superstars, as well as a gigantic financial commitment to Shaq, the Lakers panicked and stupidly held a fire sale (getting 45 cents on the dollar for him). Then Shaq deflected any local blame in Los Angeles by blaming Kobe and declaring war on him, one of his smartest political moves and yet another reason why Shaq needs to run for office some day. It wasn't nearly as sleazy as the Riley/Mourning things, but it was still a little slimy. And remember, he did the same thing to everyone in Orlando.
(BAD KARMA RATING: 6 out of 10)

Dwyane Wade: Keeps pushing the whole "I want to be the first guy from the 2003 Draft to win a title" spiel, which would be fine except Darko already has a ring. How dare you disrespect Darko like that, Dwyane Wade!
(BAD KARMA RATING: 2 OUT OF 10)

Pat Riley, Part II: Stole the team from Stan Van Gundy, then apparently had him whacked -- we haven't seen the Hedgehog since. Just a crazy turn of events. Combined with what happened with the Knicks, Riley's bad karma almost can't be calculated. Still, I'm going to try. (BAD KARMA RATING: 19 out of 10)


Nasaan ang katarungan? Nasaan ang Diyos? Mayroon pa bang batas na dapat panaligan?
posted by mdlc @ 6:24 AM   3 comments
kapag gusto mong pumatay ng oras at wala kang kalaro ng chess...
Tuesday, June 20, 2006
1.

Puwede mo akong painumin. Kung gusto mo ng kuwento, puwede mo rin akong i-text, at painumin. O puwede ring KKB muna tayo, kung gipit ka rin. Bibigyan pa kita ng yosi, kung gusto mo. Sabi nga sa isang kanta, "Basta't tayo'y... magkasama..."

Pero sa ngayon, habang naghahagilap ka pa ng load na pantext sa akin, ito muna:
.
.
.
salamisimx: huyssssst.

mimi: yobba
mimi: musta

salamisimx: yobba?
salamisimx: yawba!

mimi: yebba
mimi: :D

salamisimx: heto, oks lang.
salamisimx: mukhang may kailangan akong patulan na nangungulit sa tagboard.
salamisimx: 'yung gelpren nu'ng inangasan ko na tabulas blog.
salamisimx: kuleeeeet, e.

mimi: ano ba yan

salamisimx: pakiramdam ko tuloy ako 'yung si morpheus, 'yung

mimi: ano ba pinag-awayan nyo niung taga tabulas

salamisimx: may naligaw na kalaban sa realm niya,
salamisimx: tapos hiniritan niya ng "huwag kang gaganyan-ganyan,
salamisimx: nasa teritoryo kita.""
salamisimx: ano nga ba? hmm.
salamisimx: inangasan ko siya, kasi ang olats ng mga tikada niya, pero di naman personal.
salamisimx: talagang pa-kyut lang, papogi.
salamisimx: so siguro mainit ulo ko nu'n, na-highblood ako,
salamisimx: pinatulan ko. nagcomment ako sa blog niya.
salamisimx: pinagsisisihan ko nga, e.
salamisimx: sumagot siya.
salamisimx: tapos nag-tag din gf niya sa abosadila.

mimi: dapat kasi di mo na pinapatulan ang mga yan e. kanya-kanya nang angas sa blog. :p

salamisimx: oo nga; well, nandiyan na, e.
salamisimx: so ang ginawa ko, bumalik ako sa blog niya,
salamisimx: sinagot ko sagot niya in a more, paano ba,
salamisimx: mas kalmado at mas bukas at mas sibilisadong paraan.
salamisimx: nag-sorry ako.
salamisimx: tapos, may hinirit siya tungkol sa poetics ni gelo.

mimi: tapos ano sagot nya?

salamisimx: hindi, bago pala ako mag-sorry, may sinabvi siya tungkol sa poetics ng dada, ni gelo.
salamisimx: na talagang olats. pero di ko binara; sinabi ko lang ang tingin ko, bilang paglalatag ng diskurso.
salamisimx: that was two days ago.
salamisimx: di pa siya sumasagot;
salamisimx: pero yung gelpren niyang ***... ***,
salamisimx: hirit nang hirit sa tagboard ko.
salamisimx: una, sabi ko:
salamisimx: camz: pumunta ako sa blog ng boypren mo; nilinaw ko at ipinaliwanag ang mga sinabi ko; i even apologized. i posted an invitation for discourse. that was two days ago. nag-aabang pa ako.

mimi: hay. :-<

salamisimx: camz: du'n ang venue, hindi rito. walang historical background ang mga taong nagbabasa dito. ngayon kung hindi ka lulubay, i'd have to warn you. you're crossing a line that shouldn't be crossed.
salamisimx: camz: tumahimik na ang boypren mo. or i guess iniisip niya ang mga isasagot niya sa diskursong inilatag ko. i suggest you do the same.
salamisimx: e ayaw tumahimik. heto sagot niya:
salamisimx: my boyfriend's sick. kaya hindi sya nakakareply. now, mikael, i have nothing against you too. i am simply, as you said, stating what i'm thinking.
salamisimx: learn to take what you can dish out. ganun lang yon. kung offensive ako, my sincerest apologies. katulad mo, may sariling angas din ako.
salamisimx: sabi mo nga, web to. you have a tagboard, i used it. simple diba? just like you using the comment box. ganun lang rin yon. again, no offense meant.

mimi: well, kung ganun, theoretically, may point sya. :p

salamisimx: oo, meron.
salamisimx: pero 'yung hirit niya sa tagboard,
salamisimx: sa tingin ko,
salamisimx: uncalled for dahil ang usapan e ang balitaktakan ukol sa mga isinulat ng boyfriend niya--
salamisimx: so dapat 'yun ang kadikit ng mga hirit niya.
salamisimx: (mas matino na 'yang sagot na 'yan. nag-iingat na.)
salamisimx: 'yung mga una niyang tag, may anghang.
salamisimx: (although mas maanghang ang comment ko sa blog ng bf niya.)
salamisimx: anyway.
salamisimx: ang punto ko siguro,
salamisimx: hindi siya nagkocomment ukol sa kahit anong isinulat ko sa abosadila--
salamisimx: dapat comments field ang inokupa niya kung gayon.
salamisimx: nagkocomment siya sa balitaktakan sa kabila--
salamisimx: and her comments, actually, have nothing to do with the real arguments.
salamisimx: panay ad hominem ang banat niya,
salamisimx: habang sa totoo e 1. dada; at 2. blogs as public domain na ang usapan.
salamisimx: so iniisip ko kung papatulan ko pa,

mimi: so nakiki-angas lang sya to defend her boyfriend.

salamisimx: kung sino sa amin ang mas magmumukhang tanga.

mimi: hwag mo nang patulan.

salamisimx: hmm. sa tingin mo?

mimi: dyan naman kasi nagsimula yan e :p
mimi: yep.
mimi: lalabas kang mababaw at defensive.
mimi: (kahet may point ka)

salamisimx: at pag hindi ko siya pinansin, lalabas na hindi ko kayang panindigan ang sinimulan ko.

mimi: no.

salamisimx: hmm. why not?

mimi: unless gusto mong humirit sa entry na hindi mo na lang papansinin/papatulan ang mga nakiki-epal sa blog mo.

salamisimx: iniisip ko nga. pero di ba, ang magiging effect nu'n,
salamisimx: patuloy siyang hihirit?

mimi: after mo humirit ng ganun na general na hindi mo na papansinin yung mga ganun, hindi.

salamisimx: at kung, on the other hand, ilatag ko nang matino ang argumento, at saka ko ihirit 'yan,

mimi: o hihirit sya at mapapagod lang.

salamisimx: then i'd have the choice of ignoring her,

mimi: kasi alam mo namang walang katapusan ang hiritang ganyan e.

salamisimx: or keeping at it kung may punto.

mimi: ikaw bahala.

salamisimx: actually,

mimi: kayo naman ang kapwa mapapagod e.

salamisimx: iniisip ko nga na baka matapos kung mapagmukha ko siyang tanga, e.
salamisimx: pero 'yun nga. lalaki lang, 'no?

mimi: yep. war freaks. must have the last word. :p

salamisimx: may bahagi sa akin, 'yung ma-pride at maangas at warfreak na bahagi,

mimi: trust me, lalaki yan pag ipagmukha mo syang tanga.
mimi: hihirit pa yung bf nya in full force.

salamisimx: gusto talagang durugin sa argumento ang taong 'to.

mimi: oo nga. meron nga.
mimi: anong mapapala mo dun?
mimi: kung mapagmukha mo syang tanga?
mimi: a short-lived sense of victory?
mimi: triumph of principle/logic over ad hominem arguments?

salamisimx: hmm. i guess may bahagi sa aking gustong manalo. ayaw kumain ng pride.
salamisimx: yup.
salamisimx: kung hindi ko naman hiritan, ano ang mawawala?

mimi: wala.
mimi: hindi naman nakasabit dyan ang pride mo e.

salamisimx: iniisip ko kung kaya kong tanggapin na mahiritan ng,
salamisimx: "tangina, magsisimula ka ng away, di mo naman pala kayang panindigan."
salamisimx: alam ko na!
salamisimx: tanong mo naman kung ano 'yung alam ko na.

mimi: sasabihin mo rin naman e ;)
mimi: sige na nga
mimi: ano alam mo na?

salamisimx: hahahaha.
salamisimx: anyway,
salamisimx: kung magpopost man ako, tungkol dito sa usapan nating ito.
salamisimx: 'yung conflict ko sa loob ng sarili ko,
salamisimx: (period dapat 'yun.)
salamisimx: hindi comma.

mimi: ;))

salamisimx: hahahaha.
salamisimx: pero seryoso.

mimi: pwede.
mimi: ikaw.
mimi: you'll be giving her the satisfaction of knowing that this bothers you, though.

salamisimx: wel, it does.
salamisimx: i'll have to admit that it does.
salamisimx: kasi, bakit ba,
salamisimx: kasi sinimulan ko, e. i mean, dapat nanahimik na lang ako. pero somehow,
salamisimx: nu'ng araw na 'yun,
salamisimx: highblood ako. tapos naligaw ako sa blog ni ***,
salamisimx: tapos may link,
salamisimx: ikinlick ko,
salamisimx: at tumambad sa akin e 'yun nga, sobrang, basta.

mimi: control yourself next time! :))

salamisimx: oo nga, i will.

mimi: natutunan mo na rin before na hindi ideal place ang internet sa malalim at reasonable na diskurso e.

salamisimx: unless kaibigan mo ang kausap mo.
salamisimx: tama, e.

mimi: oo.

salamisimx: levinas, 'no? iba pa rin pag kaharap mo 'yung mukha.
salamisimx: anyway, ikaw diyan? kumusta? nagkuwento na si ***** tungkol sa

mimi: mahalaga pa rin ang venue. tamang lugar, lang.
mimi: cr lang ako ha

salamisimx: *** episode?
salamisimx: sige go.

mimi: pakwento ka sa kanya ;)

salamisimx: oks. banyo ka muna.
salamisimx: teka, puwede ko bang i-post itong conversation na 'to, sa blog? o would you rather that i not? or at least not use your name?

mimi: don't use my name. :)
mimi: ok lang i-post if you want.

salamisimx: okay.
salamisimx: sige, ano gusto mong screen namen?
salamisimx: inday?
salamisimx: gretchen?

mimi: mimi

mimi: :))

salamisimx: hahahaha. sige, mimi. hanggang dito, puwede, i-post ko sa blog?

2.

Galing kay Sir Krip:

Invite to party briefly with Mom Edith:

On Thursday, June 22, Dr. Edith L. Tiempo, National Artist for Literature
and Mom E. to us all, will receive the Gatpuno Antonio Villegas award from
the Manila Mayor as part of the Gabi ng Parangal for the Patnubay ng
Sining at Kalinangan awardees at Manila City Hall.

Mario Miclat is the Literature or Panitikan awardee this year, while
Elynia Ruth Mabanglo is the Tanging Pagkilala awardee. Mom Edith's award
is one of the three special awards other than the regular Patnubay awards
that go to winners for each genre.

The invitational Parangal starts at 6pm and will likely end by 8pm, at
which time Mom's special entourage or cordon sanitaire — composed of her
official escort Atty Ernesto Superal Yee, together with Dr. Marjorie
Evasco, Susan Lara and Danny Reyes, and security agents Dr. Jimmy Abad and
Col. Krip Yuson — shall convoy to Penguin Gallery Cafe on Remedios St.,
off Remedios Circle, in Malate.

KKB dinner and drinks will follow, with Mom possibly holding court to
receive your felicitations should you wish to join the merrymaking. It may
be brief, however, with Mom Edith's presence possibly lasting only until
10:30pm, as she and Atty. Yee have to take the dawn flight back to
Dumaguete on Friday.

Mom Edith and Ernie are arriving on Wednesday, June 21, and will be
staying for two nights at the Angelo King Hotel which is part of St.
Benilde, right across Taft Avenue from De La Salle University. Workshop
Batch 2006 is tendering a dinner for her that first evening, at the hotel
rooftop venue.

They and other Dumaguete workshop fellows of all batches and ages are
still most welcome to join the Penguin get-together the following night.

Kindly pass on. Come one come all.

3.

Bukas na pala ulit ang Purple Haze, mga dalawang linggo na ang nakakalipas. At ngayon mas madali nang puntahan. Malapit sa kanto ng Morato at E. Rodriguez. Mas maluwang ang puwesto. Suwabe. Wasak!

Sa June 30 ang una naming salang. Nood kayo.
posted by mdlc @ 4:26 PM   4 comments
mahusay talaga ang buwakanangina
Monday, June 19, 2006
1.

Oo. Kakainin ko ang lahat nang sinabi ko.

2.

The only player who's putting up at least a semblance of resistance to Dwayne Wade is the one I least expected to-- Devin Harris. Shaq is consistently getting his touches. Jerry Stackhouse has become a non-factor. He wasn't even in the arena after being handed a one-game suspension for his flagrant foul on Shaq last Game 4.

Hindi na mananalo by 6 ang Dallas.

3.

Miami just beat them by one in overtime. (I predicted at least a game going into overtime, by the way. Pero sabi ko sa Dallas mangyayari 'yun, at Dallas ang mananalo.)

Mahusay talaga ang putanginang Wade na 'yun. Taas na kamay ko. He just willed a win, again. Ngayon lang nagpakita ng puso si Dirk buong serye, hitting a crucial fadeaway looper and two free throws. Nasayang pa.

Wade has the killer instinct, the "putang-ina, masisi na kung masisisi, pero kakargahin ko ang kupunan ko" attitude. Saludo na ako, finally. (Which makes me wonder even more: What if LeBron was surrounded by the same amount of talent that Wade has around him? Hmm.)

Pero wala, e. Team game ito. And I guess Pat Riley's gamble in the off-season-- acquiring several stars who were willing to piggy-back on Shaq and Wade en route to a championship-- is paying off.

4.

Josh Howard scored 20+ points today by being consistently on attack-mode. Pero di naman kayang bawiin nu'n ang dalawang sablay niya from the free throw line in O.T. Plus, he called their last time out with Wade on the line for what would be the game-winning free throw. 1.9 seconds left. So they had to inbound from the baseline. Devin Harris missed a halfcourt heave. Game over.

5.

Mga kaibigan, sabay-sabay nating ibulong: nananalig pa ako. Hindi pa tapos ito.

6.

Pangako, pagkatapos ng Finals, magsusulat na ulit ako rito ng mga bagay na walang kinalaman sa basketbol.
posted by mdlc @ 1:10 PM   0 comments
tangina tangina tangina
Wednesday, June 14, 2006
Naks, una 'to, a-- dalawang post sa isang araw. Napilitan lang. Talo kasi ang Dallas kanina.

Tangina, tangina, tangina. Up by 13 nang 4th quarter. Natalo pa. A lot of questionable calls by the refs, pero ganu'n talaga, e. Breaks of the game. Sabi nga ni Pat Riley, "The basketball gods were good to us tonight." Dirk misses a crucial free throw. Shaq makes two crucial free throws. Dwayne Wade somehow wills the Heat to a win, even though Shaq basically (accidentally) crushed his knee on a play by Josh Howard-- all 340 pounds going down on Dwayne's left knee. Nu'ng final play: libre si Stackhouse for a potential game-winning three sa corner-- but even I wouldn't trust him after he went 1-for-9 from the field. Sumablay nga ng dakdak si gago, e!

Dahil talo ang Dallas, heto ang parusa ko sa buong sambayanang blogger.

Mananalo ang Mavs sa Game 4. I just feel it. Pag hindi, magpapainom si Leopoldong Libag, kilabot ng Misericordia.
posted by mdlc @ 6:36 PM   3 comments
reading mamaya
1.

May reading mamaya, sa Mag:Net Katipunan. Back to school reading; ang may hawak ng programa e si Rayvi "Huwag ka sanang magagalit" Sunico. Daming naka-lineup: Sirs Krip, Jimmy, RayVi, si Gelo, Marie, Joel, Lourd. Naka-lineup din daw ako, sabi ni Gelo. Medyo nakakahiya, kasi tangina mga wazzzak na tao ang kasama ko sa lineup at nakakapanliit, pero mas nakakahiya kung magpapaimportante ako at baback-out. Kaya mamaya, para naman hindi ako masyadong mapahiya, daan naman kayo, para may mga kaibigan akong papalakpak sa akin.

Mag:Net Katipunan; 6 p.m. Punta kayo, a.

2.

At dahil ayaw kitang iwan nang walang "an epols a day:"

"I Love You Sweatheart"
Thomas Lux

A man risked his life to write the words.
A man hung upside down (an idiot friend
holding his legs?) with spray paint
to write the words on a girder fifty feet above
a highway. And his beloved,
the next morning driving to work...?
His words are not (meant to be) so unique.
Does she recognize the handwriting?
Did he hint to her at her doorstep the night before
of "something special, darling, tomorrow"?
And did he call her at work
expecting her to faint with delight
at his celebration of her, his passion, his risk?
She will know I love her now,
the world will know my love for her!
A man risked his life to write the words.
Love is like this at the bone, we hope, love
is like this, Sweetheart, all sore and dumb
and dangerous, ignited, blessed-- always,
regardless, no exceptions,
always in blazing matters like these: blessed.

3.

At tutal e nasa mood na naman tayo para sa mga love poem, at dahil nabanggit ko na rin kanina, heto ang ikalawang epol for a day mo:

Huwag Ka Sanang Magagalit
Ramon C. Sunico

Huwag ka sanang magagalit
kung sasabihin ko
na hanap-hanap ka
ng aking mga tula.

Huwag ka sanang maiilang
kung tuwing umuulan
isip-isip ko ang init
ng ating katawan.

Ngayon , butas lamang
sa langit ang lahat ng bituin.
Ngayon, panukat lamang ang buwan
ng layo mo sa akin.

Anumang kuwento
ang simulan ko’y
sa iyo rin nauuwi.
Sa bawat aklat
na aking buklatin
naroroon ang iyong tingin.

Alam ko: may sarili kang tanong
na dapat sagutin;
may sarili kang misteryo
na dapat harapin.

Huwag magmadali: panahon ngayon
ng liwanag at sari-saring dilim;
Oras ng lugar at lamig
at ng paurong-sulong ng pagpapaumanhin.

Ngunit Tess, Mahal,
pinakamatalik kong kaibigan,
huwag ka sanang magagalit
huwag ka sanang maiilang
kung aking sasabihin

na tuwing humihinga ako,
naaamoy kita,
na tuwing pumipikit ako,
ikaw ang nagiging umaga.

para kay Tess
vii 1995

4.

Masarap din palang gumising nang maaga, paminsan-minsan, kahit papaano.
posted by mdlc @ 6:12 AM   4 comments
sabi ko senyo, e
Monday, June 12, 2006
1.

Galing kay Chris Sheridan para sa ESPN.com:

"The push that put Dallas firmly in control came late in the second quarter when the Heat's game-long lack of hustle and poor execution caught up with them big time. With the score 40-34, Adrian Griffin chased down an offensive rebound and found Nowitzki at the top of the circle. Nowitzki then wheeled and fired a pass to Stackhouse in the corner for a 3-pointer. Wade was called for a palming violation at the other end, then Stackhouse nailed another 3 while getting fouled by Wade, his third foul of the half. Wade picked up a technical from referee Steve Javie for arguing the call from the bench, and even though Nowitzki missed the technical foul shot, Dallas still had one more dagger up its sleeve.

"It again came from Stackhouse, who somehow drained a 3-pointer from the corner while falling out of bounds with 1 second left on the shot clock, putting the Mavs up 50-34 at halftime."

I'm not much of a fan, really, even though I know that at one point he led the Detroit Pistons with 29 ppg. May pagka-buwaya 'tong batang 'to, e. Kaya nga suwak na suwak ang role niya dito: spark plug galing sa bench. Parang si Bobby Jackson nu'ng deep playoff run ng Sacramento nu'ng early 2000's. Ayan, spark plug, harurot, bratatatatat. Sunog ang Miami.

Sabi pa sa Elias Says:

"Stackhouse's streak of 10 straight points was the longest for any player in an NBA Finals game since Isaiah Thomas scored 10 in a row during the Pistons' Game 1 victory over the Trail Blazers in 1990... During that stretch, Stackhouse made three 3-point field goals in a span of 1:17."

Di pa binanggit dito na 'yung isa e four-point play, which Josh Howard also had, sometime in the late third yata, o early fourth quarter. Wasak.

At siyempre, credit is due to the excellent post-denial defense of Dampier and Diop. At this point-- with neither of them going into deep foul trouble-- it would seem that the return of the third part of Dallas' three-headed center, DJ Mbenga, would be a bit anticlimactic. Malamang mabangko lang din siya pagbalik niya.

Pagkatapos ng first half, ang erpats ko, na hardkor Shaq fan, umakyat para mag-early siyesta. Hehehe.

Two down, boys, two down. Two more to go.

2.

Nakapaskil dati rito ang tulang Job. Kinailangan kong burahin; iwas komplikasyon daw sa isang anthology kung saan siya lalabas. (-Mikael, 10/30/06)
posted by mdlc @ 9:54 PM   3 comments
crashing the boards
Saturday, June 10, 2006
1.

Ateneo writers workshop now accepting submissions

The Ateneo Institute for Literary Arts and Practices (AILAP) is now accepting applications to the sixth Ateneo National Writer's Workshop to be held on October 23-28.

Applicants must submit a portfolio of any one of the following in Filipino or in English: five poems, three short stories, or two one-act plays, together with a title page indicating the author's pseudonym and a table of contents. The portfolio must be accompanied by a file of the document(s) saved in a diskette in rich text format (.rtf).

All submissions must also include a sealed envelope containing the author's name, address, contact numbers, and a one-page biodata with a 1x1 ID picture.

Address all entries to Dr. Benilda Santos, Director, Ateneo National Writer's Workshop, c/o Filipino Department, Horacio de la Costa Hall, Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

Deadline of submissions is August 4.

For inquiries, please call workshop coordinators Mr. Jelson Capilos and Mr. Yol Jamendang at 426-6001 local 5320-5322.

2.

Kaninang madaling-araw ko lang napanood nang buo ang game 1 ng Dallas at Miami. At kung ako ang tatanungin, isang stat ang kapansin-pansing nagpanalo sa Dallas: defensive rebounding.

No team can shoot a hundred percent from the field. Given 'yan. Litaw na litaw ang halaga ng defensive rebounding after Dallas took a ten-point lead about 4 minutes into the fourth quarter. Miami started to catch fire, pero as is always the case, there'll be some misses. Ang magandang nagawa ng Dallas, hindi nila hinayaang makapagbuild-up ng momentum ang Miami by letting them grab offensive rebounds. Parang ang mantra ng Mavs noon: one possession, one shot. You can only defend so well, and with scoring machines like Shaq and Wade on the floor, the best you can do is limit their possesions to a single attempt. At, dahil nga nauubos ang oras, pag ganyang nakikipagpalitan ka lang ng shoot sa isang kalabang lamang sa iyo, well, sorry ka na lang.

But then again, Dallas' brilliance in the defensive rebounding department can be largely attributed to their solid perimeter D and great post-denial defense. Hindi ko naisip na sasabihin ko 'to sa tanang-buhay na 'to, pero Eric Dampier did a great job denying the entry pass, at least for that valuable six-minute stretch in the third quarter.

Sa Game 2: Expect the Heat to try to dump it low into Shaq, and expect the Mavs to try to run more. Expect Riley to play Shaq and Alonzo Mourning for at least a few possessions-- especially when Dirk's not on the floor. Expect Marquis Daniels to shadow Wade a bit more. Expect Dampier to play more minutes and get into foul trouble earlier; expect Dirk to be more aggresive on the offensive end. Expect the Mavs to win it by at least four points.

(Tangina hindi ko makita ang box scores! Pero itaga ninyo sa bato, wala sa +/-10% ang defensive rebounding ng parehong kupunan sa Game 1.)

3.

Inom?
posted by mdlc @ 6:36 PM   2 comments
not so mav-elous basketball, but a w's a w
Friday, June 09, 2006
1.

Galing kay Tim Legler para sa ESPN.com:

"...How is it possible the Heat lost by 10?

"...They had two critical stretches during which they were careless with the ball and forced quick shots without entering the ball in the post to Shaquille O'Neal... The second stretch was a six-minute run in the third quarter during which Shaq was on the floor the entire time yet did not receive one touch in the post. The result was a series of turnovers, quick jumpers and rushed possessions with the shot clock running out."

(Ako na ang nag-italics niyan.)

Nakita na natin ito noong Detroit-L.A. finals dati: Pagdating kay Shaq, deny the post, and good things happen. At hindi rin masama na mayroon kang scoring point tulad ni Jason Terry (13-for-18 from the field; 12 points in the fourth quarter-- same as the entire Heat's 4Q output,) lalo na kung ganitong 4-for-14, 0 points in the 4th si Dirk.

One down, three to go.

2.

Bago pala masabing hindi ko binabanggit: watch out for Orlando next season. Quality acquisitions before the trading deadline (Darko Milicic and Carlos Arroyo,) significant cap space (with Steve Francis shipped out and Penny Hardaway on his way to retirement,) a quick, steady point who knows how to score, but more often than not opts to get his teammates involved (with Jameer Nelson in the lineup, who needs Stevie Franchise?) and a 20-year-old monster for a new fulcrum (Dwight Howard.) I'll look for them to be no lower than a seventh seed once the 2007 playoffs start.

3.

Hindi ko kilala si Dorothy. Ikaw, kilala mo? Siya, kilala niya:

To Dorothy
Marvin Bell

You are not beautiful, exactly.
You are beautiful, inexactly.
You let a weed grow by the mulberry
and a mulberry grow by the house.
So close, in the personal quiet
of a windy night, it brushes the wall
and sweeps the day till we sleep.

A child said it, and it seemed true:
"Things that are lost are all equal."
But it isn't true. If I lost you,
the air wouldn't move, nor the tree grow.
Someone would pull the weed, my flower.
The quiet wouldn't be yours. If I lost you,
I'd have to ask the grass to let me sleep.
posted by mdlc @ 5:58 PM   0 comments
dahil nagtataka ako nang dahil sa di pa dumarapo ang antok
Wednesday, June 07, 2006
1.

Kung bakit mananalo ang Dallas:

1.1. May tatlong agimat laban kay Shaq ang Dallas: Dampier, Diop, at Mbenga. Shaq has been bulldozing his way over the Eastern Conference centers-- hindi dahil sa lack of skill, pero dahil sa lack of heft, bulk. You don't stop Shaq by heads-up defense: you stop him by sheer force. Ilayo sa paint. Banggain, saktan, and don't back down kapag ikaw ang sinasaktan. Big Ben is a defensive genius-- pero his D isn't tailor-made for tanks. Dallas' three-headed center lineup is as Shaq-proof (if there's such a thing) as it gets.

And even then, Dallas won over San Antonio-- not by stopping Duncan (who averaged over 30 and 10,) but by shutting down everyone else. Now, will they be able to shut down the rest of Miami's star-laden lineup? The answer brings us to:

1.2. Josh Howard. Wade will definitely get his points, more so than Shaq, kasi the lane won't be sufficiently clogged, dahil nga the bigs will naturally gravitate towards Shaq. But Josh is smart enough to give Wade a few inches to try to shoot his jumper, and athletic enough to challenge it. Enough to make D-Wade miss. And when he misses, (itaas ang kamay ng mga sang-ayon!) I don't think he has enough court vision and awareness to be able to make brilliant passes. At sakaling mapagod si Josh, nandiyan si Adrian Griffin.

And the rest of the line-up? Putcha, mayroon ba ritong naniniwala na may miski kapiranggot na husay sa katawan si Antoine Walker? And James Posey will have his hands full with Dirk. So magiging Shaq-Wade based ang opensa ng Heat.

1.3. Walang agimat ang Miami para kay Dirk. Udonis Haslem succeeded in shutting down 'Sheed, oo, kasi primarily post-up player si Rasheed. But Dirk has the creativeness, the speed, and the footwork to take him from the outside in. And if he's proven anything in these playoffs, double-teams won't work against Dallas-- Dirk has matured enough to trust his teammates completely. Dudurugin lang sila ng supporting cast ni Dirk.

So I'm expecting the Pat Riley to throw James Posey at Dirk. Pero, ha? Talaga lang, ha? He's no Bruce Bowen, (not even a Shawn Marion,) and even Bruce couldn't keep Dirk from scoring above the 30's consistently.

1.4. Jerry Stackhouse. O, quiz, quiz, sa mga kararating lang: sino ang franchise guy ng Philly bago dumating si Iverson? Isa pa, isa pa: e ang franchise guy ng Detroit pag-alis ni Grant Hill? Oo, si Stackhouse. He was enough of a star to have a shoe named after him (well, pati naman si Mashburn, pero, di ba?) Itaga ninyo sa bato, si Stack ang magiging X-factor ng seryeng 'to. He has the offensive firepower to wear down Wade on the defensive end-- and he has Josh Howard to back him up sa depensa, para di siya mapagod. More importantly the guy has attitude. He's to the Mavs what Latrell Sprewell was to the '98 Knicks, what Vernon Maxwell was to the '94 Rockets. Yari ka, Dwayne.

1.5. Run and Gun. Imagine this: Dirk, Keith Van Horn, Howard, Stackhouse, and Jason Terry on the floor. Maybe the end of the 3rd quarter, or the start of the 4th. Why? By then Shaq would have 3 or 4 fouls (from trying to help out sa tuwing dinudurog ni Jason Terry/ Devin Harris/ Stackhouse ang lousy, lousy, lousy perimeter D ng Miami,) at isa pa, by then the Big Diesel would have started to run out of gas. If he's not on the bench-- in which case Alonzo Mourning will pose less of a problem-- the guy has a kidney running on life support, and a hook shot worth, what, one out of five attempts?

So ganito: Takbo. Hustle back on D, deny the post entry pass. Knowing Antoine Walker and Jason Williams, titira ng perimeter shot ang Miami-- long rebound. Takbo, takbo, takbo. Sabi nga namin sa barkada, tangina picking epols lang ang basketbol pagdating sa ganitong situwasyon. Wasssak.


1.6. Tiwala. Nabasa ko sa kung-saan, the difference between basketball and, say, baseball is that the latter is essentially an individual game played by nine (tama ba?) people on each side. Basketball is a team game through-and-through. Sa basketball, hindi mananalo ang kupunan na walang tiwala sa isa't isa. So, heto nga: Naaalala ninyo, game 4, round 1, Miami vs. Chicago? Wade and Payton were jawing at each other, then even 'Toine got into the mix, while Pat Riley stared helplessly at his playbook. And you call these guys pros. Nakakahiya.

Sa kabilang dako, Dallas is a five-man team of Lebron Jameses when it comes to trusting the other four players on the floor. Granted, Jason Terry is a scoring point guard in the mold of Travis Best and Damon Stoudamire and college-era Jameer Nelson, but he knows how to defer to Dirk. The rest of the line-up are hardcore Zion Laterre, Reuben dela Rosa types who run up and down the court and crash the boards and hit the open jumpers. Saan ka pa?

Forecast ko? Dallas in 6, with at least a game going into overtime-- most probably a Dallas home game, which they'd win, what with Mark Cuban on the stands.

2.

Dahil sa tingin ko may mali talaga sa nakakasanayang pagtuturo/ pagbabasa ng poetry sa Pilipinas:

Nakapaskil dati rito ang tulang Formula. Kinailangan kong burahin; iwas-komplikasyon sa isang anthology kung saan siya lalabas. (-Mikael, 10/30/06)


3.

Wala lang. Gusto ko talagang i-share. At pahingi naman ng raket, mga bayaw.
posted by mdlc @ 4:27 AM   2 comments
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto