May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
pagbati
Friday, September 28, 2007
Isang taimtim na pagbati kina Twinkle at Emong sa pagkakapanalo nila sa Maningning! Ano, mga bok, ihahanda na ba namin ang mga atay namin?
At, nga pala, kung gusto ninyong malaman kung paanong hindi dapat umasta ang talunan, silipin ninyo ito. (Pakiusap lang.) May comment ako diyan, na maganda ring mabasa ninyo. 'Yung hirit tungkol sa pormalistang nakababad sa pormalin, nanggaling sa isa sa mga hirit nu'ng may-ari ng blog.
Ayan. Muli, congrats kina Twinkle de los Reyes at Emong de Borja. Rakenrol.
formal equivalence? dynamic equivalence? inum na lang tayo.
Sunday, September 16, 2007
1.
"In getting into the Han-shan poems, however, I found something that I had not suspected. Prior to that I had translated some T'ang poems as part of class work. Something happened to me that I had not experienced before in the effort of translation, and that was that I found myself forgetting the Chinese and going into a deep interior visualization of what the poem was about.... I had just been a four month's season in the high country of the Sierra Nevada, totally out of touch, supplied every two weeks by a packstring that dropped with groceries, and then left alone to work with rocks, picks, dynamite, and a couple of old men who really knew how to do rockwork and an Indian who was a cook. So when I came back, I was still full of that; and when I went into the Han-shan poems, when he talked about a cobbly stream, or he talked about the pine-wind, I wasn't just thinking about 'pine-wind' in Chinese and then 'pine-wind' in English, but I was hearing it, hearing the wind.... (T)he strategy ultimately is this: You know the words... in the original context, so drop them and now remember what it looks like to look at cloudy mountains and see what they look like, in your mind-- go deep into your mind and see what's happening: an interior visualization of the poem, which means of course that you have to draw on your senses, your recollection of your senses. And it certainly helps if you've had some sensory experiences in your life, to have that deep storehouse to pull it out of and re-experience it from, or if you can't re-experience it, go out and look at it again."
-Gary Snyder (comments at a "Chinese Poetry" symposium) from The New Directions Anthology of Classical Chinese Poetry
2.
from Cold Mountain Poems Han Shan
In my first thirty years of life I roamed hundreds and thousands of miles. Walked by rivers through deep green grass Entered cities of boiling red dust. Tried drugs, but couldn't make Immortal; Read books and wrote poems on history. Today I'm back at Cold Mountain: I'll sleep by the creek and purify my ears.
trans. Gary Snyder
3.
Sepulturero Michael M. Coroza
Ayon sa isang pilosopo, wala kang kaibhan sa iyong hinuhukay: kapwa ninyo hindi kilala ang inyong nilululon o ang inyong isinusuka. Marahil totoo
ang kanyang bintang at sadyang hindi ka masasaktan tulad ng lupa na hindi nagdurugo sa pag-aararo ng magsasaka o pagpapasabog ng minero
o pagbubungkal ng ambisyong magtayo ng edipisyo. Ano pa nga ba naman ang dapat mong malaman? Sa dulo ng iyong piko at pala, patas lahat
ang iyong nakikita: lupang nagpuputik sa buhos ng lungkot, maalikabok, nakapamumuwing kung natuyot sa paglimot. Batid mo ang nakatakda:
walang hindi aangkinin ang lupa; magiging isang libingan ang mundo at susuko lahat sa iyong pagpapala; huwag lamang itutulot na mangyari
ang kutob ng matatanda na tulad sa simula, malulusaw ang banal na awa at ang lupa ay magiging isang dambuhalang patak ng luha.
4.
Gravedigger Michael M. Coroza
A philosopher once said, you are not any different from that which you dig: both of you know not whom you swallow or throw up. Perhaps it is true,
what the philosopher claims, and truly you feel no pain like the land that does not bleed when tilled by farmers or when blasted by miners
or when plowed by ambitions to put up edifices. What else, indeed, do you need to know? At the end of pick and shovel, everything is equal,
as you see them: soil caking from torrent of sadness, dust-ridden, blinding us as it dries up from forgetfulness. You know what is fated:
nothing escapes the earth; the world will become a graveyard and all will succumb to your shovel, your blessing. Pray, though, that it does not happen—
the old portent that as it was in the beginning, compassion, sacred, will dissolve, while the land turns into a gigantic teardrop.
trans. Mikael de Lara Co
5.
Lagnat Adam Zagajewski
Pilipinas, parang tuyong lagnat sa labi ng mga lumisan. Pilipinas, mapang naipit sa ilalim ng mga batong tumitimbuwang mula sa tuktok ng mga bundok. Huwag lilimutin ang unang pagtapak sa buhangin, ulan, ang makahiyang nakakuyom sa madaling-araw; ang maaalat na katinig ng bawat sumpa at mura; pag-aralan ang poot, gusgusing kumot ng pagkaligaw; alalahanin ang lahat ng nagdurugtong at bumibiyak. Pilipinas, bayan ng mga taong hindi mailigtas ng kanilang mga ngiti. Maamong usang sinisipat ng mangangaso. Makatang di makatakas sa kanyang pagdurusa. Lupaing walang tinik, kumpisal na walang kasalanan. Kung mapag-iisa ka lamang. Dinggin ang awit ng paganong uwak. Umaagos ang halimuyak mula sa namumukadkad na mga palayan, kayrahas na pangitain.
May bago akong hobby. Sa totoo lang, matagal na akong pumipitik-pitik ng mga proyekto nito, pero lately pinag-aaralan ko na ang teorya sa likod niya at naglulublob na rin ako at seryosong nagsasalin para sa kung sinun-sino.
Isa sa mga malalaking bentahe ng pagiging hybrid ng kultura natin ito-- ang kakayahang magsalin. Alam ko si Sem may pinoproyektong pagsasalin ng mga kontemporanyong tulang Amerikano sa Bikol. Kahapon, binasa ni Yol sa isang salu-salo para kay Ma'am Beni ang salin ni Badong Biglaen ng tulang "Schoolville" ni Billy Collins. Nariyan din ang sikat na salin ni Mark Angeles ng ikadalawampung tula ni Pablo Neruda sa Veinte Poemas de Amor y Una Cancion Desesperada. Marami pang iba.
2.
Pero mas interesado ako sa kabaliktaran-- ang pagsasalin ng mga akdang Filipino sa Ingles. Ilang linggo pa lang ang nakakaraan, nakatsamba akong makabili ng kopya ng Ploughshares kung saan lumitaw ang salin ni Jose Edmundo Ocampo Reyes ng "Pasyong Mahal ni San Jose" ni Pete Lacaba. Naisip ko, bangis di ba?
Kasi, isipin ninyo: kaya lang sumikat (globally) sina Milosz, Szymborska, at Zagajewski e dahil sa mga salin ng tula nila mula sa Polish. (Kailangang pag-usapan sa ibang entry ito-- kung paanong mas parallel ang mga karanasang Silangang-Europeo sa karanasan natin, at dapat naglulublob tayo sa panulaan nila, at hindi maya't maya kung humugot ng estilo mula sa Amerika. Pinag-usapan namin ni Larry ito habang nagyoyosi noong isang araw, pati na ang mga ideya ni Kundera tungkol sa fiction.)
3.
Kung hindi pala kayo pamilyar sa gawa ni Zagajewski, heto ang isang halimbawa:
Fever Adam Zagajewski
Poland like a dry fever on the lips of an émigré. Poland, a map pressed by the steam irons of long-distance trains. Don't forget the taste of the first strawberry, rain, the scent of wet lindens in the evening; heed the metallic sound of curses; take notes on hatred, the sheared coat of alienation; remember what links and what divides. A land of people so innocent that they cannot be saved. A sheep praised by a lion for its right conduct, a poet who always suffers. Land without sting, confession with no mortal sins. Be alone. Listen to the song of an unchristened blackbird. The raw scent of spring is flowing, a cruel sign.
trans. Renata Gorczynski
Tang-ina, di ba?
4.
At ang galing, galing talagang proyektuhin ang pagsasalin, kasi hindi naman kailangang eksakto ang translation. May ibang mga teorya na nagsasabing anumang tangkang pagsasalin e, essentially, isang act of reinvention. Kunwari, ganito. Ang galing niyan, bok. Parang binalot ng tinik ang dibdib ko nang binabasa ko.
Pero siyempre hindi naman puwedeng lahat tayo maging ganyang kawasak. May paraan din ng pagsasalin na naghahabol ng katapatan sa akda. Kani-kaniyang trip din, bok.
5.
Anyway, ayun-- kaya sumikat ang mga non-English-speaking poets e dahil sa translation. E ang daming magaling tumula na exclusively sa Tagalog lang tumutula; gayundin sa iba pang rehiyonal na mga panulaan. So ayan-- inaanyayahan ko ang lahat na magsalin nang magsalin nang magsalin ng mga akdang Filipino-- alinman sa mga rehiyunal na wika-- sa Ingles, tapos ipakalat natin sa kung saan-saan, ipasa natin sa mga journals sa Ingles, at simulan nating sakupin ang mundo.
Hindi mo naman siguro ako masisisi kung matagal tayong hindi nakapag-usap. Marami lang talaga akong inasikaso, maraming ginawa, maraming nangyari; siguro nabalitaan mo na 'yung iba du'n.
Ang totoo, marami na akong dapat ikuwento sa iyo, pero hindi ko lang mahanap ang panahon para magkuwento. O siguro mas pinili kong gumawa ng ilang bagay, pag-isipan ang ibang mga bagay na parang wala naman talagang katuturan, pero hayun, sabi ko sa sarili ko, paminsan-minsan dapat naman pinagbibigyan ko ang sarili kong gawin at isipin 'yun. Bago ang awarding inisip ko kung ano ang isusuot ko, pagkatapos ng awarding, madalis kong silipin ang medalya para tiyaking pangalan ko nga ang nakaukit sa likod nu'n. Walang biro, at mahaba ang paliwanag (siguro para sa ibang usapan na ang kuwento tungkol dito,) pero naniniwala talaga akong tsamba ito. Ilang linggo naman matapos ng awarding, may kabiguan ding dumating, at siyempre nilubluban ko rin 'yun nang kaunti. (Sabi ko sa iyo, tsamba talaga, e.) Kaunti lang, seryoso. Ewan. Siguro sadyang hindi lang ako malungkuting tao.
2.
Ang tagal na rin pala nating magkakilala, 'no? Alam mo, isa ka sa mga una kong kinuwentuhan noong napaaway kami sa Select. Naaalala mo pa 'yun?
Setyembre 'yun ng nakaraang taon. Sabi pa namin dati, babawi kami; kapag lumipas ang anim na buwan at galit pa rin kami, gagawa kami ng paraan para makabawi. Alam namin ang plaka ng auto nila. Hahanapin namin sila at durukutin ang mga mata at babasagin ang mga tuhod.
Setyembre na ulit. Hindi ko alam kung duwag kami, o sadyang mapagpatawad lang.
3.
Salamat pala sa pagbati. Ang totoo matagal din akong hindi nakasulat-- sabi ko nga, medyo marami ring ibang inisip at inasikaso. Pero kagabi, sa wakas, nakapagsalita akong muli. Mamaya, ipababasa ko sa iyo, pero sa atin lang muna, a. Nahihiya rin kasi akong magpabasa sa hindi kaibigan.
May mga gusto talaga akong ikuwento sa iyo, pero hindi yata ito ang tamang lugar para du'n. Sana sumapat na ang tula, at ma-gets mo na rin. 'Yung nasulat kong 'yun, ang totoo, dala na rin siguro nu'ng bahagyang kalungkutang nabanggit ko kanina.
4.
At ng bahagya ring kasiyahan: kagabi, habang nagchecheck ng email, nakarinig ako ng mahinang "ngew! ngew!" sa may paanan ko. Hininaan ko ang speakers at nakita: nanganak na pala si Egay, at dito niya ipinuwesto sa likod ng subwoofers ang mga kuting niya. Tatlo, lahat kamukha niya. Si Kitchie ang ama.
Naaalala ko pa dati: si Egay, uwi ni Ate dati mula sa isa sa mga pasyente niyang sa La Vista nakatira. Si Kitchie naman, napulot ko lang dito sa kalsada. Pang-telenovela ang buhay nilang dalawa, di ba? Heto pala ang litrato nila noong bata pa sila; pasensiya na, phone cam lang ang pinangkuha diyan.
Hindi ko makuhanan ng litrato ang mga kuting dahil nasa madilim sila, at nagagalit si Egay kapag ginalaw ko ang mga anak niya.
Mahaba-haba ring ligawan ang nangyari sa kanila ni Kitchie. Noong una, tangkang-gahasa pa ang ginagawa ni Kitchie. Siguro may isang gabing taglibog rin itong si Egay. Pumatol. Kaya ayan, ngayon, may anak na sila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin sa mga bata-- mahirap ring maglinis ng tae ng pusa, sa totoo lang. Siguro isang araw ipakakapon ko si Kitchie, o sisingitan ng contraceptive pills ang pagkain ni Egay. Sa ngayon, okey muna sigurong sabihing ang kyut, kyut, kyuuuut ng mga kuting nila.
5.
Ay, yung tula ko pala:
Liriko: Isang Pagpapakilala
Marahil ipinagtataka mo kung ano ang ginagawa natin dito. Hindi ko rin nasisiguro kung paanong nangyaring
ganito: Kausap kita, ngunit walang paraan upang makatugon ka. Pagtutuos sigurong maituturing ito. O pagtatapat,
itim na sugat sa papel na maghihilom lamang kung bubulong ka nang gamit ang aking tinig.
Hayaan mo akong magpakilala sa iyo: kapangalan ko ang pinakamatalik mong kaibigan, at kung minsan, ang pinakamarahas
na halimaw ng iyong pagkabata. Kung minsan, ikaw. Hilig kong pag-usapan ang kamatayan
at kasalanan, at kung tatanungin mo ako ukol sa pananalig, titingin ako sa malayo at hihinga nang malalim at sasabihing “Oo.”
O kung minsan, “Hindi,” depende marahil sa hihip ng hangin o sa kulay ng nagdaang takipsilim.
Paborito kong kulay ang abo, sapagkat minsan nanaginip akong naglulunoy sa isang ilog ng tuyong dahon
at may isang batong kumausap sa akin, naninimdim sa pagkakabilad sa init ng araw. Mahilig rin ako sa pusa, at sa ahas, lalo na
iyong mga kahuhunos lamang. Paminsan-minsan kung may dadapong bato -bato o maya sa kalawanging bubungan
ng aking kapitbahay, iniisip ko na lamang na uwak ito at sa wakas ay nakamtan ko na ang pinakamasidhi kong pangarap. Oo, hindi
pa kailanman ako nakakikita ng uwak. Sa isang nakaraang buhay maaaring bulag na pulubi ako,
nakahandusay sa harap ng simbahan, sa isa, maaaring usa o salagubang, maaaring insektong isinilang
at yumaong nakaipit sa pakpak ng isang tagak. Paminsan-minsan ay kaya ko rin namang magsalita
sa isang paraang mauunawaan mo, ngunit sa kasong ito, mas mahalagang magpakilala ako sa iyo:
Aaminin ko, hindi ko pa rin kayang pangahasang gamitin ang pangalang Makata. Huwag mo sanang mamasamain,
ngunit matagal na akong sumuko sa kapalarang kailanman ay hindi ko maririnig ang iyong tinig. Huwag mong mamasamain,
ngunit kung minsan, nagsusulat din ako para sa akin.
.
Ang totoo niyan, nakararami na rin ako mula nang magsimula uli akong lumublob magsulat, noong Mayo. Pero hindi ko lang inilalagay ang lahat dito. Sabi kasi ng iba, ang paglalagay ng tula sa blog ay parang pagsasalsal: kapag masyadong madalas mong ginawa, mamamaltos ang balat ng titi mo at kakaunti nang kakaunti ang ilalabas mo at balang araw, matapos kang mamatay, pupunta ka sa hell.
6.
Ikaw, kumusta ka? Magkuwento ka naman. Aabangan ko ang tugon mo.
.
.
UPDATE: Kailangan kong manghingi ng paumanhin sa mga tau-tao, lalo na sa mga nagcomment dito at sa kaibigang kumausap sa akin tungkol sa pagka... paano ba?... pagkainsensitive ng hirit ko tungkol sa pagpost ng tula sa blog at pagsasalsal.
May nagsabi rin kasi sa akin niyan, at siyempre, semi-naoffend din ako. Kung papansinin, puno rin naman ng sariling mga tula ko ang blog na ito. At 'yung mga ganitong uri ng hirit-- tama nga-- ay walang naitutulong sa pagyabong ng panulaang Filipino. Kapag pinigilan at/o minarginalize ang mga nagpopost ng tula sa blog, nacucurtail ang kalayaan na sana nga'y ibinibigay sa atin nitong blogging. At, mas malala, nasusupress ang creative output ng mga tao. Napipigilan ang pagdami ng mga makata, at bumababaw at lumiliit ang sakop nitong plurality na tinatawag nating Tula. 'Yun ang tunay na masama.
Higit pa rito, magandang may venue para i-subvert ang tumatakbong makinarya ng akademya ukol sa pagtula. To push the boundaries, sabi nga. At mag-revel sa play at differance (wow pare hebigats!). Itong mga blog na ang venue para du'n. Ayun. Sa mga kadahilanang 'yun, nanghihingi ako ng paumanhin.
Tula lang nang tula, at siyempre, kapag handa ka nang ipakita sa madla, post lang nang post. Sa mga nagsasabing pagsasalsal ito, sagutin na lang natin ng, Tangina ano ba ang masama sa pagsasalsal? O sa pagpipingger, kung babae ka?