May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
spot mo 'ko ng isang beer. sige na.
Monday, November 28, 2005
1.
Kagabi, pinanood ko, muli, sa Million Dollar Movies, 'yung Serendipity. Pinilit ko mang pigilin, kinilig pa rin ako. Tapos, nalungkot; tapos nabagabag, tinubuan ng tinik sa dibdib. Putangina, putangina talaga. Kailan akong tumigil maniwala sa ganito? Kailan akong tumigil maniwala sa kahit ano?
2.
May nabasa ako dati; ang sabi, habang nagiging mas complex ang istruktura ng isang bagay/nilalang, tumataas din ang nibel ng kamalayan nito. Pero, sabi rin doon, ang lahat ng bagay/nilalang, gaano man kasimple ang pagkakalalang, ay kumikilos sa loob ng sarili nitong lohika. Ang bato, hindi gumagalaw; tengga lang sa pagkabato niya, at iyon na iyon. Ang langgam, may sarili ring buhay, may sariling pagkalanggam-- at hindi niya kayang lampasan ang mga limitasyong inihahain ng pagkalanggam niya.
Halimbawa: kung may langgam na naglalakad sa ibabaw ng isang pirasong papel tungo sa mumo ng tinapay sa mesa, at inilipat ko ang papel sa ibabaw ng TV, di ito mapapansin ng langgam. Dire-diretso lang siya sa paglalakad hanggang sa mamulat siya sa katotohanang wala na roon ang tinapay na inaasahan. Tapos, maghahanap na lang siya ng bagong mumo. Isa pang halimbawa: kapag kinausap ko ang langgam, hindi niya ako maiintindihan.
Wala siyang kakayahang magtanong kung ano ang nangyari. Tuluy-tuloy lang siya sa pagkalanggam niya nang hindi man lang niya nababatid na ginawa ko na siyang tanga.
3.
Kanina, habang paakyat sa hagdan ng Recto Station ng LRT-2, may nakita akong tatlong mamang may hawak na mahabang, mahabang walis. Sinusubok nilang tanggalin ang tatlong lobo (dalawang puti, isang luntian,) na nakasabit sa kableng nagpapatakbo ng tren. Sinusubok kong maghanap ng matulain sa eksenang iyon, sinusubok kong maghanap ng dalumat. Siguradong may dalumat, 'ka ko. Pero walang dumating kundi mga tanong:
Papaanong nakarating ang mga lobong iyon doon; sinong bata ang napaligaya ng mga iyon? Bakit sila pinakawalan? At saang lupalop sila lalapag kapag, matapos nilang maglaho sa malawak na bughaw, ay kailangan na nila muling sumuko sa grabedad?
Nangyayari ang nangyayari; iyon na ang mismong paliwanag. Umusad ang tren, tumigil sa harap ko, at nakita ko ang pawisan kong sariling sinalamin ng pawisan niyang pinto. Kailangan kong matutong tumanggap. Kailangang hindi sumuko sa pagdilat. Kailangan kong sumakay, kundi maiiwan ako.
4.
Papaanong nabubuo ang bundok, ang dalampasigan, sa kahabaan ng panahon? Gusto kong maniwalang may lohika ang landas na binabagtas ng isang patak ng ambon sa bintana ko. Ngunit isa na naman iyong dilema: kay hirap maniwala sa mga bagay na di naman kayang ipaliwanag. At bakit may dumaang bulalakaw ngayon mismo, sa mismong pitak ng langit na tinitingalaan ko?
Habang tayo'y sumusukat ng panahon sa paglipas ng iglap, milyung-taon naman ang iskalang kinikilusan ng uniberso. Itong lahat ng natatanaw ko, kahit pa ba idagdag sa lahat ng natatanaw ng lahat ng nakatatanaw, barya lang sa kabuoan ng kalawakan. May sarili kayang kamalayan ang sansinukob, sariling wika, na hindi lang natin maarok?
5.
Ang ibig kong sabihin: Ako kaya, tayo-- kinakausap kaya tayo ng kosmos, at hindi lang natin maintindihan? Ginagawa rin kaya niya tayong tanga, paminsan-minsan, kahit hindi sadya?
6.
Tugon ng isang kaibigan sa tanong sa #1:
"bakit ka nangungulila? malay mo, merong nagbabasa o nanonood ng kuwento mo at kinikilig. :) but i know what you mean, somewhat. there comes a point where it ceases to thrill and all it does is hurt and ache."
Tugon ng isa pang kaibigan:
"hindi talaga kailan ang tanong mo. bakit. pero naniniwala ka sa pagkakaibigan, sa paggawa ng sariling naratibo, sa pag-asa. some days, those are enough."
Paminsan-minsan talaga, nabibighani pa rin ako sa mga pagkakataong nakakayang sumapat ng salita. May halaga pa rin naman iyon, di ba?
Galit sa turista ang Maynila. O, siguro, sadyang hindi lang siya malambing sa mga hindi siya kilala, sa mga hindi niya kilala. Di tulad ng ibang lungsod, hindi siya mapang-imbita sa mga dumaraan lang, hindi siya nagsasabing, Halika, dito ka muna. Sandali pa, sandali na lamang. Hindi uubra sa Maynila ang maselan ang ilong, ang balat, ang walang rungis ang kuko. Hindi uubra ang madaling magsugat. Maraming mga kalawanging yerong nakausli sa bangketa, at matalas ang alikabok ng Maynila.
Ang ibig kong sabihin, kailangang tagarito ka para mahalin mo ang Maynila. Siya 'yung tipo ng lungsod na hindi gagawa ng paraan para mapalapit sa iyo: para ba niyang sinasabing: Heto ako, ganito. Bahala ka kung paano ka maglalakad sa mga iskinita ko.
Paano nga ba? Dapat palagi kang may barya sa bulsa, para may iaabot ka sakaling manghingi ng bayad ang mga suwail, marungis, gutom niyang anak. Dapat palaging may nakalambitin na sigarilyo sa mga labi mo. Dapat may angas ka para hindi ka na pagtangkaan pang sindakin ng mga anino ng lungsod ko.
Saka ka lamang magkakaroon ng tapang at karapatang hanapin ang kagandahang ikinukubli ng dumi. Heto, sasabihin ko: Wala sa Malate o sa Roxas, sa Carriedo, wala sa Intramuros.
Para makita ang kagandahan, kailangang abutin ka ng madaling-araw sa Avenida, kailangan mong makita kung paanong itinitiklop ng mga pulubi ang gusgusing kartong hinigaan nila kinagabihan sa bangketa. Matapos noon, kailangan mong tiisin ang pagkislot ng mga mata mo. Kailangan mo ring maramdaman ang paglubog ng araw sa Pier-- maramdaman lang, kahit nakapikit ka, kung paanong pati ang puso mo ay nagiging kulay-tsaa, unti-unti, nang para bang humahaba nang humahaba ang iglap na matatapos din naman-- habang dire-diretso lang sa pagtatrabaho ang mga kargador. Kailangan mong marinig ang huni ng tren sa kanto ng Antipolo at Misericordia, eksaktong menos kinse sa alas seis, araw-araw, walang sablay. Kailangan tumanggi kang tawaging Arsenio Lacson ang Forbes, Gil Mendoza ang Andalucia, Tomas Mapua ang Misericordia. Kailangan mong tumanggap ng sukling beinte-singko sa tuwing bibili ka ng Marlboro sa harap ng San Roque o Espiritu Santo. Kailangang mahilig kang magsabi ng salamat.
Kailangan mong tingnan ang agiw at alabok na namuo sa mga sulok ng mga lumang gusali ng Recto at Abad Santos at Dapitan, kailangan mong marinig ang bulong nilang, Nandito pa kami, hindi pa gumuguho, matibay pa rin. Kailangang marunong kang tumanggap. Kailangang may gabing tumutubo at lumalawak sa dibdib mo sa tuwing malalayo ka; kailangang maramdaman mo iyon, iyon, para may umaga ka namang aasahan sa bawat mong pag-uwi.
When I think of heaven Deliver me in a black-winged bird I think of flying down into a sea of pens and feathers And all other instruments of faith and sex and God in the belly of a black-winged bird. Don’t try to feed me I’ve been here before and I deserve a little more
I belong in the service of the queen I belong anywhere but in between She’s been crying, I’ve been thinking And I am the rain king
And I said mama, mama, mama, why am I so alone? I can’t go outside I’m scared I might not make it home I’m alive, I’m alive but I’m sinking in If there’s anyone at home at your place, darling Why don’t you invite me in? Don’t try to bleed me Cause I’ve been there before and I deserve a little more
I belong in the service of the queen I belong anywhere but in between She’s been lying, I’ve been sinking And I am the rain king
Hey, I only want the same as anyone Henderson is waiting for the sun Oh, it seems night endlessly begins and ends After all the dreaming I come home again...
When I think of heaven Deliver me in a black-winged bird I think of dying Lay me down in a field of flame and heather Render up my body into the burning heart of God in the belly of a black-winged bird Don’t try to change me Cause I’ve been here before and I deserve a little more
I belong in the service of the queen I belong anywhere but in between She’s been dying, I’ve been drinking And I am the rain king
***
Hindi pa ako uuwi, bibili lang ako ng kornik, para may pulutanin tayo.
O, patak-patak na rin para sa yosi.
***
Sabi ni Federico Garcia Lorca sa Cante Jodo (Deep Song):
"The duende is a momentary burst of inspiration, the blush of all that is truly alive, all that the performer is creating at a certain moment. The duende resembles what Goethe calls the "demoniacal." It manifests itself principally among musicians and poets of the spoken word, rather than among painters and architects, for it needs the trembling of the moment and then a long silence."
***
Habang naggogrocery sa Shopwise kasama sina Leo, may dalawang babae kaming nadaanan. Sabi nila, "Sir, free taste po ng Bailey's. Sir, libre siya, okey, masarap."
Sabi ko, "Okey 'yan, a. Tamang-tama, birthday mo, mehn."
Sabi ni Leo, "Sandali. Bili muna tayo ng V-Cut. Para may pulutan tayo."
***
Hindi angkop, pero:
Sister Luck Black Crowes
Worried sick my eyes are hurting To rest my head I’d take a life Outside the girls are dancing ’cause when you’re down it just don’t seem right
Feeling second fiddle to a dead man Up to my neck with your disregard Like a beat dog that’s walking on the broadway No one wants to hear you when you’re down
Sister luck is screaming out Somebody else’s name Sister luck is screaming out Somebody else’s name
A flip of a coin Might make a head turn No surprise, who sleeps Held my hand over a candle Flame burnin’ but I never weep
Sister luck is screaming out Somebody else’s name Sister luck is screaming out Somebody else’s name
What a shame
***
Pag-ibig ba 'ka mo? 'Eto, p're, makinig ka nang mabuti:
Huwag kang papasok sa mga ganyan nang inaasahan mong may kapalit ang pag-ibig na inilalaan mo. At kung may iniaalay naman sa iyong kahit ano, huwag mong isiping umaasa ang nag-aalay na may kapalit ito. Hindi 'yan Math o Economics o Accounting. Huwag mong daanin sa kuwentahan, sa bilangan.
Basta't ibigay mo ang kaya mong ibigay. Pagkatapos nu'n, subukin mo pang magbigay nang kaunti. At kaunti pa, at kaunti pa. At kapag nabigo ka rito, okey lang 'yun, huwag mong sisihin ang sarili mo. Tawagan mo ako, tapos inuman tayo.
***
'Eto, mas ukol:
Thorn In My Pride Black Crowes pa rin
Wake me when the day breaks Show me how the sun shines Tell me about your heartaches Who could be so unkind? Do you dream to touch me? And smile down deep inside Or could you just kill me? It’s hard to make up your mind, sometimes.
My angels, my devils, my thorn in my pride.
Are you wanting inspiration You spill your secrets on me Then you tell me with a whisper Of things that will never be. Do you hear me breathing? Does it make you want to scream? Did you ever like a bad dream? Sometimes life is obscene.
My angels, my devils, my thorn in my pride.
Lover cover me with your sleep Let your love light shine Lover cover me with a good dream Let your love light shine
***
May itatanong siya at titingin ka sa malayo, at iyon na ang sagot.
At tatango siya, kahit hindi niya nakita ang iyong pagpikit.
***
Better Patrick Rosal
What’s ruined you shouldn’t see right away It should take all the mornings you’ve ever spent bawling over something small long before you even know true grief It should take the first moment you watch your mother place her lips on the open mouth of your father dropped on your corridor floor until she breathes him back to life It should take that whole night and the next eleven hundred to follow when you’ve earned the patience of thieves your own teeth already begun to rot from your gums the ache in your ankles your knees your hip It should take some terrible song and the rum-sweet sway of a woman’s body you hold against yours
Brothers on nights like this we dance because we don’t know any better Thank God we don’t or else we all might live forever sitting down
Si Max, ang bago naming kuting, e isang pusang-kalyeng pinagmalasakitan ng ate ko ilang linggo na ang nakakaraan. Nang pulutin ni Taba si Max, pilay ang kaliwang braso nito at kulay-kalawang ang balahibo. Pinaliguan siya ng kapatid ko sa maligamgam na tubig at ithinerapy araw-araw. Ngayon, pag nangungulit si Max, hindi ko mapigil na ikumpara siya sa isang tennis ball na pinatungan ng bayabas. Hindi siya kulay green. Malaki lang kasi ang tiyan niya.
Gaya ni Ralpg, 'yung huling pusa namin na naglayas sa di-matukoy na kadahilanan, mahilig ding sumiksik si Max sa kilikili o singit ko para matulog. Kaya nga hindi maiwasang magising din siya sa tuwing babangon ako para umihi, manigarilyo, o maggupit ng kuko pag madaling-araw. Sa tuwing nangyayaring nabubulabog ko siya e mas gusto niyang umistambay sa hagdan at panoorin ako, sa halip na ituloy na lang ang pagtulog sa binakante kong higaan.
Minsan, habang nakaistambay sa hagdan, may dambuhalang dagang dumaan sa tabi niya, kumakaripas papuntang labahan. Hinabol niya iyon ng kalahating dipa bago siya biglang natauhan. Bumalik siya sa hagdan, tumingin sa akin, at sinabing: Ngiyaw (Sori.) Ngiyaw (Tangina, ang laki nu'n, e.) Ngiyaw (Baka gulpihin lang ako.) Sinagot ko siya: (Ngiyaw,) Napagod ka lang. (Ngiyaw,) Kailangan mo nang magpapayat. (Ngiyaw,) At kanino ka natutong magmura, ha?
***
Powtangina medyo kinakabahan ako. Sana hindi pumiyok. Mamaya na ang launch ng Gapos EP: Bawal Isilang Dito. Muli, alas-otso, sa Purple Haze, sa Marikina. Kita-kita du'n.
Mayroon ka bang DVDs nu'ng Season 4 ng 24? Mga dalawang linggo na'ng nakalipas mula nu'ng upuan ko 'yung Season 3. Ewan ko kung bakit ngayon lang ako nangangating makita ang kasunod. Tangina, idol ko si Jack Bauer. Pahiram naman.
***
Magpopost lang talaga ako para ipaalala ang launch ng Gapos EP: Bawal Isilang Dito. Sana makarating ka ng alas-otso. Hindi ko pakana 'to, pero may 100 na entrans, consumable 'yun. Para lang masaya ang inuman. Tapwe lang ang CD. Sa salitang kalye (intsik nga yata 'yun,) 50 ang ibig sabihin ng tapwe.
***
Ang sarap lang sabihin, 'no? Eputanginakapalatalaga, e. Parang, Tanginamo, world! Kahit hindi ka galit, nakakalamig ng ulo.
***
Sa Biyernes, aalis na si Jedd papuntang New York. Hindi na yata babalik. Tapos, sa Sabado, ikakasal na si Tomas. Hindi ko alam kung kanino; hindi ko alam kung bakit ganitong ka-short notice. Matagal ko nang iniisip 'to, e: unti-unti na akong napapag-iwanan ng mga tropa ko nu'ng hayskul. O siguro, hindi naman ako naiiwan-- sadyang nagsasangandaan na ang mga buhay namin.
Dati, ang simple lang. Basketbol. Hiraman ng porno. Ngayon... ngayon, ewan.
Inom tayo.
***
Mag-apply kaya ako sa NICA? Idol ko si Jack Bauer, e.
May kaibigan akong nagtuturo ng logic sa FEU. Medyo malayo ang Logic sa Electronics and Communications Engineering, na siyang natapos niya. Pero okey lang, kasi kaya naman niyang ituro 'yun.
Sa FEU, unang kinukuha ng mga estudyante ang Philosophy of Man kaysa logic. Huwag mo akong tanungin kung bakit, dahil hindi ko rin alam. Noong unang araw ng klase, tinanong ng tropa ko sa mga estudyante niya: "O, ano naman ang natutunan ninyo last sem sa Philo of Man ninyo?"
Ang sabi ng isa: "Sir, natutunan namin na likas na masama ang tao."
Tinanong ng tropa ko kung sino sa kanila ang naniniwala du'n.
Lahat, nagtaas ng kamay.
2.
Noong undas, nagpunta kami ng kuya ko sa sementeryo. Alas nuwebe na ng gabi noon, at para kaming naglalakad sa ghost town nu'ng papunta sa maliit na pitak ng lupang dadalawin namin. Wala nang katao-tao.
Tinanong ako ng utol ko: "Napansin mo ba-- noong bata tayo, parang ang layu-layo ng nilalakad natin papunta kina Lolo Lai Ah? Tapos habang tumatanda tayo, parang lumalapit na?"
Lumalaki naman kasi tayo.
"Oo nga. Pero mas halata ang pagtanda natin, ano, kung minsan sa isang taon lang natin pinapansin?"
Ngayon, Nobyembre 14, birthday ni Kuya. Sa kabila ng lahat, lahat ng kagaguhan at tampuhan namin, paminsan-minsan-- gusto ko siyang batiin dito, kahit hindi niya binabasa.
3.
Tapos, pauwi galing sa sementeryo, dumaan kami sa San Roque.
Mayroong simbahan ng San Roque sa kanto ng Kalye Cavite at Avenida Rizal. Hindi kami doon pumunta. Pumunta kami sa katabi nitong San Roque Grocery, para bumili ng extrang kandila. Nasa San Leonardo ang puntod ni Inang, sa Nueva Ecija. Nang makarating sa bahay, kinuha namin ang luma niyang litrato, at nagsindi ng kung-ilang kandila sa harap nito.
"Napansin mo bang parang ang lungkot ni Inang sa litratong 'to?"
Napansin mo bang bihira ang pagkakataong ngumingiti ang tao kapag walang nakatingin?
Bumili rin nga pala kami ni kuya ng long neck na Ginebra Blue at Tang. Sa kahabaan ng gabing iyon, madalas rin kaming napangiti. Kahit walang nakatingin.
4.
Nang nasa bahay na kami, nakita ko si Erpats, nakaupo sa bangketa, nagsisindi ng mga kandila. Labing-apat, nang bilangin ko. Sabi ko, ang dami naman niyan.
Tapos tumayo siya at inakbayan ako, at itinuro isa-isa ang mga kandila:
"Ito, kay Tiyo Atit, kay Pareng Reli, kay Auntie Ludy..." mga kaibigan at kamag-anak na hindi na niya nadalaw.
Inisip ko isa-isa 'yung mga kaibigan na hindi ko nadalaw. Mabuti naman at wala pa-- o baka hindi ko lang talaga maalala.
Ginusto ko ring magsindi ng kahit isang kandila, para sa lahat ng kaluluwa sa purgatoryo. Kaya lang wala na akong pambili.
5.
Kagabi, habang pinapanood ko ang Golden State at Phoenix sa TV, biglang napahiyaw ang nanay ko.
Bumili raw siya noong hapon ng papaya, para sa tinola. Ipinatong raw niya 'yung envelope sa isa sa mga bilao habang nagbibilang siya ng pambayad. Ang laman nu'ng envelope: mga importanteng papeles, 'yung tungkol du'n sa susunod sa collective bargaining agreement ng unyon, at saka pera. Medyo malaki 'yung halaga. Tangina, 'ka ko, tara.
Sinamahan ko siya pabalik sa palengke, at habang naglalakad e nag-iinit na rin ang ulo ko. Pag ganoong kahalaga, 'ka ko, huwag mong ilalayo sa katawan mo. O kaya iwan mo na lang sa opisina. Nantokwa, alam mo naman dito sa lugar natin...
Tapos, malayo pa, nang makita siya nu'ng tindera ng papaya, ang sabi, "Naku, ma'am, kanina pa nga namin kayo inaabangan. Buti na lang po at dito ninyo sa amin naiwan." Abot ang pasasalamat ni Ermats. Mamaya raw e daraan siya sa Goldilocks para ibili ng kung-ano man 'yung tindera.
Lumingon ako nang naglalakad na kami ni Ermats papalayo. Nakangiti ang tindera, kahit hindi naman niya alam na nakatingin ako.
***
Extended nga pala ang deadline nu'ng Anthology ni Ken Ishikawa at Doc Cirilo. Itinulak sa Novemeber 30. Habol ka pa.
We smile at each other and I lean back against the wicker couch. How does it feel to be dead? I say. You touch my knees with your blue fingers. And when you open your mouth, a ball of yellow light falls to the floor and burns a hole through it. Don't tell me, I say. I don't want to hear. Did you ever, you start, wear a certain kind of dress and just by accident, so inconsequential you barely notice it, your fingers graze that dress and you hear the sound of a knife cutting paper, you see it too and you realize how that image is simply the extension of another image, that your own life is a chain of words that one day will snap. Words, you say, young girls in a circle, holding hands, and beginning to rise heavenward in their confirmation dresses, like white helium balloons, the wreathes of flowers on their heads spinning, and above all that, that's where I'm floating, and that's what it's like only ten times clearer, ten times more horrible. Could anyone alive survive it?
"Hindi dugo ang tutubos sa kahirapan kundi pag-ibig na puspos." - Cirilo F. Bautista, mula sa Panangis ng Huling Tao sa Daigdig
Ngunit may silbi pa ba ang pag-ibig na hindi tinubog sa dugo? Dakilang makata, dito ko sa loob ng simbahan binabasa ang iyong tula, habang naaagnas ang lungsod at ang Diyos ay nasa langit lamang. Matagal na akong nagsawa sa paniniwalang kumikirot din ang Kanyang dambuhalang dibdib sa tuwing may batang inaangkin ng lansangan, sa bawat dalanging binibitbit ng alangaang, sa bawat tulang humahamon sa Kanyang kadakilaan. Ngunit ano ang lugar kong magmaktol gayong ang pasan nating tungkulin ay singbigat lamang ng kalawanging pakong nakaturok sa Kanyang mga palad? Dakilang makata, kailangang may magsabi sa Kanyang kailangan na Niya muling bumaba, ngunit may kutob akong hindi rin Siya nagbabasa ng tula. Gusto ko sanang kumatha ng panalangin ngunit naghahanap pa rin ako ng hiling na kayang buhatin ng hangin. Kung hiwain ko itong aking palad— may mabago pa kaya ang sangsang ng dugong papatak sa naghihingalong salita? Saan pupulot ng tinik na isisilid sa mga titik gayong ang tangi kong alam na pag-aaklas ay ang laban sa pananahimik? Gayong hawak mo na ngayon ang tangi kong paraan ng pananalig?
***
Galing kina Naya at Jeline: ang aking imagined literary family:
Father: Stephen Dunn o Pablo Neruda Mother: Mary Oliver Grandfather: Jorge Luis Borges o Graham Greene Grandmother: Wislawa Szymborska Brothers: Chuck Palahniuk, Dave Eggers, at Kurt Vonnegut. Tangina masaya ang inuman nito. Sisters: Anna Akhmatova Cousins: Neil Gaiman, T.C. Boyle, Anne Sexton Aunts and Uncles: Robert Hass, Ted Hughes, Yusef Komunyakaa, Ai, Sharon Olds.
GINAPOS NG KASAYSAYAN ang kamalayan ng ating bayan: itinali nang patiwarik sa puno ng bayabas at ipinadildil sa mga hantik sa loob ng mahigit apat na siglo.
Tinatangka ng GAPOS na ipasariwa sa mga tagapakinig ang masalimuot na karanasan ng mga mamamayan ng abang Pilipinas sa pamamagitan ng mga talinhaga't kabalintunaang sinabayan ng nakababaliw na timpla ng progressive rock, jazz, samba at samu't saring uri pa ng musika. Sa pamamagitan ng mga awit, sinusubok ipadama ng apat na musikerong ito ang iba-ibang pinagmulan ng pighati ng mga nakakasalamuha nila sa pang-araw-araw.
Sa ilalim ng dating ngalang AWARE, anim na taon ang iginugol ng mga musikerong ito sa paghubog ng kanilang sining at karanasan. Matapos ang anim na taon at lumipas ang ilang kasapi, binigyan ng mga musikero ng bagong buhay ang kanilang grupo bilang GAPOS.
Ang GAPOS ngayon ay binubuo nina Mikael Co (boses) , Kapi Capistrano (gitara), Perp Puertullano (baho) at Osh Gonzales (tambol) . Ngayon, lima sa arsenal nila ng mga awit ang inihahandog sa publiko sa isang Extended Play na CD: BAWAL ISILANG DITO. Sa CD na ito, makikita ang mga simpleng suliranin ng karaniwang manggagawa bilang mikrokosmo ng lipunan sa single na "Bawal Isilang Dito"; ang maindak na pagsuri sa mga pinuno ng bansa sa " Status Quo "; ang makulit na pambabalahura sa mga institusyon sa "Samba Tutungo?"; ang balagtasang metal na "Globalization"; at ang paghalaw at pagsasamusika nila sa isang klasiko ni Ka Amado V. Hernandez sa "Langaw sa Isang Basong Gatas".
Ilulunsad ng GAPOS ang kanilang CD sa ika-18 ng Nobyembre bandang ikawalo ng gabi sa Purple Haze Bar and Cafe sa J.P. Rizal St. (Unang kanan sa may ibaba ng tulay magmula sa Riverbanks, sa kanto ng 7-Eleven,) Concepcion, Marikina . Inaanyayahan kayong manood sa kanila at bumili ng kanilang CD sa halagang P50 lamang (Barya lang po 'pag maaga). Kasama nilang tutugtog ang mga kabatak na banda tulad ng maparikalang Los Chupacabras , ang kagimbal-gimbal na Balete Drive, ang sawing Marf Creature, at ang industriyal na Saiphra. Ka-jam din nila sa gabing iyon ang Kilometer64, mga kabataang makatang pudpod ang mga paa sa pagbagtas sa mga kalsada tungo sa paglaya.
Para sa karagdagang impormasyon, paki-text lamang si Mic (ang manager ng banda) sa 09178253697.
***
May gig din nga pala ang Los Chupacabras sa Mayrics sa November 12, Sabado. Sa tapat 'yun ng UST, malapit sa Shakey's. May entrans na 100, may kasamang beer. May kasama ring ibang banda na ayuz ang bagsakan.
At mayroon ulit sa 26, sa Purple Haze naman ulit. 'Yun libre.
***
Sa mga masugid na patron ng Purple Haze: Ayokong maging tsismoso, pero: nasisante si JP, 'yung kalbong head waiter. Hindi raw pumasok nu'ng undas, hindi nagpasabi-- e siya lang ang may hawak ng susi nu'ng bar. Wasak siya king Sir Dax.
Tangina, parang panay press release na lang ang laman nitong blahg ko, a.