May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
outside the words themselves
Friday, April 13, 2007
1.
“Though the poet may trust to inspiration, it is extremely difficult to choose words correctly. If he manages to use words with a fresh skill and to achieve some effect that no one has ever achieved, then he may consider that he has done well. He must be able to paint some scene that is difficult to depict, in such a way that it seems to be right before the eyes of the reader and has an endless significance that exists outside the words themselves.”
- Mei Yao-Ch’en
2.
from Burial Songs T'ao Ch'ien
Boundless-- in the boundless, weed-ridden wastes, white poplars moan in the wind.
In bitter ninth-month frost, come to this distant place-- it's farewell. All four directions
empty, not a house in sight, looming gravemounds peak and summit. Wind
moaning to itself in the branches here, horses rear up, crying out toward heaven.
Once this dark house is all closed up, day won't dawn again in a thousand years.
Day won't dawn again in a thousand years, and what can all our wisdom do about it?
Those who were just here saying farewell return to their separate homes. And though
my family may still grieve, the others must be singing again by now. Once you're
dead and gone, what then? Trust yourself to the mountainside. It will take you in.
translated by David Hinton
3.
"He was a wine-lover by nature, but he couldn't afford it very often. Everyone knew this, so when they had wine, they'd call him over. And when he drank, it was always bottoms-up. He'd be drunk in no time; then he'd go back home, alone and with no regrets over where things are going.
"In the loneliness of his meager wall, there was little shelter from wind and sun. His short coat was patched and sewn. And made from gourd and split bamboo, his cup and bowl were often empty. But he kept writing poems to amuse himself, and they show something of who he was. He went on like this, forgetting all gain and loss, until he came naturally to his end.
"... Ch'ien Lou said: 'Don't make yourself miserable agonizing over impoverished obscurity, and don't wear yourself out scrambling for money and honor.' Doesn't that describe this man perfectly? He'd just get merrily drunk and write poems to cheer himself up. He must have lived in the most enlightened and ancient of times."
- from the autobiography of T'ao Chi'en (translated by David Hinton)
4.
"Oh, Mr. Rosewater--" she sobbed, and she sagged against the bus, "you're my only friend."
"You can make more, surely," Eliot suggested hopefully.
"Oh God!" she cried.
"You could join some church group, perhaps."
"You're my church group! You're my everything! You're my government. You're my husband. You're my friends."
These claims maid Eliot uncomfortable. "You're very nice to say so. Good luck to you. I really have to be going now." He waved. "Good-bye."
- Kurt Vonnegut, from "God bless you, Mr. Rosewater"
Rest in Peace
5.
Tulang Tugon sa Mensahe ng Isang Kaibigang Makata
Matagal na kaming hindi nagkikita ng makatang si Mitch. Malungkot din kaya ang huni ng mga kuliglig sa bayan ng San Pablo? Hindi ko mailarawan ang kagandahan ng mga ilog sa San Pablo sapagkat hindi pa ako nakararating doon. Kanina, nabasa ko ang kaniyang mensahe: “Masigasig ang kalikasan sa iyong mga tula ngayon, kaibigan.” Hinaharaya ko siyang nakangiti, kamay-sa-tiyan, habang sinasabi ito. Sa labas ng aking bintana, umuugong ang mga sasakyang tumatahak sa Kalsadang Nakasilong sa Dambuhalang Riles. Naglalako ng sampaguita at ilang-ilang ang mga paslit sa paanan ng Labingwalong Istasyon ng Tren. May mabibili kaya ang isang pirasong baryang pilak na nakasabit sa kalangitan? Maalinsangan sa sinapupunan ng Maynila. May mga pananahang hindi kayang lunasan ng pag-uwi. Sa susunod na buwan, pupunta ako sa San Pablo at magdadala ng isang boteng alak. Mapilit ko kayang uminom si Mitch? Pakikinggan namin ang tinig ng mga nalalagas na dahon. Magkukuwento ako tungkol sa bundok na nakasiksik sa aking dibdib. Sakaling malasing siya, tiyak ko, tatanungin niya ako, “Paano kang nakauwi?” At tutugon ako, “Hindi naman ako umalis.”
Men ask the way to Cold Mountain. Cold Mountain: there's no through trail. In summer, ice doesn't melt. The rising sun blurs in swirling fog. How did I make it? My heart's not the same as yours. If your heart was like mine You'd get it and be right here.
translated by Gary Snyder
2.
Pagdating Sa Tuktok
Umupo kami sa isang bato. Umangat ang hamog, iniwang kumikinang ang mga palayan. “Kung susundan ang ilog na iyon,” sabi ng isang kasama, “tiyak, makararating ka sa lungsod.” Sa likod ng papalubog na buwan, pusikit ang abuhing-bughaw na kalangitan. May dumapo sa aking paanan: Isang tuyong dahon. Inilapat ko ang aking palad sa batong inuupuan. “Malamig,” wika ko. Humuni ang mga ibon, waring tumatawa. Niyakap ko ang aking sarili. Nagsinipisan, unti-unti, ang mga ulap. Sa ibaba, waring isang mahabang salamin ang ilog, waring hindi umaagos.
Written on the Seventh Day of the Seventh Month (to the tune of "You Move in Fragrance") Li Ch'ing Chao
Deep in the grass the crickets sing. Wu-t'ung leaves fall suddenly and startle me. Sorrow lies thick On the ways of men and high Heaven. On the cloud stairs to the floor of moonlight The doors are all locked for a thousand miles. Even if our floating rafts could come and go We could not meet each other, Nor cross the star bridge of magpies. Once a year the Cowboy and Weaving Girl meet. Imagine the year-long bitterness of their parting. Now suddenly in the midst of their love-making The wind blows first clear and then rain.
3.
Matapos Itaboy ng Tag-init at Kalungkutan mula sa Lungsod
Malamig dito sa kabundukan. Dumating ako nang mag-isa, naghahanap ng katahimikan, ngunit ano ang inabot kundi ang mga kuliglig na humuhuni ng sarili-sarili nilang mga pagdurusa sa ilalim ng makapal na damo? Tinatawag ng mga kuwago ang mga kaluluwa ng nagsilagas na dahon. Pinagpapasahan ng mga puno ang tinig ng mga nagsasaya sa pusod ng gubat, iniaabot sa nakapinid kong bintana. Paano kong malilimot ang daan pauwi? Ibinubulong ng mga bulaklak ang huling linya ng tulang ito. Mapangutya ang titig ng buwan. Walang sapilitang paglimot.
4.
Wala lang. Nagugutom ako, e.
5.
After the Summer and Sadness Drove Me from the City
It is cold up here in the mountain. I came alone, looking for quiet, instead what do I find but each cricket singing a verse of suffering under the thick grass? Owls summon the countless souls of fallen leaves. The trees pass around the sound of merriment within the forest’s navel, until it reaches my closed window. How do I forget the way home? The flowers whisper these last few lines. The moon stares mockingly. No compelling forgetfulness.
Dahil mas madaling magsalita, nanahimik ka. Dahil ayaw mo ng madali. Umaga noon, tinawag ka ng guro, hindi ka nagsalita, anumang pilit niya. Nang pinatayo ka sa isang sulok, ibinulong mo sa pader: Huwag kang maingay, maraming nakikinig. Nasanay ka sa katahimikan, sapagkat may sinasabi ang mga kuping tansan sa kalsada, ang malagihay na kumot sa sampayan, bagaman hindi mabaybay ang kanilang mga pangungusap. Nakauwi ka na. Naghubad ka ng sapatos, at naaalala mo, sa daan, tinuklas mo ang lihim na arkitektura ng bawat puno, ng bukbuking bahay sa gitna ng riles at panaderya, ng isang patpat na pilit mong itinindig sa kalsada: Kapag wala nang anino, tanghaling-tapat na. O tapat na ang tanghali, may ibinubulong ang araw: Sa atin lamang ito. Dahil mas madaling magsalita, nanahimik ka. Dahil mas tamang makinig. Nakauwi ka na. Madilim, nakasabit ang kalansay ng mga saranggola sa mga kawad ng kuryente, kupas na ang mga kuwadrado sa sementong iniwan ng mga batang naglaro. Basag na holen, gusgusing pamato sa piko. Nakadungaw ka sa bintana. Umaandap-andap ang mga ilaw-poste. Parang may sinasabi.
Walang makapapansin. Maglalakad ako sa hardin ng aking kapitbahay at isa-isang durukutin ang mata ng mga bulaklak. Darapa ang damo sa ilalim ng aking talampakan. Lalapat ang mga dahon sa kapwa nila dahon. Kaba ang tawag dito, o alisuag. Sapagkat kung ako’y magkakasala, at walang makakikita, maaari kong sabihing hangin ang nagkuyom sa makahiya. Hindi ako. Sapagkat hindi mo matitiyak kung ano ang naglalaho sa bawat pagpikit mo. Maaaring wala. Maaaring sa isang balkonahe, sa isang dako ng mundo, may dumarapong paruparo. Ang totoo? Madaling-araw dito. Nakakuyom ang mga makahiya. Heto: isang sugat. Sa iyo ko lamang aaminin. Sa dakong ito ng mundo, iisa ang ngalan namin ng hangin.
Gusto kong magpaliwanag kung bakit hindi ako nakapagpasalamat (kaagad) sa mga pumunta noong lunes ng gabi. Maganda sana kung lulusot kung sasabihin kong kanina lang ako nagising sa sobrang pagkalasing noong lunes. Inabot na ako ng taho sa daan nu'n; galing Mag:Net, lumipat pa ako at ang ilang palaban pa rin sa Aladino's, para sa beer at pares at videoke. Okey sana 'yung paliwanag na napa-hibernate ako sa kalasingan. Kaya lang di lulusot, dahil nakapagpost na ako kahapon.
Kaya ayun, wala akong masabi. Salamat sa lahat ng mga pumunta-- gusto ko sana kayong isa-isahin kaya lang baka hindi ko na matandaan lahat. May mga pumunta na di ko inasahan; nakakatuwa. May mga hindi ko na masyadong nakakuwentuhan. May mga bumati lang, pero di ko na naasikaso. May mga pumunta na nagbakasakali lang ako na sana makapunta sila. May mga dumating na bigla ko na lang nakasalubong sa labas ng banyo, tapos sabi ko, sandali, balikan kita, pero di ko na nabalikan. May mga uminom lang nang mag-isa sa bar dahil talagang mag-isa lang silang dumating. Wala silang mahugot na kasama, pero pumunta pa rin. Dahil sabi ko, pare, punta ka naman. At pumunta nga sila. Nakakatuwa.
Ayun. Salamat, kahit huli na. Sa presinto na lang ako magpapaliwanag.
2.
Siguro gagana 'yung paliwanag na nasira ang kompyuter ko. O akala ko nasira, pero hindi pala. Ini-reseat ko lang ang video card at RAM, solb na ulit.
Naglinis kasi ako sa kuwarto. Pukinanginangyan, minsan na nga lang akong maglinis, bulilyaso pa. Ang dami kasing alikabok at abo (galing sa yosi) sa may mesa ng kompyuter. Nang binuhat ko, baka naalog ang CPU, kaya siguro nagloko.
Inilipat ko na rin sa mas ligtas na puwesto 'yung printer (na sira na ngayon) dahil tinatalunang palagi ng mga pusa. Itinurnilyo ko na rin sa mga pader 'yung mga satellite speakers, kaya suwabe nang mag-sound trip at manood ng pelikula ngayon. Iaayos ko na lang 'yung mga libro para mas maaliwalas.
Pero ayun nga. Di pa rin paliwanag 'yun, di ba? Ewan. Ang labo ko.
3.
Mayroon ka ba nu'ng soundtrack ng "The Last Waltz"? Rockumentary siya na idinirek ni Martin Scorsese. Matagal na sa akin 'to, ipinahiram ni Easy, pero ngayon lang ako nagkaroon ng sapat na tengga moments para panoorin siya. Tangina ang ganda, mehn, rock out.
Anyway, kung may kopya ka, o makakakuha ng kopya, pa-burn naman. Burn din kita ng mga astig na sounds. Mabuhay ang piracy.
4.
Naalala mo 'yung Nanowrimo? National Novel Writing Month yata 'yun. May pakanang bago ang kung sino, Intpowrimo naman-- International Poetry Writing Month. (May nagreklamo siguro na wala namang bansang makakaangkin ng tula, hehehe.)
May mga tropa akong nakikisakay; si Joel nakakarami na. Isa sa bawat araw ang challenge. Di ko pa nasusubok 'yun, pero sigurado akong hindi ito madali. Putangina, ako, ewan, pero hangga't kaya, bakit hindi. Nahuli na ako ng ilang araw, pero tara subukin pa rin natin.
Di ko alam kung may paregister-register ito, a. Basta nagsusulat lang ako.
Ayun. Wala lang. Para naman productive pa rin ang tengga moments natin, di ba.
6.
Sangandaan
Huwag muna nating pag-usapan ang kamatayan, huwag munang bilangin ang mga kasalanan, ang kaban-kabang utang
natin sa mundo. Masdan sa halip ang pagsiksik ng araw sa sinapupunan ng isang kutsara, ang mapaglarong prusisyon
ng alikabok habang nakaangkas sa nagdaraang hangin. Sa likod ng kalangitan maaaring humuhuni ang mga anghel
ngunit sino ba tayo upang makaintindi? Nagsisiwalat ng lihim ang kalawakan ngunit mas hilig yata nating pumikit
at kupkupin ang sari-sarili nating mga pagdurusa. Sakaling magsawa ka sa pagsisisi, ibulong mo lamang ang pangalan
ng kapalaran. Sakaling hindi mo ito alam, ipagpatuloy mo na lamang ang pagsisisi. O di kaya’y maglambitin sa mga sanga
ng nakaraan, habang hinaharaya: Sa isang madilim na silid natutulog ang isang dalaga.
Biniyak mo ang kanyang puso, dati, sa isang panaginip. Maaaring hindi mo na siya naaalala. Maaaring hindi
ka na niya naaalala. Maaaring tanghali na ngunit nakapinid pa rin ang bintana. Kung papasok ka sa silid, makita mo kaya
ang kanyang blusang nakalambong sa naubos nang liwanag ng gasera? Mapabulong ka kaya, ikaw?
At nasabi ko na bang kagabi, inilapat ng dalaga ang kaniyang palad sa aking pisngi at sinabing, Patawad,
mayroon lamang akong naalala. Nang tanungin ko siya kung ano ito, ngumiti lamang siya
at bumulong: Wala Kang dapat ikabahala. Narito tayo ngayon, hindi ba?
huli man daw at magaling, umuutot pa rin (o: sige na nga, pahabol)
Anyaya
Kung nais mong tanganan ang liwanag, subukin mo. Pigilan ka kaya ng batong nagmumukmok sa sulok? Naiinggit kaya ito? Kung nais mong tanungin ang mga talulot, Saan nagtutungo ang kulay ng inyong dugo tuwing umaga?, kung nais mong pumikit sa tuwing masusugatan, kung nais mong humuni nang parang ibong humampas sa nakapinid na bintana, bakit hindi? Subukin mo. Sapagkat ang hangin, malawak at ligtas, ay malalakbay mo pa rin. Sapagkat ang bato, kung nagkukubli sa anino, ay payapa sa pagkakakubli nito; sapagkat ang mga talulot ay hindi nagdurugo kundi nakikisalo sa pagtatampisaw ng madaling-araw. Sapagkat ang liwanag ay naaangkin sa pagtitig lamang.
Twenty-four years remind the tears of my eyes. (Bury the dead for fear they walk to the grave in labour.) In the groin of the natural doorway I crouched like a tailor Sewing a shroud for a journey By the light of the meat-eating sun. Dressed to die, the sensual strut begun, With my red veins full of money, In the final direction of the elementary town I advance for as long as forever is.
2.
Salamat kung bumati ka sa teks o sa prenster. Pero tangina mo pa rin kung bumati ka tapos di ka makakarating mamaya sa Mag:Net.
Hindeee, biro lang. Alam ko namang kung kaya mo e makakarating ka. Di ba?
3.
May nagpasa sa akin ng isa pang raket, pero naisip kong huwag na lang siyang gawing raket; naisip kong magkawang-gawa na lang, para sa bayan. (Kung meron man nu'n). At tutulungan mo ako, mehn.
Ganito: kinontak ako ng isang kaibigang tumutulong sa kampanya ni Chiz Escudero. Ngayon, sa listahan ko ng mga iboboto para sa Senado, silang dalawa pa lang ni Sonia Roco ang sureball na iboboto ko, kaya siyempre payag naman ako kaagad. At may budget daw ito, may bayad dapat, pero naisip ko, hindi na ako hihingi ng bayad, kasi nga naniniwala talaga ako du'n sa kandidato. At hindi ako sigurado kung magagawa ko siya nang mabilisan, gaya nang hinihingi nila.
Ganito: naghahanap sila ng mga parang "jokes." Kahit medyo corny, basta catchy, 'yung may recall. Ikakalat nila ito, siguro via text, kaya hindi puwedeng sobrang haba. Eksampol:
Q: Bakit nakasimangot ang lahat ng kandidato ng Team Unity?
A: Kasi they forgot to say Chiz!
Ayan, gets? So hinihingan ako ng mga singkuwentang ganyan. Kung may maisip ka, pakiemail na lang sa kael.co@gmail.com.
Uulitin ko, hindi ko pagkakaperahan ito. Kilala mo naman ako, e; di naman ako aswang o suwitik pagdating sa mga ganitong bagay. Basta't tutulungan mo ako, olrayt?